Chapter 42: Mas mahal kita

120 8 2
                                    

~Jaja's POV~

Nanlaki ang mata ni Nono at halatang kinabahan siya sa tanong ko.

Nanliit ang mata ko, "Bakit ka nakipagsapakan?"

"Hindi Nini ano 'yan .. ahm .."

Papalusot pa eh wala naman maisip -_____-

"'Wag ka na magpalusot -_____-"

"Kanino ka nakipagsapakan?"

He sighed. "Okay okay." Itinaas niya pa ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Kay Rence."

Natahimik ako sandali.

"B-bakit?? I-I mean .. B-bakit kayo nag-away??!"

"Hindi naman talaga dapat aabot sa sapakan eh. Kung hindi lang siya mayabang."

Nakikinig lang ako sa kanya.

"Tinanong ko siya kung bakit siya andito. Kung bakit pa siya nagpakita pa sa'yo ulit."

"B-bakit mo pa ginawa 'yon?" Lumapit ako sa kamya at chineck-ang muha niya at katawan. "Nasapak ka ba niya? Nasaktan ka ba?" Umiiling lang siya. Hinamapas ko siya nang mahina sa dibdib. "P-paano kung napano ka. Kakagaling ko nga lang sa ospital eh tapos----"

"Nini, relax ka lang. Kung may nasaktan man sa'min dalawa, siya 'yon. Ako pa ba Nini?"

Nag-pogi sign pa siya. Sinuntok ko nga sa tiyan.

"Awww. Aray ko naman Nini!"

"O kita mo na? Napaka-yabang mo tas isang suntok kong napaka-hina eh atrasado ka na Haha!"

"Siyempre amazona ka eh!"

"Haha!"

Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Pero sinabi niya ring kukuhanin ka niya sa'kin..." Natahimik ako. "..at hindi ko 'yon hahayaang mangyari."

Napangiti ako.

"May isa pa akong sasabihin sa'yo, pero bukas na lang para surprise Haha!"

"Ikaw talaga puro ka surprise!"

"Ganoj talaga 'pag pogi Haha. Baka nga malay mo isang araw, bigla na lang kitang i-surprise wedding eh Haha!"

"Eh sinong may sabing ikaw ang pakakasalan ko?"

Napa-tahimik siya at nag-pout.

Haha.

"Joke lang syempre! Khit naman naka-pangako ako noon sa isang tao eh hindi na naman importante 'yon kasi ikaw ang talagang mahal ko."

"Mas mahal kaya kita!"

"Mas mahal kita!"

"Hinde, mas mahal kita!"

"Hindi kaya, mas mahal kaya kita!"

"Hin----"

"Mas mahal kaya kita princess."

O___________O

Napatayo ako nang marinig ko ang boses na 'yon.

********

Sino kaya 'yon?? Hmm. Haha!

************
VOTE AND COMMENTS GUYS ^_____^

ACCOUNTS:

Facebook:
⇨ www.facebook.com/nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

THANKYOOOUUUUUUU ↖(^▽^)↗↖(^▽^)↗↖(^▽^)

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon