[TFTM2:SM] - Chapter 43 (02-22-20)

29 9 0
                                    

* Suprise Gathering *

Shayne's POV

Pagkababang pagkababa ko palang mula sa sasakyan ni Daniel ay agad kong napansin ang kadiliman na bumabalot sa bahay.

" Sa pagkakatanda ko . .  Hindi naman nagsabi si Mama sa akin na aalis siya pero bakit madilim? " Mahina kong bulong habang hinahanap ang spare key sa bag ko.

Naramdaman ko din ang biglang pag-akbay sa akin ni Daniel.

" Hindi din nagsabi sa akin si Tita pero mukhang hindi naman nakalock ang gate niyo. " Sabi niya na mukhang narinig ang bulong ko at agad akong napalingon doon.

Oo nga! Hindi nakakandado ito at nakakakawit lang pero baka lumabas lang ito saglit at may binili.

Binuksan ko naman agad ang gate at nagmamadaling pumasok sa loob. Pagkabukas ko na pagkabukas ko nang pintuan ay puro confetti ang bumungad sa akin.

" Surprise! " Rinig kong sabay sabay na sigaw ng mga tao sa loob ng bahay at agad na bumukas ang mga ilaw na sumilaw sa akin.

Mga tao sa loob? Sino sila? Iyan agad ang mga tanong na pumasok sa isipan ko.

Hindi ko alam kung anong ekspresyon na nang mukha ko ngayon pero kinabahan talaga ako. Akala ko may bombang sumabog sa loob ng bahay namin at tatakbo na sana ako palabas at palayo dito.

Dahil din sa hindi pa nakakapag-adjust ang paningin ko, tinakpan ko ito gamit ang isang kamay ko. Naramdaman ko nalang na may humawak bigla sa akin at hinatak ako papasok sa loob.

" Teka lang. Hindi ko pa naalis ang suot kong sapatos. " Pagtutol ko at pilit na binabawi ang kamay ko pero patuloy lang ito sa paghatak sa akin hanggang sa tumigil nalang ito bigla at binitawan ako. Tinanggal ko na din ang kamay na pinanggalang ko sa liwanag kanina at tumingala.

Isang malaking tarpaulin pala ang nasa harapan ko ngayon na punung puno ng mga masasayang larawan ko at ng tropa. May nakasulat pa nga na, " Thank you for coming back! We miss you. " at may nilagay pa silang puso na design sa dulo nito.

Kaya agad akong tumalikod at nakita ko silang nakahilera sa harapan ko na may mga hawak na mga paper bag na mukhang mga regalo nila para sa akin.

Hindi ako makapagsalita at bigla nalang naiyak. Naiiyak sa tuwa dahil hindi ko akalain na makukumpleto sila at tanging si Alwyna lang ang wala.

Nilapitan ko agad sila at agad naman silang nagkumpulan sa akin.

" Huwag na umiyak. Baka mapano ka pa. " Mas namiss ko ang boses na ito at lalong lalo na ang pambabara niya sa akin.

" Renz! Kamusta ka na? Naospital na ako't lahat lahat, ni hindi ka man lang dumalaw o kahit nagparamdam man lang. " Sabi ko sa kanya. May halong pagtatampo dahil iyon ang totoo.

Ni hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil ni isa sa mga kaibigan ko walang dumalaw sa akin pero pilit ko nalang inunawa na nag-aaral sila at mga major subjects na ang kinukuha kaya wala nang oras para dalawin pa ako.

At least ngayon alam ko nang hindi nila talaga ako nakalimutan.

Napansin ko ding nagkatinginan sila ni Daniel na para bang nagsesenyasan pero hindi ko ito pinansin sa halip ay kinuha nalang ang mga paper bag na hawak hawak nila.

" Okay lang naman. Diba guys? " Sigaw niya kaya sabay sabay silang sumagot ng " Oo. "

" Pero Shayne, magaling kana diba? 100%? " Tanong ni Lorraine sa akin. Bigla nawala ang mga ngiti nila. Lumapit naman sa akin si Daniel at hinawakan ang kamay ko.

[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon