Kabanata 11

25 3 0
                                    

Kabanata 11

"Magsitabi ang lahat! Narito na si Ambo!" Ang biglaang sigaw na iyon ang nagpatahimik ng buong pasilyo ng ikatlong palapag. Hindi naglaon ay tila nahawi ang daan at mula doon ay nasilayan ni Almira kung paano maglakad ang isang Ambrosio Aguilar suot ang kaniyang pang-ilustradong damit. Nakasuot pa ito ng itim na salamin na animo'y bulag. Maayos din ang hawi ng buhok nito na tila kababagong paligo lamang. Hindi na magtataka si Almira kung malaman niyang magnanakaw na naman ang mga ito.

"Anong ginagawa ng isang insulares sa palapag ng mga hamak na indio?" Naglaho ang saglit na pagtangi ni Almira sa hitsura ni Ambrosio nang magsimula na itong umimik. Bakas sa boses nitong nanunuya ang binata na tila may lihim na galit sa kaniya. Isang bagay na nakapagpairap sa dalaga. Umagang-umaga ay pinapainit ng Ginoo ang ulo niya.

"At anong pakialam ng ginoong bulag sa magandang insulares na bumisita sa ikatlong palapag?" Nang ibato ni Almira ang katagang iyon ay nagkaharap na sila ng ginoo't nagkatitigan.

Ngumisi si Ambrosio bago binalingan ang bakol na may lamang bulaklak. "Hindi mga hayop ang mga tao dito,  Binibini. Hindi kami kumakain ng halaman o bulaklak." Nanunuya talaga ito na talagang nagpapainit ng ulo ni Almira.

"Hibang, ang bulaklak ay iniaalay ko sa mga kapwa ko binibini sa palapag na ito!"

"Ano man ang iyong sabihin ay hindi iyan ang katugunan sa aming gutom na kalamnan."

"Bakit ba tila ikaw ay may tinatagong pagiimbot sa akin!"

"Wala akong sinabing ganiyan,  Binibini." Doon na tumahan si Almira. Alam niyang kapag sinagot niya pa ang ginoo ay walang mangyayari. Hahaba lamang ang usapan nila at magkakapikunan. Mahangin ang utak ng ginoo habang siya ay hindi nagpapatalo. Walang pagkakapareho, napapaisip tuloy si Almira kung bakit tila kinakabahan siya sa tuwinang makikita ang binata.

Wala namang nakakatakot dito, bakit siya papasindak?

Subalit kaba nga lamang ba ito dulot ng takot? Ang isiping iyon ay mabilis na isinawalang bahala ni Almira.

Bumuntong hininga siya at mas piniling balingan na lamang ang bakol na dala niya. Inalis niya ang mga nakapatong na bulaklak doon bago isa-isang inilabas ang mga pagkaing dala niya bagay na nagdulot ng kumosyon sa mga tao doon.

"Huwag na kayong magabalang magnakaw ngayong umaga at magsikain na lamang kayo ng dala kong agahan." Hindi niya binalingan ang mga ito at hinintay na umimik subalit wala ni isang nagsalita kaya naman nagpatuloy siya. "Masamang magpalipas ng gutom lalo at agahan. Huwag na kayong magmatigas at kumain na muna." Nang mailabas niya ang lahat ng pagkain mula sa bakol at maipatong ito sa may lamesa ay siyang pagangat niya ng tingin.

Gayunpaman ang mga mukhang isinalubong sa kaniya ng mga ito ay kakaiba. Tila namamangha ang ilan at ang ilan pa at natigilan. Isa na roon ang ginoong napakadaldal at panay ang panunuya kanina. Nakatingin ito sa kaniya na tila naputulan siya ng ulo. Isang bagay na lubos niyang ikinataka.

Napapaisip tuloy si Almira kung bakit ganiyon na lamang ang tingin ng binata sa kaniya. May sakit ba ito? O baka naman iniisip nitong tira-tira ang mga dala niya. Doon na napangiti't napatawa si Almira.

"Ginoong Ambrosio, huwag kang magalala. Ang mga ito ay hindi pa nagalaw ninuman sa itaas. Bago at maiinit pa ang mga ito!" Matapos iyon ay humarap na si Almira sa mga tao doon. "Ano pa ang inyong hinihintay, magsikuha na kayo ng makakain. Marami iyan at tiyak na magkakasya sa inyo." At doo'y tila isang masaganang pista ang naganap at siya ang kanilang patron. Isang bagay na ikinatawa ng lubos ni Almira.

"Mabuhay ka Binibini!"

"Napakabuti mo Binibini!"

"Salamat Binibini!"

Adios Por AhoraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon