(UNEDITED-UPDATED THRU WATTPAD APP ON MOBILE PHONE)
Hi! May nagbabasa pa ba nito? Sorry kung di ako makapag-update agad. Tinamaan ako ng matinding writer's block. I try to make this chapter long. Sa taong ito matatapos ang kwentong ito.
-----------
* Who Am I Part 2 - Revelation Revealed *
- Daniel's POV -
" Ako lang naman ang pinsan mong magaling. "
Pinsan? Kelan ko siya naging pinsan?
Kilala ko lahat ng kamag-anak ko dahil lagi ko sila nakakasalamuha sa tuwing may mga family gatherings.
Pwera na lang kung siya yung laging sinasabi ng pamilyang Gonzales na wala sa wisyo sumama sa kanila sa tuwing may ganoong okasyon dahil di umano abala sa mga kaibigan niya?
" Paano? " Tanong ko sa kanya na naguguluhan.
Bigla naman siyang tumawa nang pagkalakas lakas at pinaghahampas pa ako sa balikat ko.
" Akala ko ba matalino ka na? Pinsan mo nga ako. Sa dugo at sa laman. Pinsang buo! " Pasigaw niyang sabi pero di ako naniwala kaya I gave him a puzzled like expression on my face.
" Hahaha! Sabi na nga ba di ka maniniwala. Hahaha! Pinsan mo ako. Your one and only cousin. Alam mo naman siguro ang dahilan kung bakit ayaw kong mapalapit ka kay Shayne? " Bigla naging seryoso ang mukha niya.
" Bakit nga ba? Parang sasaktan ko naman kaibigan mo? " Buong lakas ng loob kong sinabi sa kanya.
Wala sa plano ko ang saktan siya. Siguro noong umalis kami pero alam ko matagal na iyon.
Napatawad na naman niya siguro ako.
" Simple lang! Madadamay siya sa pagbagsak ng family business niyo. As a concerned citizen, hindi ko hahayaang mangyari yun! " Sigaw niya sa akin na pagalit.
" Ha? Bakit alam mo yung problema sa family business namin? May kinalaman ka ba dito? " Naguguluhan kong tanong sa kanya.
Ngumisi siya at proud na tumango sa akin.
" As you can see, may alam ako. Malamang! Someone asked for my help since your crazy ex girlfriend want to take revenge on you. " Sabi niya sabay turo sa akin.
So paghihiganti pala lahat ang ugat ng ito?
Bakit kailangan pang idamay ang family business?
Hindi pwedeng bumagsak ang negosyo namin!
Hindi kakayanin nina Shayne iyon.
" So anong papel mo? Dont tell me, si Nicko? " Hindi ko magawang tapusin ang itatanong ko. Isipin mo palang na si Nicko?
Kukulo talaga ang dugo mo.Akala mo mabait pero TUSO.
" Exactly! Pero wala ako balak ikwento ang lahat sayo. Kayong dalawa ang nagtutulungan diba? Alamin mo sa kanya ang lahat ng ginagawa ko. "
" Bakit pa? Ikaw tong kamag-anak ko! "
Tama! Siya na nga tong kamag-anak ko, siya pa tong nagdadamot.
Pero may punto siya. Si Nicko ang kinuha ni Dad kaya sa kanya ako magrerely ng mga sagot sa katanungan ko.
Pero paano kung nagsisinungaling lang si Renz? O si Nicko?
" Totoo ba sinasabi mo? " Bigla na lang lumabas sa bibig ko yan. Hindi kasi pumapasok sa utak ko mga sinasabi niya.
" Mukha ba akong sinungaling? Sa mukha kong to? " Sabay tawa ng malakas.
" Paano ako maniniwala nung 1st year tayo halos galit ka sa akin? Teka nga muna. Ano ba ginawa ko sayo? "
Tiningnan ko siya nang masama. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano niya ako itrato. Ituring na isang kaaway.
" Uulitin ko ba sinabi ko kanina? O sadyang slow ka? "
So tama nga ako! Pinoprotektahan lang. Hindi ko siya kaagaw kay Shayne.
" Wala ako balak makisali sa pakikipag-agawan niyo sa kaibigan ko. Oh siya! Nonsense ka talaga kausap. Makaalis na nga. " Nagsimula na siya maglakad palayo.
Alam ko na kung saan patungo ang lahat ng ito.
Alam ko bandang huli, mahihirapan kami.
Sana kayanin niya.
-------
* Shayne's POV *
Nasan ako?
Bakit ako naririto?
Anong ginagawa ko dito?
Puro puti ang nakikita ko. Puti na akala mo nasa langit ka.
Lumingon lingon ako sa paligid. Marami akong nakikita na hagdan.
Ibat ibang klase ng hagdan. May paakyat, pababa at papunta sa kawalan.
" Patay na ba ako? " Iyan agad ang pumasok sa isipan ko nang mapagtanto ko kung nasaan ako.
Hindi naman siguro kasi sa pagkakatanda ko, natutulog ako sa kwarto ko sa hospital.
Naglakad lakad ako para mahanap ang dulo nito.Hindi ako mapalagay sa kinalalagyan ko ngayon.
Pakiramdam ko may mangyayaring di maganda.
" Bakit mo hinayaan na dapuan ka ng ganyang sakit? Tingin mo ba mabubuhay ka pa? " Sabi ng isang babae sa akin kaya napahinto ako.
Kilala ko ang boses niya pero hindi ko siya matandaan o makilala man lang dahil sa itsura niya ngayon.
Blangko ang mukha.
" Ha? Sino ka? Bakit mo ako kinakausap? Kilala ba kita? " Tanong ko sa kanya.
Napaatras na lang ako sa takot. Kumakausap ako ng hindi ko malaman kung tao ba o multo dahil sa walang mukha ang nasa harap ko.
" Makikilala mo din ako pero heto lang ang masasabi ko sayo. Gawin mo na lahat ang alam mong ikakasaya mo dahil bilang na lang ang araw mo. " Sabi niya sabay naglakad palayo.
Imbes na sumagot ay hinabol ko siya hanggang sa maramdaman kong nahulog na lang ako sa isang bangin.
" Shayne! Ayos ka lang ba? " Sigaw ni Daniel sa akin habang inaalog alog ako.
" Sabihin mo munang buhay pa ako? " Tanong ko agad sa kanya nang idilat ko ang aking mga mata.
Panaginip lang pala. Pero natatakot ako dahil pakiramdam ko, nakapunta na ako doon dati.
Niyakap niya ako bigla. Nagulat ako sa ginawa niya pero hinayaan ko na lang. Doon ko lang napansin na may Nurse sa likuran niya.
" Okay na po ba kayo, mam? Papainumin ko sana kayo ng gamot ngayon. " Sabi niya bigla ng malumanay.
" Gamot para saan? " Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Nakayakap pa din si Daniel sa akin at nararamdaman ko ang pagpapalitan nya ng buntong hininga.
" Para po sa tumor niyo. Para po umimpis na siya at maoperahan kayo kaagad. " Sabi niya sabay lapit sa akin. Kusa namang bumitaw si Daniel sa pagkakayakap.
Inilagay nya sa kamay ko ang tableta. Ininom ko naman yon at saka kinuha ang baso sa kamay niya.
" Sabihin mo, mabubuhay pa ako diba? " Natigilan silang dalawa nang tanungin ko niyan.
Huwag mong sabihing totoo ang sinabi niya?
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...