Chapter 29: Siya si Gino?

128 6 0
                                    

CHAPTER 29 ♥

~Jaja's POV~

7:30am na at wala pa ding dumadating na KG. Diba hatid-sundo na niya 'ko? Ba't ngayon wala?

'Malamang AJ! Andon siya kay Lex! Tss!'

Kaya nagpahatid na lang ako sa driver namin.

Mga nagkakaguluhang estudyante ang naabutan ko pagkapasok ko pa lang ng gate.

Mayroon silang tintignan sa bulletin board.

Hindi ko na sana balak tignan iyon dahil wala naman akong pakialam doon at may sarili akong problema.

Pero lumapit sa akin ang isa kong kaklase galing sa mga nagkukumpulang estudyante.

"AJ, Halika tignan mo 'yung andoon."-seryosong sabi sa akin ni Ran sabay hila sa akin papunta sa bulletin board.

Nagsihawian naman sila.

Dahil na rin sa pagtataka ay tinignan ko na iyon.

Limang segundo.

Sa loob ng limang segundo lang ay agad na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko dahil sa nakita kong nakapaskil sa bulletin board.

Mga pictures ni KG at Lex na naghahalikan sa kotse.

Tumakbo ako agad pabalik sa parking lot na nagbabakasakaling andoon pa ang driver namin.

Ngunit nabigo ako kaya't naglakad na lang ako papunta sa malapit na park.

Pero habang naglalakad ako ay napahinto ako sa may tulay at sumilip don.

Nakahawak lang ako sa railings ng tulay habang umiiyak.

Wala namang ibang nadaan doon kundi puro sasakyan na madalang lang din.

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang nakayuko.

Biglang may nag-abot ng panyo sa'kin kaya lalo akong naiyak.

Naalala ko kasi si Non--KG pala, nung panahong nakita niya akong umiiyak sa bench sa labas ng school.

Pero baka si KG nga siya.

Agad kong nilingon ang nag-aabot ng panyo. Pero nadismaya lang ako nang malamang hindi siya ang taong 'yon.

"Kunin mo na, malinis 'yan."

Pero imbes na kuhanin ko 'yon ay niyakap ko siya at lalo akong naiyak.

"Gino! Huhu. Bakit ansakit?"-umiiyak na sabi ko kay Gino Bryle.

Oo, si Gino Bryle. 'Yung kambal ni KG.

Niyakap niya din ako pabalik. "Okay lang 'yan AJ."

Sumakay kami sa kotse niya at dinala niya ako sa isang hardin.

Isang malawak at napakagandang hardin.

Umupo kami sa isang bench.

Walang masyadong tao rito.

Napaka-tahimik at malakas ang hangin.

Nakakagaan sa pakiramdam.

"Ano bang problema? Pwede mong i-share sa'kin."

"K-kasi .. " naiiyak na naman ako. "S-si KG at si Lex.."

At ikinwento ko sa kanya lahat mula pa sa narinig ko sa garden ng school kahapon hanggang sa nakita ko sa Bulletin Board.

"Nakapag-usap na ba kayo?"-tanong niya.

Yumuko ako. "'Yon na nga eh. Hindi pa siya nagpapakita sa'kin simula kahapon. Hindi na siya pumasok sa panghapon na subject. Tapos kanina, hindi niya din ako sinundo samantalang simula manligaw siya, hatid-sundo na niya ko."-yumuko ako ulit.

"Hayaan mo, maaayos niyo din 'yan."Tumikhim muna siya at bumuntong-hininga na parang sinsabi niya sa sarili niyang 'GO KAYA MO 'YAN' bago siya magsalitang muli. "Alam mo ba may naalala ako kanina nung yakapin mo akp bigla."

"H-ha?"

Nakatingin lamg siya sa malayo na parang may inaalala.

"Isang batang babae. 10 years old pa lang ako no'n nung makilala ko siya." Tumingin siya sa'kin. "Isang batang babae sa pier noon na bigla akong niyakap habang umiiyak."

Nagulata ako sa sinabi niya.

Posible kayang, siya si Gino?

********
ACCOUNTS:

FB:
⇨ nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon