Kabanata 18

34 4 0
                                    

Kabanata 18

Doon na nanlaki ang mata ni Almira nang masilayan ang kaniyang hermana na nakatayo hindi kalayuan habang may galit sa mukha. Kasama pa nito si Cesar Murati at ang mga gwardya sibil na ngayon ay nakatutok sa kanila ang mga baril.

Nagimbal si Almira sa bilis ng mga pangyayari at hindi agad nakahuma. Mabilis namang naanalisa ni Ambrosio ang kaganapan nang magbalik ang binata sa kaniyang sarili. Doo'y wala nang pagaatubiling bumaba ang binata mula sa pagkakaupo at iniharang ang sarili sa dalagang bakas ang takot at kaba.

"Paumanhin sa kaganapang ito subalit walang kasalanan si Binibining Almira—"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko! Almira sumagot ka! Anong katangahan ito!" Dumagundong ang sigaw na iyon ni Aurora kasabay ang saglit na paguga ng barko dahil sa malakas na alon.

"H-Hermana, magpapaliwanag po ako. Huwag lamang ganito. A-Ang mga baril pakibaba Señor." Baling na ni Almira kay Cesar subalit kita ni Almira ang nandidiring tingin ng Señor. Na animoy isa na siyang babaeng mababa ang lipad.

"Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita Aurora. Ang iyong kapatid ay ganito na kababa, pumapatol sa isang indiong walang maipagmamalaki." Ang kumentong iyon ni Señor Cesar ay bagay na nakapagpapikit kay Almira.

Gayunpaman ay agad na nagsiklab ang galit sa loob ng Ambrosio dahilan kung bakit mabilis niyang nasugod ang Señor at malakas itong nasuntok sa mukha. Ngunit ang bagay na iyon ay hindi na naulit nang ilang baril ang tumutok sa ulo ni Ambrosio kasabay ng ilang paghampas at sipa dahilan ng pagluhod niya. Nang magpumiglas siya ay doon na nagpaputok ang isang gwardya sibil dahilan nang mabilis na pagmulat ni Almira at saglit na pagsigaw sa gulat.

"Hindi! Huwag!" Iyon na ang naisigaw ni Almira nang makita ang nangyayari. Umakma siyang magtutungo sa kinapuposisyonan ni Ambrosio subalit isang malakas na sampal ang nakuha niya sa kaniyang hermana. Doon na lang namalayan ni Almira ang pagtulo ng kaniyang mga luha dahil kasabay ng pagtabingi ng kaniyang mukha ay ang pagtalsik ng mga ito.

"Nakakahiya ka!" Muli ay isa pang sampal. "Nakakadiri ka!" At isa pa muli. "Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakita sa inyo kanina! Almira, nagiisip ka ba!"

"Tama na! Tigilan mo na si Almira. Ako! Ako ang may kasalanan! Wala siyang kinalaman—"

Hindi na natuloy pa ni Ambrosio ang pagpapaliwanag nang sikmuraan na ito ni Señor Cesar.

"Tama na po Hermana, patawarin ninyo po ako. Parang awa ninyo na, walang baril. Huwag si Ambrosio, hermana. Huwag!"

Higit sa kahit na sino, si Almira ang mas nakakakilala sa kaniyang kapatid. Hindi ito ganon kabait. Hindi ito nagdadalawang isip na magligpit ng mga taong nakasisira sa pangalan ng kanilang pamilya at ang bagay na iyon ay ihihingi lamang nito ng tawad habang panikloob at nakaluhod na maglalakad papasok sa simbahan. Iyon ang bagay na hindi niya masikmura subalit dahil kinasanayan na ay hindi na bago pa. Subalit ang sitwasyon ngayon ay iba. Iba ang kutob niya, hindi ito maganda.

"Hermana magpapakasal na po ako, huwag lamang ganito. Huwag mo na pong dungisan ang iyong kamay, tama na Hermana. Tama na po!" pagmamakaawa na ni Almira bago mabilis na lumuhod sa harapan ng kaniyang kapatid. Hindi na maganda ang nangyayari, hindi na talaga.

Subalit dahil sa pagluhod ay nagkatinginan sila ni Ambrosio. Dumudura na ito ng dugo at basag ang mukha sa lakas ng tadyak na natanggap. Umiiling sa kaniya si Ambrosio na tila sinasabing huwag. Subalit sa pagkakataong iyon buo ang loob ni Almira. Kung hindi niya gagawin ito tiyak na uusok ang dulo ng mga baril na nakatutok sa ulo ni Ambrosio. Hindi bibilang ng ilang segundo ay butas ang ulo ng lalaking nagbigay sa kaniya ng kasiyahang hindi na niya mararanasan kailanman.

"Isa kang hangal!" Muli ay sinampal siya ng kaniyang kapatid subalit ngayon ay may kasabay na iyong pagsabunot. "Ngayon mo pa naisip iyan matapos ang iyong paglalandi! Amoy alak ka pa talaga!" Sa lakas ng pagkakasabunot nito ay pakiramdam niya ay matatanggal na ang anit niya. Gayunpaman hindi niya magawang alalahanin ang sarili sapagkat mas nagaalala si Almira para sa binata.

"M-Maawa ka na, Hermana! Parang awa mo na. Pakawalan ninyo na siya," nagsusumamo at naiiyak na pakiusap niya. "Gagawin ko ang lahat, susunod ako sa lahat ng ipaguutos ninyo. P-Pakiusap."

Ngunit ang pakiusap na iyon ay hindi dininig ng kaniyang kapatid. Bagkus ay nasundan pa ito ng magkabilang sampal. Isang bagay na hindi na kinaya pa ni Ambrosio dahilan ng pagpupumiglas nito at pagsigaw.

"Almira! Huwag! Bitawan ninyo ako! Wala siyang kasalanan! Ako ang—"

Hindi na natapos pa ni Ambrosio ang sasabihin nang magkakasunod na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa paligid. Tila saglit na nabingi si Almira sa harap-harapang nasaksihan. Kusang nagpatakan ang mga luha niyang namuo habang nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa lalaking ngayon ay nakatingin sa kaniya habang nagpapatakan ang mga dugo mula sa ulo. Kapwa nakaluhod at hindi makapaniwala sa biglaang trahedya.

"Hindi."

Napalunok pa si Almira habang pilit isinasaisip ang nasaksihan. At nang maunawaan ay wala na siyang nagawa kung hindi ang mapasigaw.

"Hindi!" Sumigaw siya ng buong lakas at mabilis na napatakbo palapit sa katawan ni Ambrosio. Nakatingin lang ito sa kaniya at walang kibo. Hindi maunawaan ni Almira kung bakit nauwi sa ganito ang kanina naman ay masaya pa nilang paguusap. Hindi niya ito matanggap. "A-Ambrosio, hindi! Hindi! Huwag mo kong iwan, huwag! Ginoo pakiusap! Pakiusap!" Ngunit wala itong kibo at saglit na ngiti na lang ang nagawa bago bumagsak ang katawan sa kaniya dahilan ng pagkalupagi nila.

"B-Binibining Almira." Tanging ang salitang iyon ang kaniyang narinig dito habang pilit niyang pinipigilan ang pagagos ng dugong panay ang tulo.

"Hindi, huwag ka nang magsalita pa. Pakiusap, huwag mo kong iwan." Nanginginig at panay ang iyak na niyakap ni Almira ang Ginoo. Wala na siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya kung mga tao pa bang matatawag ang mga ito. "Mga hayop kayo!" galit na naihiyaw niya ito bago mahigpit na niyakap si Ambrosio.

Wala na siyang pakialam kung ang kaninang kulay rosas niyang saya ay mabalot na ng dugo. Wala na siyang magawa gusto man niya itong buhatin upang maihingi ng tulong.

"Walang lalapit sa kanila!"

Dinig ni Almira ang utos na iyon ng kaniyang hermana. Bagay na mas nakapagpaiyak sa kaniya.

"Ambrosio, hindi."

"A-Almira."

Nang muling marinig ang mahinang bulong na iyon ng ngayon ay nakapikit nang si Ambrosio at agaw-buhay sa harapan niya ay pinilit niyang ilapit ang kaniyang pandinig dito bagamat nanginginig at patuloy sa pagiyak.

"Ambrosio h-huwag ka nang magsalita bubuhatin kita. Hihingi tayo ng tulong."

At doo'y pinilit niyang buhatin ang binata subalit napakabigat nito bagay na mas nakapagpaiyak sa kaniya. Ngunit hindi siya nagpatinag muli siyang sumubok subalit tuluyan nang bumugso ang malakas na ulan na tila nakikisabay sa kaniyang pagdadalamhati.

"H-Huwag na, hindi na..a-ako tatagal." Naghihingalong bulong nito sa kaniya bagay na nakapagpaiyak lalo sa kaniya. "Almira nais kong..." Tuluyan na itong sumuka ng napakaraming dugo.

"Tama na." Humahagulgol na awat niya dito.

"N-Nais kong malaman mo na, sinusundo na ako ng anghel ng d-diyos. S-Saglit lamang ako, mahal ko." Ang marinig ang bagay na iyon sa taong kanina lamang ay nagsasabing hindi naniniwala ay tila isang malaking himala. Subalit, higit sa sakit ang dulot nito.

Paulit-ulit ang naging pagiling ng binibini tanda ng hindi niya pagpayag. "P-Parang awa mo na Ambrosio, h-huwag mo kong iwan irog ko. Huwag kang sumama pakiusap naman."

"L-Lo siento mi amor, adiós por ahora." Iyon ang mga huling salitang narinig ni Almira mula sa lalaking nagbigay sa kaniya ng kasiyahang higit na naibibigay ng kahit anong bagay sa mundo.

"Hindi!" Ngunit kasabay din nang kaniyang pagsigaw ng pagdadalamhati ay ang malakas na along humampas sa barko't tumangay sa kaniya at nakasira sa dulo niyon. Nang gabing iyon ang pinakamalaking barko sa kasaysayan ng mga panahong iyon ay lumubog sa gitna ng karagatan. Pinadapa ng bagyo at kinitil ang buhay ng mga pasahero nito.

I M _ V E N A

Adios Por AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon