*End of 1st Half*
Daniel's POV
Hindi naman trapik sa kalsada kaya maaga ako nakarating sa opisina.
" This is it! It will end today. " Masiglang sabi ko sa sarili ko bago lumabas ng kotse.
Kailangan nang matapos ang lahat ngayong araw na ito.
Hindi na ito pwede ipabukas ba!
Sawang sawa na ako makitang nasasaktan ang lahat.
Kailangan ko na talagang bumawi sa kanya.
Masaya akong binati ng mga Security Guards ng mapadaan ako sa kanila at nagpapasalamat pa ako dahil pampawala ng kaba iyon.
" Good morning, Sir! " Nakangiting bati sa akin ng taong naka-assign sa Front Desk ngayon.
" Maitanong ko lang kung may mga taong dumating na dito at hinahanap ang daddy ko? " Tanong ko sa kanya.
" Wait, Sir. Check ko lang po. " Sabi niya saka yumuko.
Nakita ko siyang nagbukas ng log book at may hinanap na pangalan.
Marahil iyan ang guest book nila. Matagal na din hindi ako nakakapunta dito dahil sa abala ako sa pag-aaral at pag-aalaga sa kanya.
" Ahm, . . Sir. Meron na po. Ayon sa nakasulat dito, sa Conference Room sila papunta. " Sabi niya sa akin.
" Pwede ba malaman kung sino sila? " Tanong ko naman sa kanya. Nagdalawang isip pa siya kung sasabihin niya sa akin.
Sa loob loob ko, kilala naman niya siguro ako? Baka naman nakikita na niya ako dati na labas masok sa kumpanya noon. O kaya naman, bagong tauhan lang siya dahil kung kilala niya talaga ako, hindi siya matatagalan bago sumagot.
" Ako na bahala dito. " Narinig kong sabi ng kasamahan niya. Umusog naman ito at saka umupo.
" Sir Daniel, Alwyna po ang pangalan. Siya po kasi ang natatandaan kong nagfill up nito kanina. " Sabi niya habang sinusuri mabuti ang mga nakasulat sa Guest Book.
" Yun lang ba? " Paninigurado ko.
Nararamdaman ko kasi na pwedeng sumulpot si Nicole Anne dito ano mang oras dahil ang buong alam niya ay siya na ang may-ari ng kumpanya.
" Meron pa po pala. Ni. . . Nicole Anne. Pasensya na po sir. Hindi ko po kasi mabasa yung sulat kamay niya. " Sabi niya sa akin.
Imposibleng mawala talaga yan dahil kung ano man ang mapag-usapan ngayon ay alam kong magiging maganda ang kalalabasan.
Alam kong iyon na ang magpapatahimik sa aming lahat.
" Okay! Salamat. " Mahinahon kong sagot sa kanya at saka naglakad papunta sa Conference Room.
Habang naglalakad ako ay napalingon ako sa paligid. Abala pa din sila sa pagtatrabaho kahit na alam nila na any moment, pwedeng ipasara ang kumpanya at mawalan sila ng trabaho pero syempre, hindi namin hahayaang mangyari yon.
Napagtanto ko din na hindi binanggit kanina na nagpunta na si Renz dito pero imposibleng wala siya dito dahil kaninang pagbaba ko ng sasakyan ay natanaw ko mula sa malayo ang sasakyan niya. Baka sa back door na dumaan tutal kilala naman siya dito.
CONFERENCE ROOM
Nang mabasa ko yan ay huminto na ako sa paglalakad. Pinakiramdaman ko muna kung anong klaseng atmosphere ang maabutan ko bago ako pumasok.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...