Chapter 22: Confession

156 8 0
                                    

~Aena's POV~

"Sorry na My Nini... Nagpahangin lang naman kasi ako saglit sa may court ta's nakatulog ako sa may malaking swing eh. Sige na. Sorry na My Nini baby loves ko."

Kausap ko ngayon si Nono sa phone. Gabing-gabi na at ngayon lang siya nakatawag dahil nga daw nakatulog siya. Napaka-lame. Tss -___-

"Tss. Pwede ka naman munang magtext o tumawag muna sa'kin bago natulog. Ang sabihin mo, may iba kang pinagkakaabalahan!"

'sabihin mong 'yung surprise mo sa'kin ang pinagkakaabalahan mo! Sabihin mo please..'

"H-hindi ah? Sorry na kasi. Nakalimutan ko lang---"

"O kita mo na, saglit lang ako nawala, nakalimutan mo na 'ko agad!"

'Di naman ako talaga galit eh, Nag-iinarte lang Hahaha!

"Aish! Hindi nga kasi! O-okay. Sasabihin ko na kung ano talagang dahilan.."-sumuko din siya.

"Kita mo na. Nagsinungaling ka pa!"

"Makinig ka muna kase Nini." He sighed. "Nag-isip-isip lang ako."

"Nag-isip ka lang nakalimutan mo na 'ko? Anong klaseng dahilan 'yan? Tss!"

"Tss. Sinasabi na nga 'yung totoo agaw pang maniwala! Ikaw nga d'yan 'yung may tinatago eh!"

Napasinghap ako.

'Ako? May tinatago? Baka siya!'

"At binabaliktad mo pa ngayon? ewan ko sa'yo!"-sabay patay ng cellphone.

Kung kanina nag-iinarte lang ako, ngayon naiinis na 'ko talaga!

Boset! Ako pa binaligtad niya ah? Tss.

Oo may tinatago ako sa kanya--- ang sexy body ko, baka 'di pa siyamakapagpigil eh.

Hahaha. Joke lang.

Pero talaga namang may tinatago ako sa kanya eh, 'yung tungkol sa threat sa akin ni Alexandra-- kung siya man talaga 'yon.

Pero siya rin naman eh. Unang-una di niya sinabing may mas nauna pa pala siyang girlfriend kesa kay Jasmine, kahit na tinanong ko naman siya noon kung meron pa bang iba. Pangalawa, nagsinungaling pa siya kanina na nakatulog daw siya pero 'di naman pala! At pangatlo, hindi niya man lang pinaliwanag kung bakit kailangan niyang mag-isip-isip na umabot pa sa puntong nakalimutan niya ko at sa halip, binaligtad pa niya ko!

Kaya 'wag niya 'kong sisisihin kung magalit man ako sa kanya!

*Strumming guitar with the chords of A-AM7-A7-D*

♪Sorry na..♪

O_____O

♪..Kung nagalit ka..

'Di naman .. sinasadya..♪

'S-si Nono! K-kumakanta siya sa labas ng pinto ng room ko!'

♪Kung may nasabi man ako .. init lang ng ulo ..

...pipilitin kong magbago, pangako sa iyo♪

Kinantahan na naman niya ko! I think I'm gonna faint any moment from now! Emeged!

♪Mahal kita .. sobrang Mahal kita . ♪

At naka emphasize talaga yung word na 'Mahal kita'.

♪Wala na kong pwedeng sabihin pang iba ..

.. kundi sorry talaga .. 'Di ko sinasadya..♪

♪Talagang sobrang MAHAL KITA 'Wag kang mawawala, sorry na..♪

'Mawawala? Agad-agad? NEVER!'

Binuksan ko ang pinto at agad siyang niyakap.

"Sorry My Nini."-sabi niya sa mababang boses.

"Sorry din My Nono.."

"Ughhhh! Ang sweet naman.."-sabi ni ..

"Mom? 'Bat kayo andito?"

"Bakit anak? Sa tingin mo ba makakantahan ka niyang boypren mo kung 'di siya makakapasok? At makakapasok ba siya kung wala kami dito? Uso mag-isip baby. Hihi ^__^"- at namimilosopo na rin si Mommy.

Tinuruan ko pa kasi ng uso-uso na 'yan eh. Tsk!

"Nye nye."-yun na lang ang nasabi ko kay Mommy pero pabiro lang at saka ako humarap kay Nono sabay crossed arms. "At ikaw, magpaliwanag ka na."

"'Di ba pwedeng pumasok muna?"

"Hind---"

"Oo naman Kirby. May tiwala naman kami sa'yo eh."-wika ni Dad kaya pumasok na kami sa loob.

Pinaupo ko siya sa sofa sa kwarto ko at tumayo ako sa harap niya na parang iniimbestigahan ko siya. "Magpaliwanag ka na."

He sighed before he speak. "Okay. Nag-isip-isip ako dahil sa isang taong nakausap ko kahapon na nakita ko sa court kaya ako nagpaiwan."

Kinabahan naman ako ng bahagya. Posible kayag si Alexandra ang nakausap niya?

"S-sino naman 'yon?"

"K-kilala mo daw siya. S-si ... si A-Alexandra."

O_______O

This time talagang nagulat na 'ko.

So tama pala talaga ang hinala ko?

"And s-she's .. m-my ex-girlfriend."

"P-pero ba't di mo siya nabanggit sa 'kin nung time na nagtanong ako about sa mga past girlfriend mo?"

"Dahil hindi naman siya importante. At ayokong makilala mo pa siya, which surprised me na kilala mo na pala talaga siya. Pero bakit 'di mo sinabi sa'kin na nagkakausap na pala kayo? I mean, 'di mo sinabing nagkakainitin na pala sa pagitan niyo?"

"S-sorry. A-akala ko kasi kaya kong i-handle 'to nang mag-isa. At saka .. ayoko namang mag-alala ka pa."

"Talagang mag-aalala ko. Pero sana sinabi mo man lang. Sa susunod na kausapin ka pa niya sabihin mo agad sa'kin ah? Pero may gusto lang akong malaman .. s-sabi niya kasi, dati dae kayong magbestfriends. B-bakit kayo nagkaaway?"

Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Mommy at Daddy. "M-mga bata, gabi na masyado. M-may pasok pa kayo bukas kaya mabuti pa magpahinga na kayo."Alam kong palusot lang 'yan ni Mommy. Paniguradong nakikinig 'yan sa pinto kaya pumasok na siya nang magtanong si Nono. Alam niya kasi ang past ko at alam niyang ayaw ko nang mabuklat pa 'yon. May sense din pala ang pagka-tsimosa ni Mommy XD

"E-eh. Tita--este--M-Mommy pala, wala naman pong pasok bukas eh?" Oops. 'Yun lang, sumablay pa.

"A-ah, o-{{ nga pala. Hehe. Pero kahit na. Magpahinga na kayo."

"A-ah opo."Humarap siya sa akin."Nini, uuwi na ko ha?"-sabay kiss sa noo at yumakap. Bumulong pa siya,"Sayang andyan parents mo eh , 'di tuloy sa lips Haha."

Hinampas ko siya ng mahina sa balikat. "Baliw! Haha. Bukas na lang."

Humiwalay siya ng yakap at humarap sakin nang wagas makangiti. "Sabi mo 'yan ah? Haha." Tumango naman ako.

"Sige po. Uwi na po ako."

"Sige mag-ingat ka ah?"

Natawa naman ako sa sinabi ni Dad. "Dad, d'yan lang 'yan sa tabi Haha!"

Nagtawanan naman kaming apat bago umalis si Nono.
~~~~
~nicakookie_~

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon