A/N: Napakaikli nang back to back update ko. Pasensya na po talaga. Naging busy lang po ako niyong mga nakaraang buwan.
Excited na ako sa magiging bakasyon grande ni Shayne! :)
Enjoy Reading po :)
----------------
* Simple Plan *
- Renz's POV -
" Akala ata niya papasindak ako sa mga pananakot niya. " Nakangisi kong sinabi at agad na pinindot ang stop button sa hawak kong maliit na recorder sa kaliwang kamay ko.
Mabuti na lang ay mautak ako at lahat ng usapan namin ay narecord ko.
" Dapat malaman niya ito. "
Pagkalabas ko sa opisina ni Nicole ay agad akong naglakad papunta sa pantry at kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko para tawagan ang taong nag-utos sa akin para masangkot sa gulong ito.
" Balita? " Iyan agad ang bumungad sa akin habang ako ay palingon lingon sa paligid at baka may makakita o makarinig sa akin.
" Ayun bistado ni Nicole ginagawa ko. Galit na galit at gigil na gigil. " Mahina kong sabi sa kanya.
Agad kong binuksan ang pintuan at pumasok sa loob at nilock. Nagpunta ako kung saan ako nakapwesto.
" Talaga? Ano pa ba ang inaasahan ko sa babaeng yan. Huling huli na pero patuloy pa din siya sa pagtatanggi ng ginawa niya. Maiba ako, may nakuha ka bang mga impormasyon? "
Kinapa ko ang bulsa ko at agad na inilabas ang hawak hawak kong USB.
" Oo. Pupunta na lang sayo mamaya. " Sabay putol ng tawag.
" Haist! Bakit ko ba kasi tinanggap ang pakisuyo niya! Ako naiipit! "
Napasabunot ako ng mahina sa sarili at napailing iling.
Kung hindi lang para sa kapakanan ni Shayne, hindi ko ito gagawin.
Kung hindi lang malaki ang utang na loob ko sa taong yon, hindi ako mapapasok sa gulong ito.
Yumuko ako sa lamesa at napapikit.
Hindi ko alam kung hanggang saan lang maitutulong ko sa kanila kahit alam ko nasa kapamahakan ang buhay ko.
" Alam ko kanina ka pa nandito. Lumabas ka na dyan. " Sigaw ko. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin.
" Hindi ka pa din nagbabago, Renz. Malakas pa din ang iyong pakiramdam. "
Agad akong tumayo at nilingon ang taong nasa likuran ko.
" Kung wala kang maitutulong sa problema ko, manahimik ka na lang kung ayaw mo madamay sa gulong gusto mong pasukin, Kris. "
" Ako pa tinakot mo? Hahaha! " Malakas ang pagtawang pinakawalan niya at nang nagkaroon nang pagkakataon ay agad kong nahawakan ang kwelyo niya.
" Uulitin ko, kung ayaw mo pati buhay mo mapahamak, manahimik ka! Kung para sa kapakanan ni Shayne ang iniisip mo, sundin mo ang sinasabi ko sayo. " Sigaw ko sa kanya.
Nanlilisik na mata ang iginanti na sa akin.
---------
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romantik(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...