*Shayne's Health Condition*
-Daniel's POV-
Matagal akong yumuko at paulit ulit na tinatanong ang sarili ko kung may sakit nga ba si Shayne na hindi sinasabi sa akin kahit na lalong lumalim pa ang pagtitinginan naming dalawa, para kasi sa akin, hindi pa din sapat na hindi niya sabihin yun dahil kahit na wala akong karapatan para malaman ang bagay na ito pero, alam ko at ramdam ko na mahalaga ako sa kanya. Sobrang mahalaga pa nga!
Maya maya pa ay dumating si Tita Katrin na nagmamadali at hindi mapakali. Agad akong tumayo para alalayan siya.
" Iho, nasan ang anak ko? Anong nangyayari sa kanya? " Pag-aalala ni tita sa kanya. Unti unti na rin pumapatak ang kanyang mga luha. Pinaupo ko muna siya sa bench para kumalma kahit kaunti. Hinawakan ko gamit ang aking isang kamay ang braso niya at marahan na tinapik ito.
" Nasa Emergency Room po. Magiging maayos din po ang lahat. " Pagpapakalma ko sa kanya. Iyan din ang lagi kong sinasabi sa aking sarili.
" Sana nga! Sana nga maayos lang ang kalagayan ni Shayne. Sana hindi pa huli ang lahat. "Sabi ni Tita habang pinapahid ang kanyang mga luha. Nagkusa na akong nagbigay ng panyo sa kanya.
Naguluhan ako sa huling sinabi niya. Anong sana hindi pa huli ang lahat? May alam ba si Tita sa nangyayari kay Shayne?
" Tita. . walang galang na po. May alam po ba kay--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng emergency room. Sabay kami ni Tita na lumingon maging sa pagtayo.
" Sino po sa inyo ang kamag-anak ng pasyente? " Pagtatanong ng Doktor sa amin. Hinayaan ko na na si Tita ang tumango.
" May sasabihin po akong mahalaga sa inyo. Huwag po kayo mabibigla. . .Pe-pero. . ang pasyente po ay nakakaranas ng severe headache. May nakita kaming maliit na tumor sa utak niya ayon sa CT Scan na aming ginawa at nalaman din po namin na ang pasyente ay may sintomas ng Dementia. " Sabi ng doktor na halos ikahimatay ni Tita Katrin kaya agad ko siyang inalalayan.
" What! May tumor si Shayne? Doc, hindi ba ako nagkakamali ng narinig? Paano niyo nasabing may tumor si Shayne eh ang lakas lakas niyang tao! " Pasigaw kong sinabi sa Doktor na halata sa mukha niyang nabigla din sa aking ginawa.
" Tama po ang narinig niyo. May maliit na tumor sa kanang utak ng pasyente. Kaya ang madalas na pananakit ng ulo niya ang naging sintomas nito at dahilan din iyan para nagkaron pa siya ng isang sakit na Dementia. " Tuloy tuloy na sabi ng doktor na hindi ko kayang tanggapin sa utak ko.
" Anong Dementia ba yang pinagsasabi niyo ha! " Kanina ko pa naririnig ang salitang iyan pero hindi man lanng maibigay ang kahulugan nito. Hinawakan naman bigla ni Tita Katrin ang kamay ko para pakalmahin. Hinigpitan ko ang hawak dito para maramdaman niya na kakampi niya ako sa oras na ito.
" Dementia is a sudden loss of memory that can lead to amnesia kapag napabayaan. Kaya ko nasabing may Dementia ang pasyente dahil, pagkagising niya kanina sa emergency room ay hindi niya alam kung paano siya napunta dito at paulit ulit niya kaming tinatanong kung sino ba talaga siya. "
Halos gumuho ang mundo ko. Dementia at Cancer in the Brain. Dalawang sakit na magpapahirap kay Shayne. Bakit sa dinami dami ng pwedeng dapuan ng mga sakit na yan si Shayne pa ang naisipang bigyan! Bakit! May malaki bang kasalanan si Shayne kaya siya pinaparusahan ngayon? Bakit siya pa!
" Dok. Nasaan ang anak ko? Gusto ko siya makita. " Halos pabulong na sinabi ni Tita Katrin.
" Inilipat na namin siya sa room 341. " Sabi ng doktor at saka umalis. Pero hindi pa siya nakakalayo ay hinigit ko agad ang kamay niya dahilan para mapaharap siya sa akin na nagtatanong ang mukha.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...