Kabanata 12
Tuwing gabi, isa sa pinakamagandang tanawing mamamasid sa kalangitan ay ang bilog na buwan. At nang gabing iyon, iyon mismo ang pinagmamasdan ni Almira mula sa kaniyang silid sa loob ng barko.
Isang linggo na ang lumipas nang simulan niyang padalhan araw-araw ng mga pagkain ang mga tao sa ikatlong palapag. At ang bagay na iyon ang nagbibigay kaligayahan sa kaniyang pagpikit at pagmulat.
Sa loob din ng isang linggo ay walang ibang ginawa ang kaniyang nakatatandang kapatid kung hindi ang itulak siya kay Señor Cesar subalit ang isip ni Almira ay nasa ginoong nagngangalang Ambrosio.
Hindi napigilan ni Almira ang mapangiti sa isipin pa lamang ng pangalan ng binata. Sa loob ng isang linggong pagkakakilala niya dito ay masasabi niyang maloko, mayabang at mahangin ang binata gayunpaman may isang bagay na natatangi dito, iyon ay ang pagiging makatao. Hindi lamang nito iniisip ang sariling pagkalam ng sikmura dahil pangkalahatan ang isipan ng binata. Alam ni Almira na ang pagnanakaw nito ay dahilan lamang ng kagutuman ng hindi lang iisa bagkus ay lahat ng nasa ikatlong palapag.
"Bakit gising ka pa Almira?"
Naputol na lamang ang kaniyang pagiisip nang marinig ang tawag na iyon mula sa kaniyang kapatid. Doon nawala ang pagtingin ni Almira sa buwang maliwanag at nabaling ito sa kapatid na may dalang kupita na naglalaman ng gatas. Marahang naglakad si Aurora papalapit sa kapatid na nakaupo sa harapan ng tukador.
"Gabi na ay hindi ka pa tulog, masyado bang binabagabag ng Señor Cesar ang puso't isipan mo?" Ang katagang iyon ni Aurora ang bagay na nakapagpatikom ng bibig ni Almira. Alam kasi niyang mali ang kapatid, hindi ang Señor ang kaniyang iniisip. Hindi ito, lalo at hindi man lamang sumasagi sa isip niya ang Señor kahit sandali bagamat tuwinang umaga ay panay ang pagbisita nito sa kanila.
Natawa si Aurora, iniisip nito na marahil ay tama siya.
"Huwag mong masyadong pagkaisipin ang Señor aking kapatid. Narito ang gatas mo, iyong inumin habang aking susuklayin ang iyong buhok."
Nang gabing iyon ay hinayaan ni Almira na gawin ni Aurora ang kaniyang nais. Hinayaan niyang magpaulit-ulit ito sa pagkekwento ng magagandang katangian ni Señor Cesar bagamat hindi naman siya nakikinig.
Para kay Almira mas nangingibabaw ang kakisigan ni Ginoong Ambrosio. Maingay man at walang tigil ang pagputak nito ng mga bagay na kung ano-ano ay mas gusto niya itong kasama kaysa sa peninsulares na si Señor Cesar na walang alam kung hindi ang pasikatan siya ng salapi't kayamanan.
Umaga ng Ika-10 ng Mayo taong 1896 nagpatuloy ang paglalayag ng barkong Valencia sa malawak na karagatan ng India. Hindi kagaya ng mga naunang paglalayag, ngayon ay hindi na kasing payapa ang dagat. Iba na rin ang ihip ng hangin at hindi rin palagay ang mga ibon. Usap-usapan ay may paparating na bagyo. Gayunpaman, ang Señor Cesar na siyang kapitan ng barko ay tila hindi man lamang nabahala. Bagkus ay nakuha pa nitong bisitahin si Almira at maghandog ng tole-toneladang isda. Bagay na hindi malaman ni Almira kung paano lulutuin at pagkakasyahin sa kanilang maliit na imbakan.
"Señor balita ko ay may paparating na bagyo, kayo ba ay magiiba ng direksyon?" Hindi napigilan ni Aurora ang maitanong iyon sa Señor Cesar matapos ang simba sapagkat araw ng linggo. Tahimik namang nakasunod si Almira sa kapatid at sa Señor kasama ang mga gwardya sibil at ilang taga sunod ng kapitan.
"Madre Aurora, ang aking barko ay hindi magbabago ng direksyon dahil lamang sa bagyo. Masyadong matibay ito upang tangayin lamang ng bagyo. Matibay ang pundasyon ng Valencia. Magtiwala kayo sa akin." Ang usaping iyon ay hindi na lamang pinansin pa ni Almira bagkus ay pinili na lamang niyang manahimik hanggang sa makarating sila sa kanilang silid. Gayunpaman hindi siya pinayagan ng kapatid na pumasok bagkus ay pinagtulakan siyang sumama kay Cesar sa kung saan man ito magtutungo.
Wala na tuloy nagawa pa si Almira kung hindi ang magpatianod na lamang. Sa pagsama niya kay Cesar puro magagandang lugar ang ipinakita nito sa kaniya sa loob ng barko. Pinagmamalaki ng Señor ang katibayan ng kaniyang imbensyon at kung gaano ito kaligtas para sa mga pasahero.
"Señor maari ko bang malaman kung ano ang mayroon sa ikatlo at ikaapat na palapag?" Naitanong iyon ni Almira dahil tila nalibot na nila ang ika-una at ikalawang palapag. Kung ano-anong lugar ang kanilang napasukan. Mayroong maliit na aliwan kung saan may mga nagiinuman at umaawit. Mayroong sugalan, kainan, bulwagan, bahay dalanginan at iba't-ibang kamangha-manghang silid. Gayunpaman bagamat nalibot na ni Almira ang ikatlo sa tulong ni Ambrosio nais niya pa ring malaman ang lugar na iyon mula sa nagdisenyo nito.
"Binibini, ang ikatlo at ikaapat na palapag ay hindi mapapantayan ang ganda ng una at ikalawa. Tiyak na maiinip ka lamang sa kasimplehan ng mga lugar na iyon."
Walang nagawa si Almira nang sabihin ni Cesar iyon. Tutol man siya sa sinabi nito ay hindi na siya nagkumento.
Nagpatuloy ang kanilang paglilibot hanggang sa siya ay dalhin na ng Kapitan sa lugar kung saan pinapatakbo ng kaniyang mga tauhan ang barko. Hindi malaman ni Almira kung bakit tila nababagot siyang kasama ang Ginoo. Napakarami na nitong sinasabi subalit tila wala siyang naintindihan.
Ngunit nang matapos ang paglilibot nila ng Señor ay lubos na ang naging pagtataka ni Almira nang dalhin na siya ng ginoo sa silid nito. Ang señor ay may dalawang silid sa ika-unang palapag ng barko. Ang isa ay nasa gitna at ang isa ay nasa harapan.
"Señor Cesar, ano po ang gagawin natin dito? Hindi naman po yata tama na—"
Hindi na natapos ni Almira ang sasabihin niya nang bigla na lamang siyang hilahin ng señor sa may sala ng silid. Lubos na ikinagulat ni Almira nang siya ay bigla na lamang isalya ng señor sa may stipa (sofa) at doon kubabawan. Umakma itong hahalikan siya nang malakas niyang sampalin ang Señor.
"S-Señor umalis po kayo! Isa itong k-kahalayan!" Nanginginig ang boses ni Almira sa takot lalo nang tila nagalit na ang señor. Iba na rin ito tumingin na tila kanina pa pinipigilan ang sarili.
"Ano pa ba ang iyong ipinagiinarte, Binibining Almira? Ang lahat ng bagay na kaya kong ihandog sa loob ng barkong ito ay naibigay ko na sa inyo ng kapatid mo? Bakit ba napakailap mo pa rin?" Tila galit na talaga ito at nanunumbat na. Muling sumubok ang señor na halikan siya nang sipain na ni Almira ang señor. Patawarin siya sa kaniyang nagawa sa dito subalit ang kahalayan nito at kapangahasan ay hindi kapatapatawad sa mata ng tao at diyos.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...