Chapter 13: Bakasyon Part 2

170 11 0
                                    


"SURPRISE !!!"-sabay-sabay na sabi nila Jannica, Annika, Aaron at Jeric.

O___________O

Well, binabawi ko na yung sinabi ko kaninang mga tao sila. Alien po sila. ALIEN XD Pero natuwa pa din naman ako.

'Pero anong ginagawa nila dito at pano sila nakapunta dito?'

"Andito kami para magbakasyon."- agad na sabi ni Jannica.

"At kung pano kami nakapunta dito, well pinahatid na kami nila tito dito ang dad mo para daw masaya ang bakasyon nyo at nating lahat."-masayang sabi naman Jeric.

O_______O

"What?  You don't believe us?"-takang tanong naman ni Annika. Eh pano ba naman kase, nakatunganga pa din kase ako.

"Eh guys? Mind-reader ba kayo?"

>__________< ---LAHAT SILA.

"Takte. Oo mind-reader kami AJ. Kaloka ka te Haha."-Jannica

"Pero bago ka mambasa ng isip dyan, tara na at kumain na tayo dali. Tomguts nako kanina pa eh. Tagal n'yo kase mag-usap sa loob. >__Aaron.

Antakaw talaga kahit kelan Haha.

******

Habang kumakaen.

" Mom, Dad, di n'yo naman agad sinabi na andito ang mga friends namin."

"Eh baby ? Do you know what surprise is? Hahaha."

Napa-pout na lang ako. Barahin daw ba ako?

Nang matapos kaming kumain ay nag-tambay muna kami sa likod-bahay. Medyo magubat dito kasi probinsya at may malawak na fishpond. Tapos malawak na bukid na.

Pero nagtataka lang ako. Parang ako lang ‘yung nagulat? Ba‘t parang si KG hindi ? Hmmm.

Tumingin ako sa likod ko para sana tanungin kung alam ba niya but I found nothing. Pati mga kasama naming iba nawala. Nakatalikod lang kasi ako kanina pero pagharap ko, ‘yun nga, nawala na sila.

“Guys , asan kayo? “

Maglalakad sana ako nang mapansin kong may umilaw sa may puno. Nkaita ko ang isang board na hugis arrow na may christmas lights sa gilid na nakasulat ang This Way Jaja..

Sinunod ko kung san patungo ‘yung arrow, alam ko naman na sila lang may pakana ‘nun eh kaya sumunod ako.

Paglakad ko ng konti may nakita ulit akong gano‘n.

Naka-limang gano‘n ang dinaanan ko nang sumalubong sa‘kin ang mga kaibigan ko except kay KG.

Nilagyan nila ako ng blindfold at sinabing magpatuloy lang ako sa paglalakad at aalalayan nila ko. At kahit nagtataka, sumunod pa din ako.

Sa paglalakad ko, naramadaman kong papaakyat ang dinadaanan namin, so I guess papunta kami sa taas ng isang talampas na alam ko. Madalas kasi ako do‘n tumamabay nung napadpad ako dito dahil madalas gusto kong mapag-isa.

Bumalik lang ako sa kasalukuyan nang tumigil kami sa paglalakad.

“Bakit ta---“

“Shhh..“

Napatigil na rin ako sa pagsasalita kasi naramdaman kong wala na sila sa tabi ko , rather, wala nakong kasama.

Biglang may naramdaman akong tao sa likuran ko. At ‘di ako nagkamali dahil siya ang nagtanggal ng blindfold ko.

Balak ko sanang harapin ang taong ‘yon pero namangha na ako sa nakita ko.

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon