Author's Note: Hi sa lahat! May nagbabasa pa ba nito? Tatapusin ko na siya this year kaya humihingi ako ng malaking SORRY kasi ang tagal bago na update. Naging abala sa work at writer's block at the same time. Enjoy reading po.
-----------------
Chapter 17 - Moment of TruthShayne's POV
" Sabihin niyo sa akin? Tama ba ako? Malapit na ako mamatay? Sagutin niyo ako!" Sigaw ko kina Daniel at sa Nars na kasama niya.
" Ah eh maam, hindi po. " Halatang kabado siya at hindi makatingin sa akin ng diretso.
" Maniniwala ba ako sa sinasabi mo eh hindi ka nga makatingin sa akin?! " Sigaw ko sa ulit kanya.
Napahawak na ako sa ulo ko dahil kumikirot na naman.
" Bakit ba ako may benda? Ano bang silbi nito? Magaling na sugat ko diba? Noong natumba ako sa school? " Tanong ko kay Daniel pero nakatingin siya sa malayo.
" Bakit di ka sumasagot, Daniel? Huwag mo sabihing di mo alam kung ano sinasabi ko? " Pagtataas ko ng tono sa kanya.
Ngayon dalawang kamay na ang nakahawak sa ulo ko.
" Aray! Ang sakit! Ang sakit sakit nang ulo ko! Aray! " Sigaw ko ulit at bigla ako niyakap ni Daniel.
" Kumalma ka muna at saka ko sasabihin sayo pero ipangako mo na hindi ka magagalit sa akin o sa mga magulang mo. " Mahinahon at pabulong niyang sinabi sa akin.
Pero ipangako mo na hindi ka magagalit sa akin o sa mga magulang mo
Tila umecho sa aking isipan ang sinabi niya at napaisip ako.
Hanggang ngayon pala naglolokohan kami ni Mama? Alam nila ang dahilan bakit matagal ako bago idischarge sa Hospital?
Kaya ba kada gusto ko itanong sa kanila laging iwas ang tingin sa akin?
" Oo na! " Pagmamaktol ko at agad kumawala si Daniel sa pagkakayakap sa akin.
Lumapit ang Nars at saka tinurukan ako nang pampakalma o pampawala ng sakit ng ulo ko.
" Kapag po may kailangan kayo, pakipindot na lang po yung buton sa malapit sa pindutan ng ilaw or tawag na lang po kayo sa Nurse Station. " Tumango muna siya bago lumabas ng kwarto.
" Dalawa na lang tayo ngayon. May balak ka ba sabihin kung ano talaga nangyayari? " Tanong ko ulit sa kanya na kasalukuyang nakatayo sa harapan ko.
" Alam ko sa loob loob mo, nagtataka ka na bakit hanggang ngayon di ka pa nadidischarge sa hospital at pawala wala ako sa tabi mo maging ang Mama mo. " Huminga muna siya nang malalim at saka ako tinitigan ng seryoso.
" Oo! Napapansin ko nga minsan ako na lang mag-isa dito? Ano ba talaga kasi ang nangyayari? May karapatan naman ako malaman yun diba? "
" Meron naman talaga kaso iniisip ko lang kung ano mararamdaman mo kapag sinabi ko lahat sayo. Ang dami nating problemang dalawa. Napakalaking problema. "
" Problema? So nagpapanggap kayo na ayos lang kayo sa harapan ko yun pala maraming problema? Ganon na lang ba yun? Porket nasa hospital ako wala na akong kwenta sa paningin niyo? " Pinipigilan kong mainis sa mga sinasabi niya at lalong kumalma dahil nararamdaman kong nawawala wala na ang pananakit ng ulo ko.
" Hindi sa ganon. Paano ba ito? Argh! Sige aaminin ko na lahat sayo. Tanda mo pa ba noong bata pa tayo may kalaro kang isang batang lalaki na bigla na lang umalis noon? "
" Paano kong di makakalimutan iyan eh halos araw araw na ako umiyak noon. Teka huwag mong sabihin ... " Napahawak ako sa bibig ko at unti unting umaagos ang mga luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romance(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...