[TFTM2:SM] - Chapter 22 (11/26/17)

34 6 0
                                    

Author's Note:

Update, update!! Ihanda niyo na po ang tissue niyo dahil magsisimula na ang mga madramang eksena sa kwentong ito.

-----------------------------------------------------
*Confused*

Daniel's POV

Pagkatapos nang pag-uusap nila ni Alwyna ay agad akong bumalik sa loob ng kwarto niya at nadatnan ko siyang hawak hawak niya ang ulo niya nang dalawang kamay.

" Shayne!! Anong nangyayari sayo? " Tumakbo ako papalapit sa kanya.

" Daniel? Masakit!!! " Pasigaw niyang sinabi.

Agad kong pinindot ang button na malapit sa higaan niya para tawagin ang Nars nakatoka sa kanya.

" Masakit!! Hindi ko na kaya!! Sobrang sakit!! " Paulit ulit niyang sinisigaw sa akin.

Nakarinig ako ng malakas na pagbukas ng pinto at nagmamadaling pumasok ang mga Nars na may kasamang mga doktor.

" Sir kami na muna bahala sa kanya. " Sabi ng isang Nars kaya umatras ako para sila na muna ang mag-asikaso.

Hinawakan nila ang kamay ni Shayne at nakita kong may ininject silang gamot sa kanya.

Siguro pain reliever un dahil nakita kong kumalma si Shayne.

" Sir.. We need an immediate operation. " Kalmadong sinabi sa akin ng doktor.

" What!! Hindi na ba kaya ng gamot? Akala ko ba sa makalawa pa ang operasyon? " 

" Sir kailangan na po ngayon. Kapag pinaabot niyo pa nang makalawa yan, baka hindi na mabuhay ang pasyente. "

Wala na akong magagawa.

Kailangan kong tanggapin ang lahat.

Kailangan kong sumuko sa kanya.

" Sige po, Dok! Dalhin niyo na po siya sa Emergency Room. "

Sinulyapan ko muna si Shayne bago lumabas ng kwarto.

" Nawa'y patawarin mo ako sa gagawin kong ito. Sana malaman mo na para sayo ito. "

Lumabas ako nang kwarto at tinawagan ang number niya.

" I'll accept your offer but LEAVE SHAYNE ALONE! "

" As you wish. "

Sabay baba ng tawag.

------------------------------------

(Flashback)

Nang iwan ko ang magkaibigan sa loob ay nakita ko si Nicko na naglalakad papunta sa akin.

May hawak siyang folder.

Parehong folder na pinakita niya noon.

" We need to talk. " Seryosong sabi niya sa akin.

" About what? " Kunwari hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

" Here! " Itinaas niya ang folder na hawak niya.

" Not here. Find a place. "

" In your office, with you, her family and Nicole Anne. " Saka naglakad palabas.

" Ano bang pag-uusapan natin at pati mga magulang niya inimbita mo pa? "

" Huwag kanang maraming tanong. " Sabay sakay sa kotse.

" Fine! Fine! " Iritableng sagot sa huling sinabi niya.

Ganon ba kaseryoso kaya pinatawag lahat?

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon