Chapter 12: Doctor KG

206 16 0
                                    

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Gusto kong bumangon para sarhan ang kurtina ng bintana ng aking kwarto.

Ngunit parang may kung anong pwersa ang pumipigil sa katawan ko na igalaw ito.

Napakasakit sa pakiramdam kahit ang kaunting paggalaw.

Napakabigat din at masakit ang aking ulo.

Napahawak ako sa noo ko at bahagyang nagulat sa sobrang init nito.

"Jaja. Gising ka na pala. May masakit ba sa'yo? Nagugutom ka ba?"-sunod-sunod na tanong ng lalaking bumugad sa aking mula sa pagkakabangon niya sa pagkayuko sa gilid ng aking kama.

"KG?"

"O-okay ka na ba?"-puno ng pag-aalalang tanong niya.

"D-di masyado.*ehem ehem*. Ang s-sakit ng u-ulo at ng k-katawan ko eh. H-hindi nga ako m-akabangon eh.*ehem ehem"

Tumayo siya at sinarhan ng kurtina ng mapansin niyang nasisilaw ako sa liwanag ng sikat ng araw.

Sinipat niya ang noo at leeg ko.

"Napakataas pa din ng lagnat mo. Tsk."

Tumingin ako sa wallclock.

6:40am

"A-ahm .. H-hindi k-ka pa ba papasok? A-anong *ehem ehem* o-oras na oh."-paubo-ubong tugon ko.

"Sa tingin mo ba kaya kitang iwan sa ganitong sitwasyon?"-sinserong tugon niya.

Ngumiti ako."O-okay na naman n-nako eh.*ehem* K-kaya ko na ito. S-saka.. *ehem* Andyan n-naman si Manang eh *ehem ehem*."

"'Yan ba ang okay? 'Yung hindi na makapagsalita ng maayos dahil sa panghihina at ubo?"

*KNOCK KNOCK*

"Pasok po."-tugon ni KG.

"Gising ka na pala hija. Heto at mag-agahan ka na muna."-Manang.

"Ay ako na pong magpapakain sa kanya."Iniabot nya mula kay Manang na siya ring umalis agad ang tray ng pagkain at inilapag iyon sa side table at saka ako tinulungang umupo.

Buong puso niya akong sinubuan nang walang sinasabi.

Pinainom niya rin ako ng gamot.

"Saglit lang ah?"-sabi niya.

Tumango na lang ako at saka sumandal sa headboard ng kama ko.

Ilang minuto ang lumipas na nakatingin lang ako sa ceiling nang bumukas ang pinto. Pumasok si KG dala ang isang maliit na palanggana.

"Pupunasan na muna kita para makapagpahinga ka na ulit."

Pinunasan niya ang mukha ko ng dahan-dahan.

Nag-blush naman ako sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

Nagulat ako nang bigla siyang tumigil at tumingin ng diretso sa mata ako at saka ngumiti."Maganda ka pa din kahit may sakit ka at namumutla.",tugon niya at saka muling pinagpatuloy ang pagpunas sa akin.

Sunod niyang pinunasan ang braso ko.

"Kaya mo bang magbihis mag-isa?",tanong niya na nakangiting pilyo.

"'Wag kang pilyo."

"Bakit? Tinatanong lang eh. Haha."

"Ewan. Kukuha muna ako ng damit",tugon ko na akma na sanang tatayo ng pigilan niya ako.

"Ako na",saka siya tumungo sa walk-in closet ko at lumabas dala ang isang simpleng manipis na t-shirt na komportableng suotin. Hawak niya rin ang isang pulbo. Nagtaka naman ako kung paano niya nalaman kung saan iyon nakalagay kaya't kumunot ang noo ko.

"Ah. Hehe. Sinabi sa akin ni Tita kung saan 'to nakalagay",agad niyang paliwanag.

Lumabas na muna siya ng kwarto at agad naman akong nagbihis.

Maya-maya lang ay kumatok na siya."Tapos ka na ba?"

"Oo. Pwede ka nang pumasok."

Pumasok siya at agad na lumapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Nagulat ako nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko na siyang dahilan kung bakit ako napaatras.

Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang isa niyang kamay sabay ngiti ng nakakaloko."Amputi ng mukha mo. Hehe",saka siya lumayo.

"Baliw ka talaga",bulalas ko.

"Hmm. Sayo langss Haha. Sige na magpahinga ka na muna."

"Baliw."

"Sayo langss pow. Bye.", saka siya lumabas.

"WAAAHHH! A-aray! *ehem ehem* Mukhang gagaling ako agad nito ah?"-sabi ko sa sarili dahilan sa sobrang kilig

~~~~~~~~~~~~

Meanwhile.

"Haayy."

*KNOCK KNOCK*

"Jaja?? Are you awake?"-boses ni KG.

I didn't answer but I stand up and open the door.

"Jaja? 'Di ka dapat tumayo."Inilapag niya ang dala niyang tray ng pagkain at saka ako inalalayan pabalik sa kama."May sakit ka pa nga eh tumayo ka na agad. Dapat sinabi mo na lang na gising ka na para ako na lang ang pumasok."

"Sorry po Doctor KG."Then I playfully smile sa pagiging O.A niya Haha.

"Tss. Take it seriously. Kumain ka na nga."Pero sinubuan niya agad ako ng pagkain bago pa ko makapagsalita.

Tatawa-tawa naman akong niluwa iyon."Hahaha.. Ang (nguya nguya lunok) Ang sungit mo p---"Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinubuan niya akong muli.

Hindi ko pa nga nauubos 'yung isinubo niya tas sinubuan niya pa ko ulit -_-!

Kaya inagaw ko yung tray ng pagkain."Hmm. Ako (nguya) ako na nga ang (nguya) magsusubo."

At kumain na ako ulit.

Nakita ko siyang nakangiti habang pinagmamasdan akong kumain.

Tinignan ko siya ng medyo matalim."Anong nginingiti-ngiti mo dyan?",asik ko.

"Wala. Hehe. Ang cute mo kasi kumain eh. Para kang bata haha."Inirapan ko lang siya at kumain ulit."Pero masaya ko kasi 'di na ganon kataas ang lagnat mo. Sobrang nag-alala ako nang mawalan ka ng malay. Hindi ko alam kung bakit ka umiyak nung umulan. Sa totoo lang natatakot din ako ng oras na 'yun."

Napatigil ako sa pagsubo nang marinig ko ang mga salitang 'yun. Ngumiti ako sa kanya."Salamat KG. Ayy Doctor KG pala :D"

"Tss. Haha. Anything just for you Jaja."Bakas ang sinseridad sa mga sinabi niya.

Sarap pala magmahal ng isang Kirby Gino Mauricio.

Sarap mag-alaga.

~~~~~~~~~~~~~~~~

Hope you enjoy reading my story ^_^

Fb: facebook.com/nicacamatoyii

Twitter: @CutiliciousNica

Thank You ^_^

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon