[TFTM2:SM] - Chapter 25 (11/01/18)

21 8 0
                                    

*Thank You*

Alwyna's POV

Pagkababa ko nang tawag ay agad kong nilingon ang natutulog na si Shayne.

Ituloy ko na kaya ang pagbili ng shares sa kumpanya nila?

Alam ko naman na papayag ang mga magulang ko dahil pangalan naman ng kumpanya nila ang gagamitin ko at sa kanila ko ipapangalan ang mabibili kong shares.

Kailangan nang aksyunan to. Maikli lang ang ilalagi ko dito sa Pilipinas at gusto ko makitang maayos na ang lahat bago ako bumalik sa France.

Agad kong tinawagan si Mom at gulat ito dahil di niya inakala na tatawagan ko siya sa disoras ng gabi.

" May problema ba anak? Baka matulungan ka namin ng Daddy mo. " Sabi niya sa kabilang linya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

" Mom. .  Pwede humingi ng pabor? " Mahina kong sabi sa kanya.

" Anything, anak. "

Ramdam ko sa boses niya na nag-aalala siya.

" Alam niyo na po yung problemang kinakaharap ng JBC diba po? "

" Oo, anak. Ikaw nga ang una kong naalala nang mabalitaan namin dahil ang isa sa may-ari ng JBC ay kaibigan mo. Bakit mo pala naitanong? "

" Ah.. Kasi po. .  Gusto ko po sila tulungan. "

Nauutal kong sinabi. Kinakabahan kasi ako na baka magalit sila sa akin.

Pero alam ko, hindi nila magagawa yun.

" Alam ko kung ano iyang iniisip mo. Ilang beses na kitang nakikitang malalim ang iniisip kahit na dapat nagbabakasyon, mas pinili mong alagaan at bisitahin ang kaibigan mo. Sa katunayan nga, pinag-uusapan na namin iyan ng Daddy mo. Balak namin na maging biggest investor ng JBC pero hindi ibig sabihin nun ay kami na ang magmamay-ari ng kumpanya. Sa kanila pa din iyon. Gusto lang namin tumulong. "

Bigla akong ngumiti.

Ayan na ha? Daniel ah? Gumawa na ako ng paraan.

Huwag na sila magsakitan pa.

" Talaga po? Siguradong matutuwa po sila kapag nalaman nila iyan. Pupunta po maya maya dito ang anak ng may-ari ng JBC. Sabihan ko nalang po siya tungkol sa napag-usapan natin. Maraming salamat po, Mom! "

" Walang anuman, anak! " Sabay putol nang tawag.

Isang napakalapad na ngiti ang naging tugon ko.

Napapayag ko na sila pero kulang pa.

Kailangan kong kumbinsihin si Kuya Nicko na bumili din ng shares ng JBC.

Matagal ko nang alam ang mga kalokohang pinaggagawa niya. Thanks to my beloved who always telling me what is happening.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon