Logline

161 6 0
                                    

Logline:

A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia.

Description:

Si Almira ay ipinadala ng kaniyang mga magulang upang mangaral sa kumbento sa Europa. Gayunpaman hindi lingid sa kaalaman niyang ginagawa ito ng mga magulang upang takasan niya ang sumisiklab na kaguluhan sa pilipinas. Hindi man niya ito naisin ay wala naman siyang magawa kung hindi sundin ang mga magulang. Sakay ng bagong gawang barkong tinatawag na Valencia ay nagtungo si Almira sa Europa kasama ang kaniyang nakatatandang kapatid. Subalit ang hindi inaasahan ni Almira ay ang makakilala ng isang makisig, matipuno at huwarang ginoo sa loob ng barko. Ang makilala ang ginoong may pangalang Ambrosio ay isang bagay na hindi niya inaasahan. Lalo na ang katotohanang sa pagtagal ng kanilang paglalakbay sa dagat ng kawalan ay mapapamahal siya sa ginoong nagnakaw ng kaniyang gintong purselas.

Si Ambrosio ay isang binatang indio na nangangarap magtungo sa Europa. Ang binata ay lihim na pumuslit papasok sa barko upang makasama sa paglalayag. Isang bagay na kaniya namang napagtagumpayan. Gayunpaman sa kawalan ng salapi ay nawalan siya ng pagpipilian kundi ang magnakaw upang ipalit bilang pagkain. Subalit hindi niya inaasahang ang binibining ninakawan niya ng gintong porselas ay siyang babaeng magbibigay sa kaniya ng ligayang higit sa nakukuha niya sa pangangarap na magtungong Europa.

Hanggang saan aabot ang pagibig na sa simula pa lang ay pinaghihiwalay na ng estado sa buhay? Hanggang saan aabot ang pagibig na sa simula pa lang ay alam nilang wala nang patutunguhan?

I M _ V E N A

Adios Por AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon