Kabanata 4
Umaga pa lamang ng ika-3 ng Mayo taong 1896 ay gising na sina Ambrosio at Berting. Madali ang dalawang nagbihis upang maisakatuparan ang planong pagnanakaw sa ilang pasahero ng barko. Simple lamang ang kanilang plano. Si Ambrosio ang taga-aliw habang si Berting ang kukuha.
Ang dalawa ay nagdesisyong isagawa ang kanilang maliit na krimen sa kubyerta ng barko. Dahil batay sa kanilang ilang araw na pagmamasid ay bilang sa kamay ang mga gwardya sibil na nagbabantay sa paligid bagamat napakarami namang Peninsulares na napapadpad doon.
Sa pagkakataong ito ay taas noong naglakad si Ambrosio suot ang kaniyang panibagong barong na nakuha habang nasa likod ang kaibigang si Berting na animo ay isa sa tagasunod niya. Ang dalawa ay animo'y tagapagtanghal sa teatro. Inaagaw ni Ambrosio ang atensyon ng madla sa napakagandang bughaw na karagatan na tila walang katapusan. Ninanakaw hindi lamang ang atensyon ng mga binibini bagkus pati ang oras ng mga ito.
Ngunit sa kaniyang paglalakad alam ni Ambrosio na iba ang kaniyang pakay. Ang mga mata niya ay naglilikot hindi upang manungkit ng atensyon bagkus ay makahanap ng mayamang mapagnanakawan upang tumbasan ang kumakalam na tiyan. Higit na kay daling nakawin ang mga alahas na nagkalat sa loob ng barko mula sa mga pasahero kaysa sa pagkaing nais lamang ng kanilang sikmura. Kung kaya naman walang pagpilian ang dalawang indiong nagpapangap kung hindi ang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan.
Ngunit ang plano ay lumihis nang matigilan ang Ginoo sa kaniyang pagusad dahil sa babaeng nakatayo hindi kalayuan sa bingit ng kubyerta ng barko. Nakadungaw ang binibini sa tubig alat na tila ba sinasariwa ang repleksyon niya roon. Kung tutuusin ay mas maraming kababaihan ang mas agaw pansin subalit ang kaniyang paningin ay napako sa babaeng suot ang isang rosas na saya't nakatalikod sa kaniya. Ang mahaba nitong maalon na buhok ay pamilyar. Doon na siya napalunok ng hindi iilang beses. Sapagkat hindi lingid sa kaalaman ni Ambrosio na siya'y umaasang ang babaeng natatanaw ay siyang babaeng ilang araw na niyang hinahanap.
Sinubukan ni Ambrosio na balikan ang silid na huli pinagkakitaan niya sa dalaga subalit wala na ito roon. Napakalaki at napakalawak ng barko na kulang ang isang araw upang malibot ito. Isang bagay na naging dahilan din kung kaya naman inabot sila ni Berting ng gutom.
Natigil ang pagiisip ni Ambrosio ng kulbitin siya ng kaibigan.
"Ambo, siya na ba ang unang pagnanakawan natin?" Mabilis pa sa kisap mata ang naging paglingon niya sa kaibigang bumulong sa kaniya. Nais niyang sapukin ang kaibigan kung hindi lamang niya alam na ito ay tatlong araw na ring walang kain. Kung kaya naman bagamat ang tanging balak lamang sana ni Ambrosio na lapitan ang dalaga upang malaman kung ito ba ang dalagang kaniyang hinahanap ay nauwi sa pagtango't pagsangayon sa mangmang niyang kasama.
Mula doon ay naglakad silang dalawang magkaibigan palapit sa dalaga. Hindi mawari ni Ambrosio ang sariling nararamdaman o kung saan nagmumula ang kaba. Subalit kung mayroon man siyang bagay na alam na nagdudulot ng kabang kaniyang nararamdaman. Tiyak na ang isiping ang dalaga ay ang dalagang nakadaupang palad niya tatlong araw ang nakalilipas.
"Buenos días señorita." (Good morning lady.) Magaang bati niya na sinundan naman ni Berting bagay na nakapagpalingon sa dalaga.
Tila isang eksena ng bulaklak na dahang namumukadkad sa harapan ni Ambrosio ang kaniyang nasaksihan nang tuluyang humarap sa kaniya ang dalaga. Tila saglit na nagliwanag sa kaniyang paningin ang binibining nakasuot ng sayang kulay rosas. Dulot ng paglaot ay tinatangay ang ilang hibla ng buhok ng binibini. Maging ang mahalimuyak na amoy ng dalagang kaharap ay kaniya na ring nalalanghap. Ngunit tila isang halamang makahiya ang dalaga na nang magtama ang kanilang paningin ay agad na nagtaklob ng kaniyang abaniko't itinago ang kagandahang kaniyang saglit na nasilayan.
BINABASA MO ANG
Adios Por Ahora
Historical FictionCompleted A story that depicts about two different individual who meet at the year 1896. The untold story of Almira Labrador and Ambrosio 'Ambo' Aguilar in the ship of dream, Valencia. *** "Mi amore, adiós por ahora." (My Love, goodbye for now) Lan...