*Preparation *
Daniel's POV
Nang mapansin ko na si Renz ang tumatawag ay agad akong tumayo at sumenyas sa kanya na may importanteng tawag ako.
Nagmamadali din akong lumabas ng kwarto. Sinadya ko talagang lumayo nang kaunti para hindi niya marinig ang magiging usapan namin.
Mahilig pa naman siya makinig sa mga usapan lalo na kung siya ang topic.
At saka hindi na magiging suprise kapag nalaman niya ang lahat.
" Hello? Daniel! Sabi ni Tita nandyan daw sa inyo si Shayne? " Rinig kong sigaw mula sa kabilang linya. Boses babae ito kaya nahulaan kong magkakasama na sila. Mukhang nakaloud speaker din ito.
Narinig ko din ang pagsaway ni Renz kaya nagtawanan sila.
" Oo eh! Nagrereview kasi kami. " Medyo hinaan ko ang boses ko kahit na halos nasa dulo na ako ng hagdan ngayon.
" Good! Naghahanda na kami dito sa bahay nila. Mabuti nalang at pumayag kayong dalawa ni Tita dito sa plano namin. Tagal na namin hindi siya nakakasama. " Mukhang si Grace na ang kausap ko dahil nakilala ko ang boses nito.
" Wala iyon! Basta para sa kanya. Pasensya na kayo dahil sa akin kaya nawalan na kayo ng time para magbonding. " Nalungkot ako sa sinabi ko. Kung iisipin naman kasi talaga ay kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
Naging pabaya ako sa tungkulin ko bilang tagapagmana ng Jobsters Group of Companies. Masyado akong naging abala sa kung paano ko makukuha ang pagmamahal ni Shayne.
" Hey! Its not your fault. Alam naming ginawa mo lang kung ano ang alam mong tama. " This time si Renz naman ang narinig ko.
Napangiti nalang ako at tumango tango kahit na hindi naman nila ito nakikita ngayon.
" Anyways, anong oras ba kayo matatapos? " Since nakaloudspeaker ang call ay hindi ko na naman kilala sino itong kausap ko.
Kilala ko lang kasi sa mukha ang mga kaibigan ni Shayne kahit na naging magkakaklase din kami.
" Buong maghapon kami kung magreview. " Matipid kong sagot. Maski ako kasi ay hindi ko alam kung anong oras kami matatapos ngayon.
" Ah okay. Siguro bago naman maghapunan tapos na kayo no? " Hindi ko din alam kung isasagad na ba namin ang pagrereview ng cover to cover since malapit na ulit ang pasukan.
" Siguro saka panigurado kapag tapos na kami ay magtetext naman si Shayne kay Tita Katrin kaya malalaman niyo din. " Pagdadahilan ko which is laging ginagawa ni Shayne kada pauwi na siya. Gusto niya kasing laging updated sina Tita para sa gayon ay hindi ito masyadong mag-alala sa kanya.
" Okay! Mag-aayos na muna kami dito at saka hindi ka na namin pagdadalhin ng kung anong ano. Saka sagot din naman ito ni Alwyna at nag-ambagan din kami. " Huling narinig ko bago nila patayin ang tawag.
Nagmamadali akong bumalik sa kwarto ko na sakto naman na pabalik palang si Shayne sa kinauupuan niya.
Napailing na lang ako habang natatawa. Tama nga ang kutob ko. Pinakinggan nga niya ito.
Alam kong hindi ito lumabas ng kwarto dahil wala akong narinig na ingay.
" Nagugutom ka na ba? Gusto mo na ba magtanghalian? " Tanong ko sa kanya nang maupo na ulit ako. Hinawakan ko naman ang kamay nito at pinisil ng marahan.
" Oo e! Kanina pa ako nagugutom. Pwede na ba tayo kumain? " Nahihiyang sabi niya sa akin. Napansin ko ding namumula ang tenga nito.
Hindi ko alam kung kinikilig ba ito o dala na din ng pagkagutom. Hindi din naman ito nagtanong kaya sigurado akong hindi niya narinig ang napag-usapan namin ng mga kaibigan niya kanina.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...