Simula

107 4 0
                                    

Simula

Mayo 1896,

Sa bansang lahat ng mamamayan ay tulog o hindi naman kaya ay natutulog-tulugan ano nga bang klaseng pamamaalam ang maaari mong iwan? Sa paanong paraan nga ba magpapaalam ang isang taong nakapikit ang mata bagamat maalabok na? Sa paanong paraan ba ipahahatid ang pamamaalam kung duwag ang tao sa sampal nang katotohanan at sa sakit dulot ng kahirapan.

Iyon ang mga katagang bumabagabag sa isipan ni Almira Labrador tubong Binangonan. Anak siya ng Doña Teressa Labrador isang pilipinang nakapangasawa ng isang Espanyol. Noo'y hirap ang kanilang dinanas dahil ang esposo ni Teressa ay isang dayuhang mangangalakal lamang ngunit hindi nagtagal ay nakatanggap nang posisyon mula sa Gobernador Heneral Ramón Blanco Erenas Riera bilang kapitan ng bayan sa Valenzuela San Nicolas, Manilad. Iyon ang dahilan nang kanilang paninirahan sa lungsod buhat sa Binangonan. Naalala pa ni Almira na siya ay walong taong gulang nang sila ay magtungo sa San Nicolas. Marami siyang bagay na nasaksihan at isa na doon ang pagangat sa hirap ng kaniyang mga magulang.

Namulat si Almira sa katotohanang ang kanilang yaman ay limos lamang sa mga Espanyol na naghahari-harian sa bansang kanilang kinamkam. Gayunpaman pikit-mata niyang nilulunok ang bawat isusubo ng mga magulang sa kaniya at nanahimik lamang.

Ngayong araw ay lilisanin niya ang bansa, hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng hiya.

Nawala na lamang ang malalim niyang pagiisip nang tumigil ang kalesang kanilang sinasakyan sa may pantalan.

"Almira, humayo na tayo." Iyon ang utos sa kaniya ng kaniyang nakatatandang kapatid na si Aurora Labrador. Isang ganap na madre ng San Nicolas subalit naatasang maghatid sa kaniya patungong Europa upang manirahan sa kumbento doon at mangaral. Mas mainam daw iyon saad ng kaniyang amahin nang kanilang pagusapan ang kaniyang pagalis kamakaylan. Iyon ay lubos niyang ikinagulat subalit hindi na tumutol pa. Sa kanilang pamilya ang kaniyang salita ay walang bisa kumpara sa kaniyang ina.

Gayunpaman kung may ipinagpapasalamat man si Almira na katangian ng kaniyang mga magulang, iyon ay ang katotohanang hindi ng mga ito sila ng kapatid na pinipilit ng mga magulang na magpakasal at hinahayaan lamang sa kagustuhang maglingkod sa simbahan. Tila ba iyon na ang paraan ng mga magulang upang humingi ng kapatawaran sa kanilang pagbubulagbulagan.

Nang makababa sa kalesa ay inalalayan siya ni Kapitan Graciano Labrador na siyang kaniyang ama upang makababa. Malungkot siyang nginitian nito matapos. Gayunpaman upang mabawasan ang lungkot ng kaniyang ama ay ngumiti si Almira.

"Gracias mi padre."

"De nada mi hija."

Doon naputol ang ngitian nang mag-ama nang yakapin na si Almira ng kaniyang ina.

"Hija mía, cuídate ¿vale? Si pasa algo ahí, escríbeme un telegrama. No lo pensaré dos veces para buscarte. Donde quiera que estés." Pilipit man ang dila ng Doña sa pagsasalita ng dayuhang lengwahe ay ginawa nito upang hindi mapahiya sa mga taong napapalingon sa Doña dulot ng mamahaling saya na siyang suot nito. Dahil doon ay hindi na rin tuloy malaman ni Almira kung totoo ba ang pamamaalam na ginagawa ng ina. Kung totoo ba na nais nitong magingat siya at sumulat lamang siya ng telegrama kung sakaling magkaroon ng problema at susunduin siya nito.

"Gracias mi madre, lo recordaré." Nais niyang ipabatid sa ina na kaniyang tatandaan ang sinabi nito bagay na ikinangiti ng ina. Saglit pa silang nagyakapan bago bumaling ang mga magulang niya kay Aurora. Hindi na nabigyang pansin ni Almira ang huntangan ng mga ito bagkus ay nabaling ang paningin niya sa napakalaking barkong panlayag na kaniyang namamasdan ngayon.

Isang barkong may haba na dalawang daang metro na may lapad na walumpo. Gawa ito sa asero at sa bakal. Ang kauna-unahang barkong gawa sa asero na ginawa sa pilipinas. Tinatawag itong, barkong Valencia. Higit sa kahit anong barkong panlayag sa pantalan ay mas kapansin-pansin ang napakalaking barko. Ang ganda nito ay doble higit sa mga katabi nito. Pininturahan at talagang galing pa sa malayong bansa sa kanluran ang mga materyales. Isang pampribadong barko na siyang magsisilbing transportasyon patungong Europa.

Ngayon ay ika 1 ng Mayo taong 1896 ang siyang nagsisilbing pagsasapubliko ng barko. Hindi na kataka-taka kung bakit tila nagsisiksikang tao ang naparito sa pantalan bagamat alas-saís pa lamang ng umaga.

Imbensyon ito ng kapita-pitagang Kapitan ng barkong pinangalanang Cesar Murati. Isang matalinong binata na pinarangalan ng katungkulan ng hari ng espanya dahil sa kapita-pitagan nitong mga imbensyon. Gayunpaman ang katotoha'y nalalahad na gaano man kaganda ang nagmamayabang na barko sa harapan niya. Hindi maiaalis sa paningin ni Almira ang mga indiong pilit pinupunasan ng kanilang damit ang nadudumihang parte ng barko dulot ng buhanging natatangay ng mahinang alon na nagiging putik.

Nagpapakitang gaano man kaganda ang mga nakikita ng iyong mata, masdan mo'y may bahid pa rin ng kapangitang tanging gising lang ang makakakita.

"Adios!"

"Paalam!"

I M _ V E N A

Adios Por AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon