* Final Talk Part 1 (to Nicole Anne Fontanilla) *
Shayne's POV
" Shayne . . "
Tawag sa akin ng isang boses babae mula sa gilid ko.
" Anong ginagawa mo dito? " Tanong ni Daniel sa kanya.
Nilingon ko agad kung sino ang kausap niya.
Si Nicole Anne Fontanilla.
" I just want to talk to her. I won't do any harm. I promise. " Sabi niya at itinaas pa dalawang kamay para mapatunayan sa amin na wala siyang gagawin na masama.
Ramdam kong lumapit sa akin lalo si Daniel at saka bumulong.
" Okay. . Fine! Dahil nakapili na din naman tayo ng mga schedule natin, ipaencode ko muna ito tapos balikan nalang kita dito. Call me if you need help. "
Napatango nalang ako at sinundan siya ng tingin habang naglalakad papunta sa Encoder.
Agad kong nilingon si Nicole Anne pero syempre poker face.
Kailangan kong mapakita sa kanya na di ako magpapasindak sa kanya.
Pagkatapos ng mga nangyari at ngayong nagpapagaling na ako. .
Kayang kaya ko na siyang labanan.
" Easy! Like I said. . I won't do anything. I just. . Want to talk to you. " Sabi niya.
Malumanay pero may halong pagtataray pa din.
" Okay okay. So . . What is it? " Pagtataray ko.
Kailangan maramdaman din niya na hindi na ako yung dating Shayne na hindi kumikibo sa mga ganitong sitwasyon.
Na kayang kaya nalang niya i-bully basta basta.
Dahil din sa ginawa niya kaya ako naging ganito.
" Okay lang sayo dito na tayo mag-usap? " Tanong niya sa akin at saka lumingon lingon sa paligid.
Tinignan ko lang siya ng masama.
Hindi pwedeng pumayag ako sa kagustuhan niyang mag-usap kami sa ibang lugar dahil mag-aalala pa si Daniel sa akin at lalong baka mamaya e may gawing masama itong babaeng ito.
" Okay! Di ka talaga naniniwala na di kita sasaktan? Sige dito nalang tayo mag-usap. Tutal maraming tao din naman ngayon. " Sabi niya.
Hindi ako nagsalita pero kitang kita ko sa kanya na kinakabahan siya.
Ganoon ba ka-intimidating ng tingin ko sa kanya?
" Easy! I won't eat you so kalma ka lang. " Sabi ko sa kanya.
Humiga muna siya nang malalim bago magsalita ulit.
" First of all, Sorry. . " Tinitigan niya ako diretso sa aking mga mata.
" Sorry sa lahat ng mga ginawa ko sayo. . sa inyo. Nagawa ko lang ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal ako. Hindi ko alam na sosobra na sa kasukdulan ang lahat. "
BINABASA MO ANG
[TFTM2] : Shattered Memories (Completed)
Romansa(BOOK 2 OF THANKS FOR THE MEMORIES). Pero bago mo simulang basahin ang kwentong ito, make sure na BINASA mo muna ang BOOK 1 nito entitled "Thanks For The Memories " kasi LAHAT NG MGA CLUES AT KATANUNGANG NAIWAN doon ay dito masasagot. [Magagawa nga...