~KG's POV~
Agad na nailipit sa isang private room si Jaja.
Pero sabi ng Doctor ay baka abutin pa ng isang araw bago siya magising dahil na rin daw siguro sa pinaghalong sakit ng katawan at stress.
"Sige na hijo, umuwi ka na muna at magpalit ng damit. Magpahinga ka na din muna dahil alam kong pagod ka rin. Kami na munang bahala kay Jaja."-sabi ni Daddy Phil.
"Hindi po. Ayos lang po ako. Baka po kasi magising si Jaja. Gusto ko po andito ako 'pag nagising siya."-pagtanggi ko.
"Hijo, sa tingin mo ba gustong makita ni Jaja na pagod ka at puro dugo sa damit kapag nagising siya?"
Umiling ako."P-pero maliligo lang po ako tapos d-dito na lang po ako magpapahinga."-pangungulit ko.
He sighes. "Okay,okay. Dito ka na magpahinga. Pero.. magpapahatid-sundo ka na lang sa driver namin dahil baka hindi ka na makapg-drive sa pagod mo. Saka nasa school pa ang kotse mo."
"Sige po Dad."
Nagmadali akong mag-ayos pagkauwi ko sa bahay.
Nagdala na din ako ng mga extrang damit at mga prutas para kapag nagising si Jaja.
Natawagan ko na din si Mommy para ipabalita ang nangyari at baka hindi ako makauwi mamaya. Siyempre nag-alala siya para kay Jaja at sa akin pero hindi din naman daw siya makakadalaw dahil as usual, busy siya.
********
Nakarating agad ako sa hospital.
"Oh,hijo? Ambilis mo naman ata?"-agad na tanong sa akin ni Mommy.
Halos wala pa kasing isang oras mula nung umalis ako.
"Eh baka po kasi magising na si Nini eh."
"Ikaw talaga hijo. Kaya gustong-gusto kita para sa anak ko eh."
"Salamat po. Sana nga po magising na siya eh."
"Oo nga hijo eh. Magpahinga ka muna. Doon ka na matulog sa isang bed."
"Sige po."
Pinasadya kasi nila na may dalawang kama sa private room ni Jaja.
Humiga na ako doon at agad na nakatulog.
~Bryle's POV~
Nabalitaan ko agad ang nangyari kay Jaja ngayong tanghali pagkapasok ko.
Tinanghali na kasi ako nakapasok eh.
Agad akong pumunta sa hospital. Mabhuti na lamang at tulog si Kirby nang dumating ako dahil malamang nasapok na ako non ulit -_____-
"Sino ka? Kaibigan ka ba ng anak ko?"-hindi naman mataray ang pagkakasabi na 'yon ng Mommy ni Jaja.
"Ah opo. Ako nga po pala si Gino."-sabay lahad ng kamay ko.
Inabot naman niya iyon.
"Pwede ho bang sa labas tayo para makapagpakilala po akong ng ayos."
Kahit na nagtataka ay sumunod naman sila.
Hindi ko gustong magsinungaling pero kung mapapasa akin din naman si Jaja ay ayos lang. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.
"Ako po si Gino Bryle Cervantez, kapatid po ako ni Kirby."
Medyo nagulat sila and at the same ay nagtaka. "Kapatid mo? Eh bakit hindi kayo magkapareho ng apelyido?"
"Family problem po eh."
"Ah I see."
"Saka gusto ko din po ipakilala ang sarili ko bilang long-lost best friend ni Jaja."
Panandalian siyang nag-isip. "Ahh.. Ikaw si Gino?" Natutuwa niyang sabi. Nakangiti lang naman ang Daddy ni Jaja. "Iyong bata sa barko?"
"Opo ako nga po."
"Salamat naman at nagkita na kayo ulit ni Jaja."
"Oo nga po eh. Kailan lang rin po. Pero may ipapakiusap po sana ako."
"Ano iyon hijo?"
"'Wag niyo po sanang ipapaalam kay Kirby ang pagdalaw ko at lalo na po ang tungkol sa amin ni Jaja."
"Bakit naman hijo?"
"Dahil sigurado po akong ilalayo niya kay Jaja dahil galit po siya sa akin. Sana po maintindihan niyo."
"Sige hijo naiintindihan ka namin."
"Maraming salamat po. Mauuna na rin ho ako dahil may klase pa po ako at mga dapat asikasuhin."
"O sige hijo mag-iingat ka. Sasabihin ko na lang ng pasikreto kay Jaja ang pagdalaw mo."
"Sige po." Tumalikod na ako at saka ngumiti ng tagumpay.
Now, our plan is working *grin*
*******~KG's POV~
Nagising ako ng bandang alas-singko ng hapon.
Tinignan ko agad si Jaja.
Hindi pa din siya nagigising ╯︿╰
Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuwn sa gilid ng kama niya.
Hinawakan ko siya sa kamay kasabay ng pagpatak ng isang luha na agad ko ding pinunasan.
"Nini, gising ka na. Sobra na akong nag-aalala sa'yo eh."
Narinig kong bumukas ang pinto kaya napalingon ako.
"Oh gising ka na pala hijo. Halika at kumain ka muna dito."
"S-sige po salamat po."
Kumakain ako nang hindi naaalis ang tingin kay Jaja.
Maya-maya ay nakita ko siyang unti-unting gumagalaw.
Napatayo ako bigla. "Gising na siya."
Agad naman nagpunta ang parents niya palapit sa kanya. Pero ako ang pinaka-malapit.
Humawak siya sa ulo niya na parang nasasaktan.
"B-bakit Jaja? A-anong masakit?"
"Nasaan ako?"
O________O
Napatingin ako kila Mommy na pareho ng reaksyon ng sa akin.
"W-wag mo sabihing may Amnesia ka?"
"S-sino ka?"
O________O
"Ha???"
*************
ACCOUNTS:FB:
⇨ nica.camatoyFB GROUP:
⇨ Kookie's StoriesTwitter:
⇨ @CutiliciousNica~nicakookie_

BINABASA MO ANG
My First love is My First Best Friend [COMPLETED] {EDITING}
Novela JuvenilStory of two person who once met in an unexpected time and place and lost each other with an unexpected tragedy. Will they find each other again? Or there are people who will block their way? Jaja and Gino , started to be best of friends in just a d...