Chapter 28: Kiss.

125 7 0
                                    

~KG's POV~

Dumiretso ako sa parking lot.

Pasakay na sana ako sa driver's seat kotse ko nang biglang sumakay si Sandra sa kabilang pinto.

Sumilip ako sa kanya. "Lumabas ka d'yan!"-mahinahon ngunit madiin ang pagkakasabi ko.

"A-yo-ko! AYOKO! Sumakay ka na lang! Gusto kong makipag-usap sa'yo!"

Sumakay na ako sa kotse dahil nakakangalay yumuko. "Wala na tayong dapat pag-usapan Sandra! Kaya lumabas ka na!"-tugon ko nang hindi lumilingon sa kanya.

Nagulat na lang ako nang bigla siyang umupo sa lap ko at hinalikan ako sa labi. Hinawakan niya pa ang ulo ko para hindi ako makapiglas kaya't hinawakan ko din ang ulo niya para itulak pero hindi ko mailayo man lang.

Kaya hinawakan ko siya nang madiin sa magkabilang braso kaya't natigil ang paghalik niya sa'kin dahil pinipilit na niyang alisin ang mga kamay ko.

"A-aray ko Yam! M-masakit! N-nasasaktan ako ano ba!"

Tinignan ko siya ng masama at saka siya inalis sa pagkakaupo sa lap ko. "Umalis ka na dahil baka hindi ako makapagpigil at masaktan pa kita ng todo!"-mahinahon kong sabi kahit na gigil na gigil na ako at gusto ko na siyang sapakin.

Dahil siguro sa takot ay lumabas na siya ng sasakyan kahit na hindi niya alam kung gaano nang kagulo ang lipstick niya.

Kumuha ako ng tissue at pinunasang mabuti ang mukha ko.

Nandidiri ako sa kanya.

Alam kong wild na talaga siya mula pa noon kahit na 13 years old pa lang nung maging kami.

Muntik na nga kaming makagawa ng milagro nang dahil sa kanya eh.

Dumiretso ako sa bahag nila Nini para sana tanungin kung umuwi ba siya kanina. Pero wala pa daw.

Tinanong pa ko ni Manang kung nag-away daw ba kami. Nagpalusot na lang ako na baka umuwi siya dahil masakit ang ulo niya. At sinabi ko na lang din na hindi ko alam kasi nagroon ako ng emergency.

Pero kung wala siya don, siguro nasa school pa siya at hindi ko lang nakita.
******

Umuwi na lang ako at natulog.

Mamaya ko na lang pupuntahan si Nini 'pag uwian na.

**********
~Jaja's POV~

Pag-uwi ko ay nagkulong lang ako sa kwarto.

Sinabi ko na lang kay Manang na matutulog na ko kahit na ang totoo ay umiiyak lang naman ako ngayon.

Sound-proof naman ang kwarto kaya't hindi nila maririnig.

Bakit ganoon? Ang sakit-sakit.

Nakatulog na lang ako sa pag-iyak.

******
ACCOUNTS:

FB:
⇨ nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon