Chapter 3: The Hug ♥

359 16 0
                                    

-Aena's POV-

Hi! Siguro naman kilala nyo nako kase nagpakilala nako kanina.

Grrrr. Nakakabadtrip talaga yung Mr. Feelingero na yon ! Tsk.

Panira ng araw amp.

Sira na nga araw ko eh.

Nabangga ko kasi sya kanina sa sobrang pagmamadali. Kaya ako may kasalanang mabangga sya.

At ang inis ko pa , nakita niya akong umiiyak.

I just told him that he don't care.

Ang malas ko nga eh kase Classmate ko sya at seatmate pa! Akalain mong matalino pala yun at nasa First Section. Pero baka naman Sipsip Haha Joke.

Haayyyy.

Nakakatamad naman tong araw na to.

Di pa kase naglelesson si Sir eh. Bukas na daw.

KINABUKASAN.

4:30 am

Ang aga ko naman nagising eh 8 pa pasok ko. Tas di pa ko makatulog. Tsk.

Pero okay lang yan, magja-jogging na lang ako.

Kahit ako lang mag-isa okay lang kase secured naman tong Village namin kase Executive to.

Lumabas nako ng bahay na naka-tights at sando lang tas naka-rubber shoes. At syempre nakikinig ako ng music sa iPod ko para di boring.

Nagsimula nakong mag-jogging nag biglang may humawak sa balikat ko.

Oh no??? Kala ko ba secure dito.

Pagharap ko .....

-Gino's POV-

3:00 am

Maaga ako lagi nagigising kase nagjo-jogging ako sa umaga.

After 30 mins. natapos nako mag-ayos at lumabas na ng bahay nang may nakita kong babaeng lumabas sa katabi naming bahay.

Mukang magja-jogging din sya. Pero wait, kilala ko to aa.

Ah si AJ. Si Ms. Taray.

Matawag nga nang maasar Haha.

"AJ!"

"AENA!"

"OI MS. TARAY !!"

Aba't di pa rin ako naririnig.

Ay boplaks ko talaga oh.

Di ko napansing may nakasalpak pala sa tenga niya -.-

Kaya nilapitan ko na lang sya at hinawakan sa balikat at nagulat sya.... sabay humarap.

"Waaahhh ! Wag p------- o.O"

"WAHAHAHA ! Ang epic ng itsura mo hahahahaha!"

Nakakatawa kase yung itsura niya eh. Kala mo kikidnapin wahaha.

"Bwiset ka ginulat mo ko ! Bwiset ka talaga nakakainis ka ! Arggghh!"

"Aray . Oh tama na ! Aray ko! Ouch ! Aw aray !"- pano ba naman pinaghahampas ako. Ansakit kaya.

"Sorry na tama na. Arayy!"

Hinawakan ko na yung dalawang braso niya at niyakap sya para tumigil na.

"A-anong?? B-bakit mo ko n-niyayakap? B-bitawan mo ko."

"Please. Tama na. Di ko na uulitin."

Nagstay lang kami sa ganung pwesto pero di ko alam kung bakit ko ginawa yun.

At nung niyakap ko sya, parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko.

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon