Kabanata 7

22 3 0
                                    

Kabanata 7

Ngunit nang siya ay makalabas ng tuluyan ay doon na siya tumakbo bagamat suot ang saya niyang kulay lila. Hindi alintana ni Almira kung ang pagkakapuyos ng buhok ay natangal na. Dahil nang mga oras na iyon ang tanging nasa isip niya lamang ay ang mabalikan ang kaninang lugar na pinagiyakan niya nang siya ay tumakbo upang magpakalayo-layo sa mga tao.

"Paumanhin! Paumanhin!" Iyon ang paulit-ulit niyang binubulalas sa mga nakababangga. Hanggang sa makarating na siya sa pinakadulo ng barko kung saan siya nagtungo kanina. Madilim ang parteng iyon at walang katao-tao na tila saglit na inabando. Gayunpaman, lakas loob na nilibot ni Almira ang lugar. Pilit na inaninaw ng kaniyang dalawang mata ang sahig, nagbabakasakaling makita ang purselas na hinahanap. Saksi ang bilog na buwan sa tagal ng kaniyang paghahanap subalit ni wala siyang nakita.

Doon na siya nagsimulang mapaupo na lamang sa sahig at magsimulang mangilid ang luha. Nakagat ni Almira ang labi upang pigilan ang mga iyon subalit talagang nawawalan na siya ng pagasa.

Ang purselas ay mahalagang pamana. Ito ang nagiisa at totoong kayamanan ng kanilang pamilya higit sa mga bagay na nakukuha ng pamilya nila mula sa pakikipagkaibigan sa mga dayuhan. Ang purselas na iyon ay ipinapasa sa mga bunsong anak ng bawat henerasyon. Iba't-ibang kamay na ang pinagsalinan niyon at hindi maintindihan ni Almira kung bakit niya iyon naiwala.

Sa puntong iyon ay pinagtibay niya ang loob niya at pilit na hinalungkat sa isip kung kailan niya ito huling nakita. Doon bumalik sa alaala niya ang nangyari kaninang umaga. Mula sa kaninang pagmumukmok ay napakuyom ang kamao niya nang may mapagtanto. Ang Ginoong Ambrosio kanina ay kinausap siya ng walang dahilan, ito lamang din higit sa kahit na sinong tao sa barkong ito ang lubusang nakalapit sa kaniya kanina.

"Ang magnanakaw na iyon," mariing naibulalas ni Almira ang katagang iyon dahil sa labis na panggigigil.

Wala nang pakialam pa si Almira sa kung ano man ang posisyon ng pinanggalingang angkan ni Ambrosio. Ang tanging nasa isip na lang ng binibini ay ang magnanakaw ay mananatiling magnanakaw ano man ang katayuan nito sa buhay.

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan na ngang tumayo sa kaninang pagkakalupagi si Almira. Humanda sa kaniya ang Ginoong magnanakaw na iyon, lubos niya itong ipapahiya at isasampal sa makapal nitong mukha ang nararapat na kaparusahan sa mga taong magnanakaw.

Tila isang nagbabagang bulkan ang ulo ni Almira nang magpasya siyang lisanin na ang lugar upang simulan na ang paghahanap sa lapastangang Ginoo. Handang-handa na si Almira sa pagsugod sa digmaan ngunit hindi niya inaasahang ang kaniyang hahanapin ay ngayon ay tumatakbo palapit sa kaniya. Hindi kagaya ng huling pagkakita niya dito na nakasuot ng pormal na damit, ngayon ay naka-camisa de chino na lamang ang lalaking nagnakaw ng kaniyang purselas. Tumatakbo ito papasugod sa kaniya bagay na ikinataka niya.

Gayunpaman ang kaniyang pagtataka ay natuldukan nang makarinig ng mga yabag pa at pagsigaw mula sa mga gwardya sibil.

"Mga magnanakaw! Hulihin sila!"

Doon na nanlaki ang mata ni Almira nang tuluyang makalapit sa kaniya si Ambrosio. Kung kanina ay buo ang plano niyang sasampalin ito ng malakas sa oras na magkadaupang palad sila, ngayon ay hindi na niya alam ang gagawin nang bigla siyang hilahin nito.

"Ambo, dito!" Iyon ang narinig na sigaw ni Almira mula sa kasama ng Ginoo.

"Sige!" Nang mga oras na iyon na hili-hila na siya ng Ginoo. Doon na lamang nagawa ni Almira na magpumiglas.

"Bitawan mo ako! Bitaw!"

"Binibini, bilisan mo ang pagtakbo at huwag ka nang magulo! Mahuhuli nila tayo!"

"Aba't bakit tila nadamay ako sa inyong kapangahasan! Bitawan mo ako! Isa kang tulisan!"

"Ambo magmadali ka!"

"Putangina!"

Muntik-muntikan pa siyang madapa sa ginagawang paghila sa kaniya ni Ambrosio gayunpaman ay pinilit niyang tumakbo dahil kung hindi ay makakaladkad siya.

"Ang mga ginto Berting! Itago mo agad!" Tumatawa-tawa pa si Ambrosio nang isigaw iyon sa kasamang biglang tumalon sa dagat.

"Masusunod!"

Doon na muling nanlaki ang mata ni Almira at ilang beses siyang napalunok nang mapansing tila sa direksyong pinagtalunan din ni kasamahan ng ginoong magnanakaw ang tungo ng Ginoong humihila sa kaniya.

"Sumandali! Sumandali! Mahal ko pa ang aking buhay! Tumigil ka! Pronto!" Ngunit imbis na tumigil ay natawa lamang sa kaniya ang Ginoo.

"Hindi ko alam na ikaw pala ay palabiro, Binibining Almira." Tumatawa pa rin ito na tila nasisiyahan bagamat hinahabol sila ng mga gwardya sibil.

"Hindi ako nagbibiro tulisan!" Tuluyan na siyang napasigaw sa inis subalit pagtawa lamang muli ang isinagot sa kaniya ng hangal. "Hinto!" Sumabit kahit anong pagpapatigil niya ay hindi ito nakinig.

"Binibini, nasubukan mo na bang lumipad?" Iyon ang tanong na dati ay ninanais niyang marinig subalit sa pagkakataong ito ay pinakakinatatakutan na niya.

"Hindi! Hindi! Hindi ko nais lumipad, pakiusap!" Doon na natigil sa pagtakbo si Ambrosio. Tuluyan na din silang nakarating sa pinakadulo ng barko. Hindi kagaya sa mga tabihan na may harang, ito ay wala na dahil dulo na talaga ito at kung tutuusin ay walang magtatangkang tumayo dahil maaaring ikahulog. Sa isipan ni Almira hinihiling niya na sana ay dininig ng Ginoo ang kaniyang pakiusap.

Saglit siyang napatitig sa mata ng binata na matapos tumingin sa mga gwardya sibil ay naglapat ang kanilang mga mata. Sa hindi maintindihang dahilan ni Almira ay nakikita niya ang kaniyang repleksyon sa mata ng binata. Bagay na ikinalakas ng pagtibok ng puso niya. Ngunit tila mas lumakas ito nang ngumiti na ang tulisan sa kaniya at biglang ipinulupot ang braso nito sa bewang niya.

Mapangahas!

"Subalit ako ay nais kong lumipad binibini, paumanhin." Hindi niya nakuha ang nais nitong iparating sa kaniya noong una. Subalit nang muling balingan ni Ambrosio ang mga gwardya sibil na nagsilabas na ng kanilang baril doon na napagtanto ni Almira ang gagawin nito.

"Sumuko ka na!"

"Paumanhin subalit ang hari ng dilim ay hindi ganoon kabilis nagagapi. Hasta La Vista!" (Goodbye!)

At mula doon ay tumalon ang pangahas na magnanakaw mula sa barko. Wala na si Almirang nagawa kung hindi ang mapapikit na lamang at mapausal ng maikling dasal para sa kaniyang nanganganib na buhay.

I M _ V E N A

Adios Por AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon