Chapter 45: The truth

125 6 0
                                    

~Jaja's POV~

"Aena, I'm .. I-I'm really sorry. Hindi ko ginusto 'yon. Siguro naman alam mo na apo si Alexandra ng school na 'yon and she blackmailed me."

Nagtaka naman ako.

Oo alam komg mayaman sina Alexandra pero never niyang nasabi sa akin na sila ang may-ari ng school na 'yon.

Madami pala siyang inililihim sa akin.

"H-hindi .. Hindi ko alam ang tungkol d'yan. She never told me such thing."

"Sabi niya hindi alam ng mga tao sa school niyo ang tungkol doon at akala ko ikaw lang ang may alam dahil 'yun nga, bestfriends kayo." Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko habang unti-unting lumuluhod.

Nagulat ako sa ginagawa niyang pagluhod. "S-sir."

"Aena, I know hindi ko na mababalik ang dati. Pero humihingi ako ng pasensya sa maling nagawa ko. I'm really sorry. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong inilipat dito sa school niyo pero siguro si God na din ang gumawa ng paraan para makita kita at makahingi ako ng tawad sa iyo."

Hinawakan ko siya sa balikat."S-sir .. Tumayo na po kayo d'yan. 'D-di niyo naman po kailangang lumuhod eh."

Tumayo namam siya. Pinahid niya ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mata. "I-ibig bang sabihin pinapatawad mo na ako?"

Pinahid ko din ang luha ko at saka ngumiti."Opo naman kuya."

Kuya kasi ang tawag ko sa kanya noon imbes na Sir.

Sa totoo lang, para akong nabunutan ng sobraaannggg laking tinik sa dibdib nung mabigyan ko ng kapatawaran si Kuya James.

Sabi naman ni Nono, masaya daw siya at magkaayos na kami.

Nagpasalamat din ako sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya, siguradong ambigat pa din ng pakiramdam ko sa t'wing makikita ko si Kuya James.

Parang dapat siguro ako naman ang gumawa ng isang bagay para kay Nono. At 'yon ay ang magkapatawaran na sila ng kapatid at Daddy niya.
************

CHAPTER 45.5 ♥

Papunta na kami ni Nono sa klase nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.

"Nono, c.r lang ako. Dumiretso ka na sa room."

"Sure ka?" Tumango lang ako. "Sige dadalhin ko na 'tong gamit mo."

"Sige."

Dumiretso ako sa restroom at ginawa ang dapat kong gawin.

Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko si Bryle sa 'di kalayuan papunta sa direksyon ko.

Naisip ko na siguro kausapin ko na siya para sa pag-aayos nila ng pamilya niya.

Tatawagin ko na sana siya nang naunahan niya ako.

"Jaja!"

Naglakad na din ako palapit sa kanya.

"Oh Bryle bakit? Tatawagin na din sana kita kaso nau---"

"Jaja, pwede ba kitang makausap??"

"Haha. Nag-uusap na kaya---"

"Seryoso. Doon tayo sa garden."

"O---okay? Maaga pa naman eh."

************
"Bakit Bryle? May problema ba?"

Nakaupo kami sa bench. Nakayuki lang siya na tila nag-iisip.

Bumuntong-hininga siya nang malalim at saka lumingon sa akin.

"Jaja, I'm sorry. I mean, AJ."

Naguvuluhan ako.

"Huh? 'Diba 'yun ang tawag mo sa'kin mula pa noon?"

"Hindi AJ. Wala akong karapatang tawagin ka sa pangalang 'yon."

"H-ha?? H-hindi kita maintindihan Bryle.."

"AJ, I'm sorry. I'm sorry i f I lied to you."

Naguguluhan talaga ako.

"H-ha?"

Bumuntong-hininga siya ulit. "I'm not Gino." Tumingin ulit siya sa akin. "Hindi ako 'yung Gino na nakilala mo noon."

O____________O

"P-pero .. p-paano mo nalaman? P-panong .. hindi eh. 'Wag ka ngang magbiro Bryle!"

Tumulo ang isang patak ng luha ko na agad ko din namang pinunasan.

Sana hindi totoo ang sinasabi niya. Ayokong umasa sa wala.

"I'm sorry AJ. Hindi ko ginustong lokohin ka."

"B-bakit Bryle? Naging masama ba ako sa'yo?"

"Hindi AJ. I'm sorry. It's just that .. sa kagustuhan kong mapa-sakin ka, pumayag ako sa plano ni Alexandra."

"H-ha? Siya na naman? Ano bang kasalanan ko sa kanya?"-tuluyan nang bumuhos ang luha ko.

"I'm sorry AJ. Sana mapatawad mo pa ako. I'm really sor--"

"No, Bryle. Wala kang kasalanan. Biktima ka lang din. Aalis na ako. Sa susunod na lang tayo mag-usap."

Umalis na ako.

Nag-ayos muna ako ng sarili dahil baka mahalata ni Nono na umiyak ako.

Dumiretso na ako sa classroom at kasabay ko lang ang teacher na pumasok. Pero hindi ko nakita doon si Nono.

Asan 'yun?

Bumulong ako sa katabi ko. "Jessel, asan si Nono? Nakita mo ba?"

"Ayy oo. Sabi nga pala niya pakisabi sa'yo na may emergency siyang kailangang puntahan. Nagmamadali nga eh."

"Ganon ba?"

Ano kayang nangyari?

************

VOTE AND COMMENTS GUYS ^_____^

ACCOUNTS:

Facebook:
⇨ www.facebook.com/nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

THANKYOOOUUUUUUU ↖(^▽^)↗↖(^▽^)↗↖(^▽^)

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon