Kabanata 13
Sa sobrang kaba, takot at pagkabigla sa ginawa ng Señor ay nagtatakbo na lamang si Almira palabas ng silid. Nagtutuluan ang kaniyang luha nang siya ay muling tumakbo sa pinakadulong parte ng ika-unang palapag. Marami siyang nakabangga subalit wala nang pakialam pa si Almira doon. Ang nais niya lamang ay matakasan ang Señor na nais humalay sa kaniya. Araw pa naman ng dalanginan ngayon subalit ang mahalay na Cesar na iyon ay nagawa itong gawin sa kaniya. Nagtiwala ang kaniyang Hermana dito subalit sinira nito iyon.
Ngunit hindi mapigilan ni Almira ang kwestyonin ang mga magulang at kapatid. Paano nila nagawang ipain ang kanilang sariling anak at kapatid sa isang mahalay na tao?
Ang bagay na iyon ang mas lalong nagpaiyak kay Almira. Hanggang sa marating na niya ang nais patunguhan. Doon na naisipan ni Almira na maupo na lamang sa pinakadulo ng barko. Tahimik siyang naiyak doon at tila ba nakikisama ang hangin na tila inaalo siya. Niyayakap at pinapatahan.
"A-Ama, I-Ina, bakit ninyo ako pinababayaan?" Kuyom ang kamao ni Almira at nagugusot na niyon ang kaniyang saya. Nang hindi kayanin ay napapahawak na siya sa dibdib niya. Hanggang sa pinagsalikop na ni Almira ang mga tuhod at doon na lang nayuko.
Pinaghalong takot, pagkamuhi at pagkalito ang nararamdaman ng dalaga. Umaabot na ang kaniyang isip sa puntong kinekwestyon na rin niya ang pagmamahal ng mga magulang sa kaniya.
Talaga bang mahal siya ng mga ito o kayamanan at salapi lamang ang nais ng mga ito sa kaniya. Iyon ba ang silbi ng mga anak sa kanilang mga magulang? Ang maging pamalit kayamanan, katungkulan at pangalan?
Hindi na namalayan ni Almira kung ilang oras na siyang nagiiyak doon subalit tila hindi na nagpaawat pa ang mga luha niya. Natigil na lang ito nang maramdaman ni Almira ang pagupo ng kung sino sa kaniyang tabi. Sa pagaakalang si Señor Cesar iyon ay mabilis na nagangat ng mukha si Almira at lumayo. Nanginginig pa ang dalaga't talagang may takot sa kaniyang mga mata.
Doon na natigil ang plano ni Ambrosio-ng biruin ang binibini. Kanina nang mapansin niya si Almira ay pinlano niyang gulatin at biruin ito subalit nang makita niya ang takot at panginginig ng dalaga ay wala na siyang na isa tinig kung hindi ang pagtatanong.
"Ano ang nangyari sa iyo, Binibining Almira?"
Nawala na lamang ang takot ni Almira nang mapagtantong si Ambrosio ito. Kasalukuyang nakasuot ng simpleng kamisa at salakot ang Ginoo. Mayroong pagaalala sa kaniyang mukha at pagkalinga.
Dahil doon ay mas naiyak na muli si Almira. Isang iyak na halos mangiwi na ang mukha niya na parang isang paslit. Isang bagay na mas lalong nagpalala ng pagaalala ni Ambrosio gayunpaman ay hindi umalis ang Ginoo. Hindi rin ito ganoon kalapit na umupo sa tabi niya. Ni hindi rin siya hinawakan. Nanatili lang ang ginoo sa tabi niya hanggang sa siya ay kumalma na.
Hinayaan ni Ambrosio na gumaan muna ang loob ng binibini na inabot na ng takip silim bago naganap.
Nagpapalinga-linga lamang si Ambrosio sa lumubog na araw at sa sumisilay na bilog na buwan at mga bituin nang magsalita si Almira.
"Kanina ang Señor Cesar ay pinagtangkaan akong halayin sa kaniyang silid. Ginoo, natatakot ako." Dagli ang naging paglingon ni Ambrosio sa narinig. Tila nagpanting ang kaniyang tainga at hindi na niya napigilang lapitan ang binibini't tingnan ang kabuohan nito.
"Bakit ngayon mo lamang sa akin sinabi ito?" Kilala ni Ambrosio ang Cesar na tinutukoy ni Almira. Ilang beses na ring nabanggit ng binibini ang Señor na manliligaw daw nito na siyang kapitan ng barkong Valencia. "Ang walanghiyang iyon!"
Nanggagalaiti na ngayon si Ambrosio at nagsimula nang manginig sa galit nang kaniyang mapansin ang palapulsuhan ng dalagang namumula na tila papasa na. Umakmang tatayo si Ambrosio at magtutungo upang sugurin ang hangal na Señor subalit ang paghawak ni Almira sa hinliliit na daliri niya ang nagpapigil sa Ginoo.
"Huwag mo akong iwan Ginoo, natatakot ako, " mahinang naibulong na lang iyon ni Almira sa hangin. Bagay na dinig naman nito sapagkat tanging katahimikan lamang ang naroon.
Walang nagawa si Ambrosio kung hindi ang mapabalik na lamang sa pagkakaupo at samahan sa pagtanaw sa langit ang binibini. Bagamat sa loob-loob ng binata ay hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng hunghang. Subalit hindi iyon ang mahalaga ngayon, ang kailangan ni Ambrosio-ng gawin ay pagaanin ang loob ng binibini.
"Alam mo ba, narito ako at umakyat dahil nagnakaw ako muli Binibini. Hindi ka kasi bumaba kanina."
"Wala na naman ba kayong makain?"
"Sa totoo lamang binibini ay mayroon pa subalit hindi sapat sa pangkalahatan." Nais ni Ambrosio na ilayo ang isip ng dalaga sa nangyari dito. At mabuti namang sinasagot siya ng binibini.
"Paumanhin hindi ako nakababa. Nagkaroon ng misa sapagkat araw ng linggo."
Doon natigilan si Ambrosio. Oo nga pala at araw ng linggo ngayon, muntik na niya itong malimutan. Hindi na niya iyon naigagalang ni nakasasama sa misa sa sobrang kahirapan. Hindi na nga rin halos alam ni Ambrosio kung kailan ang huling tapak niya sa simbahan.
"Hindi ka ba dumalo?" nagtatakang tanong ni Almira. Ngiti lang ang isinagot ni Ambrosio bago niya inilahad ang katotohanan.
"Hindi ko na maalala kung kailan ang huli kong dinaluhang misa, Binibining Almira. Hindi yata kami nakatapak ng simbahang para lamang sa mga peninsulares at insulares." Doon na nabaling ang atensyon ni Almira. Sa isip ni Ambrosio ay maiging paraan na rin siguro ang pagbubukas ng kaniyang sarili upang mailayo ang isip ng binibini.
"Kung gayon ay hindi ka pa nabinyagan?"
"Hindi ako naniniwala sa diyos ninyo, Binibini, " napapakamot na paglalantad niya. Hindi na nais ni Ambrosio na pagusapan ang pananampalataya niya dahil wala siya niyon.
"Bakit naman?" kunot noong tanong ni Almira.
"Dahil kung may diyos, bakit kailangang maghirap ng pamilya ko? Bakit kailangang mamatay ng panganay kong kapatid sa ketong? Bakit napagbintangang magnanakaw ang ikalima kong kapatid at garotehin sa plaza? Bakit nakakulong sa Intramuros ang asawa ng aking Hermana? Bakit labing isa kaming magkakapatid na halos hindi na kayanin ng mga magulang namin ang kami ay pakainin?" Natawa si Ambrosio nang mapansing tila nagiging emosyonal na siya. "Paumanhin binibini." Hindi man aminin ni Ambrosio ang mga bagay na iyon ang mga dahilan kung bakit ninais niyang magpakalayo.
I M _ V E N A
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...