Chapter 34: New student and Sir

117 7 0
                                    

~KG's POV~

"Nini oh, say ahh.."

Ngumanga naman siya kaya't isinubo ko sa kanya ang fries.

"Ay eto Nono try mo. Masarap 'to.. Ahhh..."

Ngumanga ako at saka niya isinubo ang Cheese cake.

"Hmm sarap nga Nini. "

"Ako nag-bake niyan ^_____^ 'Yan 'yung pinagkaabalahan ko kanina habang busy ka sa pag-aayos ng mga halaman ko Haha."-sabay pisil sa ilong ko.

"Really? Wow. Ang galing galing talaga ng Nini ko oh."-sabay pisil sa magkabila niyang pisngi.

"*Ehem* Nagkaka-langgam na po dito sa canteen. Baka naman? Haha."-sabi ni Janna.

"Inggit ka? Tawagin mo kasi si Aaron Haha. Tignan mo nga 'yang sila Annika eh easy easy lang Haha!"-natatawa kong sabi. Ngumiti lang 'yung dalawa.

Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Janna.

"*pout* Kahapon pa nga siya 'di nagpaparamdam eh. Hindi siya pumasok at hindi din siya nagtetext. "

Sobrang malungkot ng mukha niya.

Nagkatinginan kami sa mata ni Nini. [malamang alangan namang sa bibig d--,b✌]

Mayroon kasi kaming alam pero 'di namin sasabihin Haha!

"Hayaan mo muna Janna. Baka may mahalagang importanteng bagay lang na inaasikaso."-sabi ni Nini na may mapang-asar na ngiti.

"Mahalaga na , importante pa? Ayos 'yun! Tss."

"Bahala ka. Ayaw mo maniwala eh. Malay mo sa isang araw andito na 'yun Haha!"-pang-aasar pa ni Nini.

Loko talaga 'to. Lalo tuloy sumimangot 'yung mukha ni Janna Haha.

Bukas kasi ang Anniversary nila eh tapos sinabi ni Nini na baka sa isang araw pa dumatingsi Aaron? Hahaha.

Natatawa tuloy ako pero 'di ko pinapahalata. Ang hirap pala magpigil ng tawa Haha. Para kang matatae na ewan eh XD

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang marinig namin ang pinag-uusapan ng mga babae sa kabilang table.

Oy hindi kami mga tsismoso! Sadyang malakas lang talaga sila magsalit.

"Uyy! Nakita niyo na ba 'yung bagong estudyanteng pogi??"

"Ayy oo! Pati 'yung bwgong lecturer?? Ampogi din Hihi!"

Ano bang mga tao ngayon, kung kailang malapit na mag-3rd grading saka nagsisipag-lipat.

"Sino na naman kaya 'yung mga pinag-uusapan nila?"-tanong ko kay Nini.

"Malay ko ba sa kanila. Basta para sa'kin ikaw lang pinaka-gwapo sa lahat." Saka niya ko bhinalikan ng mabilis Haha.

"Eeww!"-sabay-sabay na sabi ng tropa.

Mga epal! Inggit kasi Haha.
*******

Pumasok na kami sa unang subject namin sa hapon.

Wala normal day lang. Nakauwi na kami ni Nini ng sabay.

'Dun pa nga ako nag-dinner sa kanila eh. Wala naman kasi lagi si Mommy at laging sobrang late na umuwi dahil sa trabaho sa office.

Lumipas ang oras hanggang dumating na din si Mommy.

Hinihintay ko kasi siya lagi sa labas ng subdivision eh. May kotse naman siya pero gusto ko lang masigurong safe siya.

Nakahiga na ako ngayon.

Kinakabahan ako para bukas kahit wala namang exam? Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero itutulog ko na lang siguro.

*********

ACCOUNTS:

FB:
⇨ nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon