Kabanata 8
Ano nga bang klaseng larawan ang nanaisin mong titigan? Ang larawan ng kaginhawaan o ang larawan ng kahirapan? Siguro ay nanaisin ng karamihang silipin ang larawan ng kaginhawaan. Subalit para sa binibining namulat sa larawang huwad ng kaginhawaan. Natitiyak na susubukan niyang silipin ang larawan hindi niya pa nakikita. At mukhang ito ang larawan tititigan ni Almira sa pagkakataong ito.
Inaasahan ng dalagang yayakapin siya ng lamig nang dagat sa oras na siya ay pumikit subalit lumipas ang ilang minuto'y ramdam pa rin niya ang pagkakapulupot ng braso sa kaniyang bewang ni Ambrosio. Wala rin ni tilamsik ng tubig siyang naramdaman. Tanging hangin na humahampas sa kaniyang katawan ang kaniyang nararamdaman higit sa kahit na anong bagay.
Doon nagpasya ang binibini na imulat ang magaganda niyang mata. Doo'y nasilayan niya kung paanong nakahawak si Ambrosio sa isang malaking lubid na hinihila ng mga tao mula sa ikatlong palapag sa ibaba ng barko. Ilang ulit na napalunok muna si Almira bago balingan ang nasa ibaba kung saan ilang dipa na lamang ay sasayad na siya sa napakalalim na karagatan ng tsina.
"Sa akin ka tumingin binibini!" Tila masunuring tuta sa bilis ang naging pag-angat ng tingin ni Almira sa ginoong tila nahihirapan na sa kanilang pusisyon sa puntong iyon.
Wala na ang kaninang malokong ngiti nito dahil ngayon ay napalitan na iyon ng kaseryosohan na tila ba isang maling galaw na lang niya ay mahuhulog sila. Hindi maisaisip ni Almira kung gaano nahihirapan ang magnanakaw na ginoo sa sitwasyon nila ngayon. Ang isiping hawak siya nito habang nakahawak nang mahigpit sa lubid, idagdag pa na ang barko ay umaandar. Natitiyak ni Almirang lubos ang paghihirap ni Ambrosio ngayon.
"A-Ayos ka lamang ba, Ginoo?" Nanginginig man sa lamig, kaba at takot ay nagawang tanungin ni Almira ang binata.
"Kung hindi ka magiging malikot ay ayus lamang ako, " mariin muling turan nito bagay na ikinakagat labi na lamang ni Almira.
Ilang minuto pa ang tinagal ng paglalambitin nila bago sila naiangat ng mga kasamahan ng Ginoo sa ikatlong palapag. Tulong-tulong ang mga kalalakihan doon na siya ay maiangat at tuluyan nang makatapak muli sa barko. At sa puntong mangyari nga iyon ay tila nabuhayan ng loob ang mga tao sa palapag na yaon. Nagsigawan ang mga tao na tila isang kasiyahan ang nangyaring buwis buhay na kaganapan.
Siyang napasalampak na lamang sa sahig ay kinakalma ang sarili habang si Ambrosio ay tila nasisiyahan sa sigawan at nagkukumaway pa. Doon na hindi napigilan ni Almira ang pagikot ng kaniyang mata. Bagay na alam niyang gawin subalit unang beses niyang nagawa ngayon dahil wala ang mata ng kaniyang pamilya.
"Mabuhay ka Ambo!"
"Mabuhay!"
"Napakakisig na, napakatalino pa!"
"Ambo! Ambo! Ambo!"
Sa puntong iyon doon na lang napagtanto ni Almira na tila karamihan sa palapag na kaniyang kinalulugaran ay mga lalaki. Gayunpaman hindi kagaya ng kwento ng kaniyang ina ang asal ng mga ito. Ni hindi ng mga ito siya binabastos. May isang naghila pa ng upuan at inilagay sa kaniyang harapan na tila ba inaanyayahan siyang doon umupo matapos ay agad din itong lumayo. Mayroon ding nagalok ng pagkain bagamat tila luma na iyon at papanis na. Nginingitian siya ng mga ito at kinakamusta. Gayunpaman hindi ang mga ito nakalimot bigyan siya ng napakalaking distansya habang kinakausap.
