Wakas
"Bakit gising ka pa, hijo?" Agad na nabaling ang tingin ko kay Lola Almira. Gising na ito ngayon at dahan-dahang pilit umuupo. Agad ko naman siyang inalalayan. Mukhang napagtanto na niyang hindi ako si Ambrosio na tinutukoy niya.
"Hindi po ako dalawin ng antok."
"Ganon ba? Bakit, iniisip mo ba ang nilisan mong pamilya?" Natigilan ako doon. Tama si Lola, iniisip ko nga ang aking pamilyang naiwan. Gayunpaman wala doon ang aking kinabukasan, kailangan kong makipagsapalaran.
Hindi ako sumagot gayunpaman nang marinig ko ang pagtawa niya ay agad ko itong binalingan.
"A-Ano pong nakakatawa?"
Mahina lang ang tawa nito subalit kakaiba ang dating sa akin. Napakasarap pakinggan. Nang mga oras na iyon pakiramdam ko ay nakadaupang palad ako ng isang taong lubos akong naiintindihan.
"Nakakatuwa lamang isipin na hindi mo lamang kamukha si Ambrosio, kapareho ka rin niyang magisip. Hindi kayo umaamin na ginagawa ninyo ang mga bagay-bagay para sa inyong pamilya." Doon na nawala ang ngiti ni Lola Almira. Gayunpaman nanatili ang paningin niya sa akin. Tila ba ayaw na niya iyong alisin.
Hindi ko naman malaman kung anong sasabihin ko kung kaya naman nagtanong na lamang ako.
"Ito bang Ambrosio na tinutukoy ninyo ay ang Lolo ni Ermita?" Ngumiti ng mapait si Lola Almira bago umiling. "Kung ganon sino po siya?" nagtatakang tanong ko.
"Ang una kong pagibig." Matapos sabihin iyon ay ibinaling nito ang tingin sa kalangitan kung nasaan ang buwan. "Ang unang lalaking minahal ko higit sa aking sarili." Doon na ako natigilan at saglit na napalunok.
"Nasaan na po siya ngayon?"
"Kasama ko ngayon."
"Po?"
Natawa ang matanda sa aking naging reaksyon. Gayunpaman ay muli itong naglahad ng kwento.
"Si Ambrosio ay matagal nang namayapa. Kasama siya sa mga nasawi sa paglubog ng Valencia. Sa barko kung saan ko siya nakilala, na siya ring barko na naghatid sa kaniyang huling hantungan." Matapos sabihin iyon ay muling ibinalik ni Lola Almira ang tingin sa akin. Ngunit sa pagkakataong ito ay nangingilid na ang mga luha niya.
"Nagpaalam siya sa akin noon bago siya mamatay na tila ba saglit lang siyang mawawala at babalik din." Nang pumatak ang luha sa mata ni Lola Almira ay ngumiti na siya muli sa akin. "At narito ka nga, bumalik ka Ambrosio."
Gusto kong malito dahil maging ako ay tila naluluha na rin. Hindi patigil ang tibok ng puso ko, para bang sasabog na ito. Mas tumindi pa nang hawakan ni Lola ang mukha ko na tila ba sinasaulo upang baunin at maalala.
"Ambrosio, wala ka pa ring pinagbago. Ganon pa rin ang mukha mo irog ko. Kay tagal ko ring naghintay para sa araw na ito." Hindi ko maintindihan ang dahilan ng pagpatak ng mga luha ko subalit hindi ko na iyon mapigilan pa. "Pasensya ka na kung hindi mo na ako makilala. Matanda na ako, Ambrosio. Kupas na ang kagandahang nagpabihag sa'yo."
"A-Almira." Hindi ko na din maintindihan kung bakit ko siya tinawag na ganon.
"Oo, Ambrosio, ako nga si Almira. Napakasaya kong makita ka muli." Saglit na pinunasan nito ang mga luha sa aking mata. "Huwag kang umiyak, gusto kong makita ang ngiti mo. Gusto kong maalala ang ngiti mo bago man lamang akong lumisan sa mundong ito."
"A-Anong bang sinasabi mo?" Doon na ako mas lalong kinabahan. Patuloy na din ang pagtulo ng mga luha ko. Walang hangganan ito na tila ba balak ubusin ang luha ko.
"Mahal, nais kong humingi ng tawad. Pasensya ka na kung sa pagkakataong ito, ako naman ang lilisan. Pasensya ka na kung ako naman ang magpapaalam." Nanginginig na ang kamay nito na tila ba may hindi tama sa katawan niya. Doon na nanlaki ang mata ko at mabilis na hinawakan ang kamay niya.
"Naku Lola, a-ano pong nangyayari? H-Hoy! Goyo! Ermita!" Tuluyan ko nang niyakap sa bisig ko si Almira at sa hindi ko maintindihang dahilan pakiramdam ko, iiwan ako. Pakiramdam ko, maiiwan ako. Pakiramdam ko ay aalis ang isang taong lubos kong pinahahalagahan higit sa sarili ko. "Almira, hindi." Naguumiyak na ako at umiling ng umiling.
"M-Mi amore, adios por ahora." Ang bulong na iyon ang huli kong narinig mula kay Lola Almira kasama isang munting halik sa pisngi. Dahil nang gabing iyon ay tuluyan na siyang inagaw ng diyos na may likha. Lubos ang naging pagluluksa ni Ermita ngunit wala iyon sa isip ko dahil kagaya niya ay nagluluksa din ang loob ko.
Tila may kung ano sa akin ang nagagalit sa kamatayan ni Lola Almira. May kung ano sa akin ang naghihinanakit sa nangyari na tila may mas malalim pa itong dahilan. Isang dahilang saka ko lang nalaman nang ako naman ang lumisan.
W A K A S!
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...