*Follow Up Check Up*
Daniel's POV
" Daniel, kumain ka na ba? " Narinig kong tanong ni Mom sa akin.
Mukhang kanina pa ako natulala kaya nagtanong na si Mom. Even Dad's face seemed worried also.
Sa dami kasing tanong at bagay bagay na sumasagi sa isipan ko, hindi ko na din maiwasang hindi matulala.
Hanggang ngayon kasi, hindi ko magawang maging masaya para sa amin ni Shayne.
Hindi pa gaano nag-sisink in sa utak ko na wala na talagang problema.
Na pwede na ulit kami maging normal na tao.
Kaso sa tuwing maaalala ko ang nangyari sa kumpanya, hindi ko maiwasang isipin kung paano kapag ako nalang magpatakbo noon?
Papayag kaya si Dad?
Panigurado akong tututol yun sa imumungkahi ko palang sa kanya dahil mas mahalaga naman talaga ang edukasyon.
Alam ko naman sa sarili ko na ako din naman talaga ang magpapatakbo noon kaya huwag ko nalang siguro madaliin ito.
" Daniel? " Muling tawag sa akin ni Mom.
" Sorry. Ano po yun? Ah! Yes po! Pinakain muna ako nina Tita Katrin ng almusal bago ako umuwi. " Sabi ko sa kanila.
Lumapit naman si Dad sa akin at tinapik tapik ang braso ko at saka lumabas ng bahay.
Si Mom naman ay hinawakan ang mga kamay ko.
" Anak. . Hindi masama ang makitulog kina Shayne pero you must know how to control temptations okay? Mga bata pa kayo. Huwag magmadali. "
Hindi na ako sumagot at naglakad nalang papunta sa kwarto ko.
Kaya siguro tinanong nang ganon si Shayne nang mga magulang niya dahil nga sa sabay kami lumabas ng kwarto at iniisip nila na may nangyari na samin ni Shayne.
Hindi ko din naman sila masisisi dahil babae ang kanila. Sila ang dehado. Gusto lang nila makasiguro.
Saka bago pa kami matulog kagabi ay sinabihan ko na siya at alam ko namang nauunawaan niya iyon.
Sigurado din ako na kinausap nila si Shayne nang masinsinan nung umalis ako but I should be thankful dahil both of our parents really concern about our building relationship.
Just like them, we both promise to achieve our dreams before doing it. Let ourselves be the inspiration for each other.
When the times comes. . .
I truly understand why Shayne chose that decision and I respected it.
Kinuha ko ang phone ko at dinayal ang number ni Nicko sa screen.
Kahit labag sa kalooban ang gagawin kong ito, ayokong madismaya si Shayne sa akin and I knew, ito yung tamang pagkakataon para magkausap sila.
Besides, they need closure.
Kakalimutan ko muna ang ginawa niya noon sa Ospital for Shayne's sake.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...