Kabanata 5
Ang kapayapaan ba ay isang ilusyon lamang na makakamtan lang mula sa panaginip? Ang kapayapaan ba ay isang bagay na makakadaupang palad mo lamang sa pantasya o kaya rin nitong dumating sa ating reyalidad? Ngunit ano nga ba ang totoong kapayapaan? Saan nga ba ito makakamtan? Paano?
Sa isipan ni Almira ang pagmamasid sa paglalayag ng barko mula sa kubyerta nito ay isang magandang halimbawa ng kapayapaan. Ang dalisay na simoy ng hangin na nagdudulot ng mga mahihinang alon sa karagatan at ang mga huni ng ibon na nagliliparan na tila'y nagsisilbing batingaw upang paalalahanan ang mga tao na umaga na wala pa man ang nagmamalaking haring araw.
Sa tatlong araw na paglalayag, walang ibang nasa isip si Almira kung hindi ang kapayapaang hinahanap niya. Subalit pagkaraa'y tila napagtanto niya ang isa sa mga dahilan ng kapayapaan at iyon ay ang salitang kakuntentuhan. Sa puntong iyon, hindi na niya napigilang isipin na kung ang tao ay may kakuntentuhan sa kanilang buhay mayroon pa kayang mga mapagmataas o hirarkiya ang mundo? Matitigil kaya nito ang diskriminasyon at pangmamata sa nakabababa?
Doon na napabuntong hininga si Almira't hinayaang iangat ang kamay upang iwanan ito sa ere na tila magagawa niyang hawakan ang hangin. Gayunpaman nakuntento siya na damhin ito.
Sa unti-unting pagsilay ng haring araw ay tumatama ito sa gintong purselas na suot niya. Hindi mapigilan ni Almira na ito'y lubusang pagmasdan. Kung may bagay mang lubos na pinahahalagahan si Almira, hindi iyon ang kaniyang kagandahan o ang kayamanan bagkus ay ang purselas na suot. Ito ay mula pa sa yumao niyang lola. Pamana pa ito mula sa kanunununuan niya kaya naman ganon na lamang ang pagpapahalaga niya sa purselas.
Subalit ang kaninang pagiisa at pagdama sa kapayapaan ay natigil na tila isang dahon ang nahulog sa lawa. Sa isang iglap ay nakarinig si Almira ng pagtawag.
"Buenos días señorita."
"Buenos días señorita."
Hindi iyon mula sa iisang tinig bagkus ay sa dalawa. Bagay na nakapagpalingon sa kaniya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay natigilan ang paghinga ni Almira nang mapagsino ang tumawag. Kung hindi siya nagkakamali, ito ay ang binatang nagngangalang Ambrosio na mula sa Probinsya ng Batangas.
Doon na siya umatras ng bahagya at itinaklob sa kaniyang mukha ang abanikong dala.
Ano ang kailangan ng Ginoong ito sa kaniya?
"¿Qué puedo hacer por usted señor?" (What can I do for you mister?) Sinadya ni Almira na ipakita ang kaniyang kahinahunan upang hindi mapansin ng binata na siya ay lubos na kinakabahan sa presensya nito.
"¿No te acuerdas de mí?" (Don't you remember me?) Nais ni Almira na ipagtapat sa Ginoong nakikilala niya ito gayunpaman ayaw niyang magkaroon ito ng ibang ibig sabihin. Lalo kung isipin ng binata na may puwang ito sa kaniya. "Soy yo, Ambrosio Garciao, hijo del Gobernadorcillo de taal" (It's me, Ambrosio Garciao, son of the Gobernadorcillo of Taal Batangas.) Ngumiti ng malawak ang binata bago naglahad ng kamay. Pinakatitigan naman muna ito ni Almira na tila pinagaaralan. Ngunit hindi rin naglaon ay tinanggap niya rin. Hindi malaman ni Almira ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang kamay ng binata bagamat isang kapangahasan iyon. Ngunit nang maglapat ng tuluyan ang mga kamay nila tila may buhay na kidlat ang dumaloy mula sa kamay ng Ginoo patungo sa kaniya. Tila isang nakakapasong bagay ang kamay ng binata na umabot sa puntong ninais na ni Almira na makawala sa pagkakahawak nito.
Ngunit kasabay ng pagpupumiglas sana ni Almira ay siya namang pagtabingi ng barko dahilan nang pagkasubsob ni Ambrosio kay Almira. Muntik pa siyang bumaliktad at mahulog sa barko kung hindi dahil sa biglaang pagpulupot ng braso ng binata sa bewang niya. Bagay na bagamat kalapastanganan ay lubos na ikinapagpasalamat ni Almira.
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...