Kabanata 2
Lumipat naman tayo sa kalagayan sa loob ng barko. Bakas sa mukha ni Almira ang hindi maitagong pagkamangha sa mga nakikita sa loob. Kung gaano kalaki at kaganda ang panlabas na hitsura ng barkong Valencia, siyang triple ang ganda sa loob. Ginto ang kulay ng mga pader na hinaluan ng kayumanggi. Sinalubong sila ng marmol na sahig at iba't-ibang mga pinta mula sa mga sikat na pintor ng Maynilad. Pasilyo pa lamang ang kanilang nadaraanan ay lubos na niyang ikinamangha.
Hindi na akalain ni Almira na mas kamangha-mangha ang bulwagang patutunguhan ng kanilang tinatahak na pasilyo. May malaking aranya (chandelier) na nakasabit sa gitna ng bulwagan. Umiilaw ito ng kulay dilaw at napakaganda nitong tingnan. May hagdan patungo sa kubyerta (deck) ng barko. Napakarami na ring tao sa loob na umaakya't baba upang magtungo doon. Kapansin-pansin tuloy ang pagbabago ng kulay ng pulang alpombrang (carpet) nakalatag sa hagdan pataas.
Natigil na lamang si Almira sa pagmamasid nang mapansin ang matalas na tingin sa kaniya ng kapatid. Umayos ng tayo ang binibini at tahimik na nayuko't sumunod na lamang sa nakakatandang kapatid nang muli itong magsimulang maglakad.
Ang dalawang binibini kasama ang mga tauhan ng kanilang pamilya ay nagdiretso't tumungo sa pinakadulo ng hilagang parte ng barko. Doon makikita ang iba't-ibang pintuan na may mga numero. Kung saan ang mga silid na nakatakda sa mga pasaherong peninsulares (mga taong sa Espanya ipinanganak at parehong kastila ang mga magulang) at insulares (mga taong parehong kastila ang mga magulang subalit ipinanganak sa Pilipinas)
"Hermana, bakit tayo dito manunuluyan? Hindi ba'y dapat tayong nasa ikalawang palapag?" Iyong ang naging tanong ni Almira. Bagay na narinig ni Aurora subalit hindi na nagabalang sagutin ang nakababatang kapatid. Sa pagkakaalam ni Almira, ang barko ay nahahati sa tatlong palapag. Ang una ay para sa mga peninsulares at insulares. Ang ikalawa ay para sa mga creole (mga taong may iba't-ibang lahi) at ang ika-tatlo ay para sa mga indio (mga taong parehong pilipino ang mga magulang na ipinanganak sa Pilipinas). Karamihan sa kanila ay mga tauhan ng mga insuleros o creole. Mga katulong o hindi naman kaya ay mga taga linis ng barko.
Binuksan ng mga tauhan ng pamilya Labrador ang pintuan ng pinakadulong silid. Doon pumasok si Aurora na sinundan naman ni Almira. Gayunpaman, hindi pa man nagiinit ang mga sandalyas ni Almira sa loob ay nakatanggap na agad siya ng sampal mula sa nakatatandang kapatid bagay na hindi naman na bago sa kaniya. Agad na nagsitalikuran ang kanilang mga tauhan at ilang katulong. Tila biglang mga nabulag at nabingi ang mga ito sa nangyayari.
"¿No te dije que no mencionaras nada sobre la integridad de nuestra familia? ¿Qué pensarán antes los que escucharon tu pregunta, Almira? ¿Estás pensando?" (Didn't I tell you not to mention anything about the integrity of our family? What will those who heard your question think earlier, Almira. Are you thinking?) Namumula man ang pisngi at tila namamanhid man iyon ay hindi na iyon ininda ni Almira bagkus ay mas pinagtuunan niya ng pansin na hindi maiyak sa sitwasyong nangyayari.
"Lo siento mi hermana." (I'm sorry my sister)
"Ya sucedió, ¡no podemos hacer nada al respecto! Solo arregla tus cosas de inmediato." (It already happened, we can't do anything about it! Just fix your things right away.) Doon na nakayukong sumunod lang muli si Almira sa kaniyang nakatatandang kapatid. Gayunpaman hindi pa man nakakalakad ang kaniyang mga paa patungo sa isa pang silid kung saan naroon ang silid tulugan ay natigilan na siya nang makita ang isang Ginoong nakatayo sa pintuan ng silid tulugan at nakatitig sa kaniya. Pormal ang suot nitong barong na pinarisan ng kumikintab nitong sandalyas. Maayos ang pagkakahawi ng buhok at talaga kapansin-pansin ang matangos nitong ilong bagamat kayumanggi ang balat. Kakaiba rin ang kaniyang malalim ngunit itim na mga mata. Makapal na kilay at mamula-mulang labi. Kasing tangos ng ilong nito ang kaniyang lalagukan (adam's apple) bagay na talagang mas nakadadagdag ng kaniyang dating. Bukod doon ay kakaiba din ang kaniyang tangkad at talagang mas batak ang katawan kumpara sa mga tauhan ng kanilang pamilya.
Sa mga oras na iyon ay tila huminto ang mundo sa pagitan ni Almira at ng estrangherong Ginoo. Nawala sa pagiisip niya ang tingin ng nakatatandang kapatid bagkus ay natutok ito sa ginoong katitigan. Ngunit nang kaniyang mapansin ang dala nitong tampipi kasabay ng pagtikhim ni Aurora ay mabilis na binuklat ni Almira ang kaniyang abaniko upang takluban ang mukha't magiwas ng tingin sa Ginoo.
Nararamdaman ni Almira ang malakas na pintig ng dibdib na tila hinahalukay ang kaniyang pagkatao bagay na dulot ng kaba't kakaibang pagkabighani sa Ginoo.
"¿Quién es usted señor? ¿Puedes presentarte? ¿Por qué estás en nuestra habitación?" (Who are you Señor? Can you introduce yourself? Why are you in our room? ) Sunod-sunod ang naging tanong ni Aurora sa Ginoo. Bagay na pinakinggan lamang naman ni Almira.
"Lo siento señoras, soy Ambrosio García de Batangas. Si no me conoce, soy el hijo del Gobernadorcillo del pueblo de Taal." (Sorry ladies, I am Ambrosio Garcia from Batangas. If you do not know me, I am the son of the Gobernadorcillo of the town of Taal.) Matapos sabihin iyon ng Ginoo ay hindi na napigilan ni Almira ang silipin ito. Subalit gayun na lang ang naging gulat niya ng bigla siyang kindatan nito.
Bastos!
"¿Qué hace aquí el hijo del Gobernadorcillo García?" (What is the son of Gobernadorcillo Garcia is doing here?) Taas ang kilay na tanong ni Aurora.
"Me perdí en el camino, pensé que esta habitación era mía. Mis hombres pusieron mis cosas en la habitación equivocada." (I got lost on the way, I thought this room is mine. My men put my things in a wrong room.)
"¿Es eso así?" (Is that so?)
"Sí, mis disculpas, señoras." (Yes, my apologies ladies.) Iyon ang huling narinig ni Almira sa Ginoong nagpakilala bilang Ambrosio. Hindi niya napigilang ihatid ang binata ng tingin palabas ng silid. Bagay na nagbigay ng kakaibang lungkot sa kaniyang dibdib nang ito'y tuluyan nang lumisan.
Nang mga oras na iyon, ni hindi sumagi sa isip ni Almira na magiging malaking parte ng kaniyang buhay ang lalaking nakadaupang palad. Kagaya ng isang ibong dilag na dumapo't kaagad ding lumipad, ay siyang paglipad din sa kaniyang isipan ng mga nangyari. Ngunit darating ang araw na muling hahalukayin sa kaniyang talaarawan yaong araw nang pagdapo't paglipad ng ibong malaya at magbabalik tanaw sa pagibig na hindi man naisin ay kailangang palayain.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...