"Maupo ka, Binibini."
"Nais mo bang kumain?"
"Ikaw ba ay nauuhaw?"
"Paumanhin ito lamang ang kaya naming maialok."
"Kamusta, Binibini?
"Ano ang iyong ngalan, Binibini?"
"Nakakaintindi ka ba ng tagalog, Binibini?"
Samu't-saring tanong ang ibinabato ng mga ito sa kaniya. Gayunpaman ang mga tanong ng mga ito ay nagawa siyang pangitiin. Tunay nga na kay durumi ng kanilang mga kasuotan. Ang iba ay tastas at tila hindi man lamang nagabalang tahiin bago suotin. Gayunpaman ang mga ngiti nila ay normal sa paningin ni Almira. Walang halong pagbabalat-kayo maski tinatagong pagiibot sa isa't-isa. Isang bagay na hindi na namalayan ni Almira na tuluyang nagpangiti sa kaniya.
"Tama nga ang aking desisyong ikaw ay isama dito, Binibini. Ngumingiti ka na, tanda na nasisiyahan ka." Ang tinig na iyon ay kilala na ni Almira. Alam niyang mula ito sa tulisang nagnakaw ng kaniyang purselas.
Ang marinig pa lamang ang tinig nito ay tila isang bagay na nakapagpapanting na ng kaniyang pandinig. Isang dahilan ng pagkawala ng kaniyang magandang ngiti bago binalingan ang pangahas.
Kasalukuyang nakayuko ito sa kaniya habang pangiti-ngiti pa na tila isang nakakatuwang bagay ang nangyari. Doo'y hindi na muli napigilan ni Almira ang mapairap sa nagsisimulang iritasyon sa nakikitang apog ng kaharap. Nang mangalay sa pagtingala si Almira ay nagpasya na siyang tumayo upang magkapantay sila. Bagay na hindi naman nangyari dahil talagang matangkad ang ginoo.
"Nakakatuwa ang pagbabago ng iyong mukha, Binibini. Hindi ko magawang hindi magulat sa iyong pinapakita!" Nagtawanan pa ang mga kasamahan nito dahilan nang mas lalo niyang pagkairita.
"Alam mong hindi ako natutuwa sa iyo, Ginoo, " mariing turan niya. Isang bagay na dahan-dahang nagbura sa ngiti ng binata. "Nasaan ang—"
Natigil ang akmang pagtatanong ni Almira nang biglang magangat ng kamay si Ambrosio. Subalit dahil sa lapit nila ay imbis na sa mukha lumapat ang kamay nito ay sa dibdib ng dalaga ito napunta. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay mabilis na lumipad ang palad ni Almira sa mukha nito. Kasabay niyon ang isang malakas na sigaw.
"Bastos!"
Tila ang mga nanonood ay natigilan din sa lakas ng sigaw hanggang sa ang mga ito ay unti-unting nagsialisan at naubos.
"Ambo, aalis na ako."
"Berting huwag mo akong iwan!" Subalit ang magaling na kaibigan ni Ambrosio ay iniwan na siya tangay ang mga gamit na ninakaw nila.
Alam ni Ambrosio na kapangahasan ang kaniyang nagawa subalit ang nais niya lamang ay hindi banggitin ni Almira ang tungkol sa purselas upang hindi na marinig pa ng mga kasamahan dahil balak na niya itong ibalik.
"Paumanhin—"
"Tahimik!" Iyon ang nagpupuyos sa inis na bulyaw ni Almira sa binata. Mahigpit na nayakap ng dalaga ang sarili, napapikit at pilit kinalma ang nanginginig na katawan sa galit.
Anong karapatan ng lapastangang ito na hawakan ang kaniyang katawan!
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...