Kabanata 3

66 4 0
                                    

Kabanata 3

Sa paanong paraan nga ba matatawag na isang mayaman ang isang indibidwal? Kapag ba ito ay may kakayahang bumili ng kaniyang mga nais? Kapag ba kaya nitong pakainin ang kumakalam na sikmura ng karamihan? O kapag ang isang indibidwal ay nakaya nang bilhin ang kapwa niya? Matatawag ba iyong kayamanan? Huwad ba o katotohanan?

Iyon ang mga bagay na bumabagabag sa isipan ni Ambrosio nang mga oras na tumapak ang kaniyang paa sa loob ng silid na pinagiwanan ni Berting ng kaniyang tampipi. Kung kanina ay nakasimpleng kamisa de chino lamang ang binata ngayon ay nakasuot na ito ng kapita-pitagang barong na ninakaw pa niya sa baul ng isang pasaherong tinulungan niyang magbuhat kanina upang makapasok sa loob.

Ang pagnanakaw para kay Ambrosio ay isang gawaing kaniya nang nakagawian. Isang bagay na hindi na maiiwasan para sa mga indiong nag-a-asam ng kaginhawaan subalit walang kakayahan. Si Ambrosio ay isang binatang puno ng pangarap sa buhay. Lumaki siyang walang ginustong hindi niya nakakamit bagamat nagmula sa pinakatalampakan ng kapangyarihan ng espanya.

Gayunpaman nananatiling mga posibleng bagay ang kaniyang pinapangarap, ang ilan pa nga ay mga bagay na naiisip niya lamang. Hindi nais ni Ambrosio ang kayamanan bagkus ang pinakapangarap niya ay ang makatungo sa Espansya upang makapagaral doon. At kung hindi man ay kahit ang makatapak lamang ang paa niya doon. Bilang bunso sa kanilang magkakapatid paraan na rin ito ni Ambrosio upang huwag nang bigyan pa ng sakit ng ulo ang mga magulang na matatanda na rin. At iyon ay ang umalis ng walang paalam. Alam ni Ambrosio na kawalang galang ang kaniyang ginawa. Hindi niya iniisip ang mararamdaman ng mga magulang kaya naman nag-iwan siya ng liham para sa mga ito.

Para kay Ambrosio, sapat na ang dalawang dekadang pagbuhay sa kaniya ng mga magulang. Sapat nang tinuruan siya ng mga itong makapagsalita't makalakad. Makabasa at makasulat, mapakain at mabihisan. Dahil sa pagkakataong ito, kailangan niya namang kumilos upang sa pagbabalik ay makatutulong siya higit sa kaya niyang ihandog sa pagpapakaalila sa mga insulares.

Ngunit nang tuluyang makuha ng Ginoo ang kaniyang tampipi ay siya namang pagbukas ng pintuan at pagpasok ng mga tao sa loob. Kung kaya naman ang akma niyang paglabas sa silid ay natigil.

Base pa lamang sa batuhan ng salita, asta at pagsampal. Mga nagmamataas na kilay at nagtataasang boses ay alam na ni Ambrosio na matapobre ang may ari ng silid bagamat isang tagapaglingkod ng sambahan. Sa puntong iyon ay hindi na niya napigilang kagalitan mula sa isipan ang kaibigang si Berting. Nais niya itong sakalin hanggang sa mawalan ng hininga sa kahangalan nitong taglay na tila ang isip ay ibinaun na sa kailaliman ng buhangin.

Gayunpaman naging maagap si Ambrosio sa paghahagilap ng palusot upang hindi mahuli. Nang makapaghanda ay tuluyan na siyang lumabas ngunit siya namang pagharap ng binibining sinampal ng madreng matapobre kanina.

Nang magtama ang mga mata nila ay may kung ano sa kaibuturan ng puso ni Ambrosio ang natigilan. Ang bibinibing katitigan ay may angking karikitang kahit na sinong Ginoo ang mapadaan ay mapapalingon at mas pipiliing mabalian ng leeg masilayan lamang ang kaniyang kagandahan. Ang mga mata ng dalaga ay itim na itim at napakapungay. Ang ilong ay mataas, may kaliitan ang kaniyang mukha at mapula ang labi. Nakadadagdag ganda rin sa dalaga ang mahaba't maalon nitong buhok. Binabagayan pa ito ng napakaganda nitong bughaw na saya na tila nagpapaalala sa kulay ng langit at dagat.

Ang puso ni Ambrosio ay walang hinto sa pagpintig na tila ba naguulat sa kaniyang ang babaeng kaharap ay siyang natatanging binibining magdadala sa kaniya sa alapaap. Ngunit kagaya ng isang ulap na tinatangay nang hangin paalis ay ganon din ang naging bilis ng pagbuklat ng dalaga sa kaniyang  abaniko upang takpan ang kaniyang mukhang inihahalintulad ni Ambrosio sa langit.

"¿Quién es usted señor? ¿Puedes presentarte? ¿Por qué estás en nuestra habitación?" (Who are you Señor? Can you introduce yourself? Why are you in our room? ) Agad na nabaling ang tingin ni Ambrosio sa Madre. Saglit niyang sinuri ang binibini. Tinatantya kung saan ito nagmula upang hindi nito lubos mabuko ang kaniyang gagawing panloloko. Nang makuntento si Ambrosio ay doon na siya umimik.

"Lo siento señoras, soy Ambrosio García de Batangas. Si no me conoce, soy el hijo del Gobernadorcillo del pueblo de Taal." (Sorry ladies, I am Ambrosio Garcia from Batangas. If you do not know me, I am the son of the Gobernadorcillo of the town of Taal.) Matapos sabihin iyon ng Ginoo ay ngumiti siya. Ang sinabi ni Ambrosio ay isang kasinungalingan, bagay na hindi na bago at paulit-ulit na rin niyang ginagawa. Mabuti na nga lamang at talagang maalam siya ng salitang banyaga. Bagay na hindi naman itinuro ng kaniyang ina't ama subalit nagawa niyang paunlarin ang sarili.

Napansin ni Ambrosio ay pagsilay sa kaniya ng binibining nakasuot ng bughaw na saya kung kaya naman kinindatan niya ito. Bagay na alam niyang kabastusan subalit wala namang nakapansin bukod sa dalaga dahil maingat siya.

"¿Qué hace aquí el hijo del Gobernadorcillo García?" (What is the son  of Gobernadorcillo Garcia is doing here?) Taas ang kilay na tanong ng Madre.

"Me perdí en el camino, pensé que esta habitación era mía. Mis hombres pusieron mis cosas en la habitación equivocada." (I got lost on the way, I thought this room is mine. My men put my things in a wrong room.) Pagdadahilan ni Ambrosio

"¿Es eso así?" (Is that so?)

"Sí, mis disculpas, señoras." (Yes, my apologies ladies.) Matapos iwan ang salitang iyon ay lumabas na si Ambrosio. Gayunpaman ang kaniyang pagiisip ay tinatangay pabalik sa loob kung nasaan ang binibining may bughaw na saya.

Simula ng araw na iyon ay hindi na naalis sa isipan ni Ambrosio ang dalaga. Nagsimula nang bumyahe at lahat ang barko subalit ang isip niya ay nakapako pa rin sa dalagang nakilala. Iniisip kung sino ba ito at kung ano ang pangalan nito. Mga bagay na mas nagbibigay dahilan kay Ambrosio na hanapin ito. Subalit, sa nagdaang tatlong araw sa loob ng barko na ang tanging taong may salapi lamang ang may kakayahang makabili ng makakain, tila saglit na nawala sa kaniyang isipan ang dalaga at lahat ay napunta sa paghahanap ng makakain nila ni Berting.


I M _ V E N A

Adios Por AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon