Chapter 35: Bagong MGA kontrabida

118 7 0
                                    

~Jaja''s POV~

"Ang aga pala natin masyado Nono."

"Okay lang 'yan Nini. Ayaw mo no'n, solo natin 'tong school Haha!"-sabay kindat.

Kakapasok pa lang namin ni Nono sa school at wala pa kong kahit isang estudyanteng nakikita o kahit isang tescher. Si Manong guard pa lang.

"Baliw. Haha!"

"Tara do'n tayo sa garden. Turo mo sa'kin kung saan ka kamo natulog Haha."
*********

"D'yan sa taas niyan?"-gulat na tanong ni Nono habang nakaturo sa punong mangga.

"Oo? Bakit? Anong masama sa pagtulog sa taas ng puno ng mangga?"

"Wala naman. Pwede ka lang namang mahulog. Eh ang taas niyan eh!"

"Eh nahulog ba 'ko?"

"Kahit na! At saka kaya naman pala hindi kita nahanap eh na andyan ka pala sa taas."

"Ang sabihin mo, nakita mo kasi si Lex kaya 'di mo na 'ko hinanap!"-pa-ismid kong sabi.

Pero niloloko ko lang 'to Haha.

"Tss. Binabaligtad mo pa 'ko. Saka hinanap kita no! Kahit itanong mo pa kila Ran."

"Oh akala ko ba si Lex lang? Ngayon pati si Ran na? Eh kay Bryle na 'yun eh!"

"Oh? Eh ikaw nga binanggit mo na naman si Bryle eh mas gwapo naman ako don! Saka 'wag mo ngang babanggitin ang pangalan no'n! Naiirita lang ako!"

Mukhang galit na galit talaga siya kay Bryle.

Naikwento na sa akin ni Bryle kung bakit galit sa kanya si Nono.

Inalok ko pa nga siya na kung gusto niyang tulungan ko siya para magkaayos sila eh.

Ang kaso ayaw niya.

Saka na daw kapag nakuha na niya ang gusto niya. Para isang patawaran na lang.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niyang 'yon pero sana wala siyang masamang binabalak.

"Woi! Kita mo na? Ako kasama mo tapos siya iniisip mo?"

"Hindi ah? Ang arte nento! Halika nga dito."

"Ano? Halikan? Sige game!"

Potekk >_____<

"Ang manyak neto!"

"Ikaw kaya d'yan. Ikaw nag-aya eh Hahaha."

"Bingi -____-"

"Oo. Alam kong gwapo ako."

"Tara na nga sa room!"-saka ako tumayo.

Potek! Ba't ba ang kulit-kulit niya ngayon.

"Grabe! Ikaw pala manyak d'yan eh! Gusto mo pa kumuha tayo ng kwarto? Grabe."

~KG's POV~

Gusto ko nang matawa sa itsura niya.

"Ah ewan ko sa'yo! Ba't ba ang kulit-kulit mo ngayon?"

Bakit nga ba?

Ah. Kasi pinipilit ko lang mawala 'yung kabang narramdaman 'ko.

Simula kasi nung mangyari 'yung sa barko lumakas na 'yung pakiramdam ko.

Kapag kinakbahan ako, ibig sabihin may mangyayaring hindi maganda sa akin o 'di kaya sa mga taong malapit sa akin.

Kaya pinipilit kong pawalain, baka sakaling mapigilan ang hindi magandang mangyayari.

"Wala! Naglalambing lang eh Haha!" Inakbayan ko siya. "Sige na nga. Behave na 'ko pero sa isang kondisyon."

"At ano naman 'yon aber?"

Ngumuso ako. "Kiss mo 'ko isa lang."

*TSUP*

Kiniss nga ako? Haha d--,b

"Dalawa na pala."

*TSUP*

HAHAHA. Isa pa.

"Ay tatlo na pala."

Palapit na 'yung mukha niya sabay...

"Awwww! Aray! Aray ko naman Nini!"

Kinurot lang naman niya 'ko sa tagiliran -______-

"Eh ang harot mo kaya Haha. Tatlo ka pa ah? Haha!"

"Ah ganon? Timatawanan mo 'ko?"

Kiniliti ko siya habang naglalakad kami.

"Hahaha! Potek! HaHAha! Ayo---hahaha!Ayoko na No----"

Napatigil kami pareho dahil sa nagsalita.

"Oh look who's here."

Napatingin ako kay Sandra na may kasamang dalawang lalaki.

'Yung isa estudyante dahil naka-uniform, hababg 'yung isa ay mukhang siya 'yung bagong teacher.

Dahan-dahang umangat ang tingin ni Nini.

O_________O

Para siyang nakakita ng multo sa itsura niya.

Hinawakan ko siya sa kamay.

Nanginginig siya.

"Nini bakit?"

Umiling-iling siya at saka pilit na tinanggal ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

Nang makawala siya ay bigla na lang siya tumakbo papunta sa direksyon palabas ng Main Entrance kung saan maraming sasakyan.

Agad ko namam siyang sinundan.

"Jaja! Jaja sandali lang! Nini!"

*screeeeecccchhhhh*

"NINIIIIIIIIII!!!"

******

Hala ano na kayang nangyari kay Jaja?

ACCOUNTS:

FB:
⇨ nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon