~Jaja's POV~
Kanina pa ako maya't mayang tumitingin sa phone ko pero wala pa ring text si Nono ko.
Kanina pa ako nagtext sa kanya at kanina pa kami nakauwi pero wala pa din siyang reply.
Gano'nba talaga siya ka-busy?
Ang akala ko ba nabuburyo na siya kanina?
Alas-sais na ng gabi at kaninang 2pm pa ako nagtext.
Sabi naman nila Aaron kasama da nila kaninang umaga para mag-basketball pero nagpaiwan daw sa court.
Hayyss. Nababahala ko na parang kinakabahan.
Sana walang nangyaring masama sa kanya.
"ARGHHH! Ano ba 'yan?! Napapraning na naman ako! Tsk!"
*BEEP BEEP*
1 new MMS.
O________O
A-ANO TO???
Nagulat ako sa sinend na picture sa akin ng isang unknown number. Ayy, known number na pala siya kase alam ko na siya na naman 'yung tumawag sa akin.
Picture naming dalawa ni Alexandra-- ang EX-BESTFRIEND KO, nung first year pa kami.
"I-ibig sabihin...."- napatakip ako ng bibig.
Si Alexandra 'yung nagtetext sa akin at nananakot?
Pero bakit kilala niya si Nono?
At sinabi niya pang kukunin niya ulit si Nono sa akin?.
Naging sila ba ?
~KG's POV-
"A-Alexandra??"
"Bro! Tara na!"-sigaw ni Aaron mula sa kotse pero sumenyas lang ako sa kanila na mauna na sila.
Nang makaalis na sila Aaron ay agad kong nilapitan si Sandra. 'Yon ang tawag ko sa kanya noon.
Umayos naman siya ng tindig mula sa pagkakatago sa puno.
Pumunta kami sa malapit na starbucks para makapag-usap.
Um-order siya ng pagkain naming dalawa.
Nang mai-serve iyon, agad akong nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito Sandra?"-malamig kong tugon.
"Wow! Ang sarap talaga pakinggan sa t'wing tinatawag mo ang nick-name ko--na ikaw lang ang tumatawag sa'kin!" Tinignan ko lang siya nang masama. Lumipat siya sa tabi ko. "Easy! Andito ko para makita ka. Namiss kita eh! Ikaw ba? Don't you miss me?"
Yayakapin niya sana ako pero umiwas ako.
"Come on Kirby! I know you still love me just like as I do! 'Wag ka ngang magpakipot!"-Ang arte pa rin talaga niya magsalita. Nakakabwisit!
"Hind kita minahal alam mo 'yan!"
Bahagya siyang nagulat pero agad ding nakabawi.
She smirked. "Ha-ha! You're still so funny Yam. I know you loved me and you still do. 'Wag ka mag-alala, wala pa naman akong gagawin sa ngayon. Baka sooner or later. And 'wag kang ma-excite na magbalikan tayo. I-break mo na 'yang girlfriend mo para maging tayo na ulit." Tumayo na siya. "Mauuna na pala ko. May kailangan pa 'kong gawin eh. Pa-take out mo na lang 'yang food at ibigay mo sa girlfriend mo! Paborito niya 'yan! Bye."
Hindi na ko nakapagsalita at umalis na agad siya.
'Sh*t ka Sandra! Ano bang binabalak mo?
***********~nicakookie_
![](https://img.wattpad.com/cover/16977116-288-k861436.jpg)
BINABASA MO ANG
My First love is My First Best Friend [COMPLETED] {EDITING}
Teen FictionStory of two person who once met in an unexpected time and place and lost each other with an unexpected tragedy. Will they find each other again? Or there are people who will block their way? Jaja and Gino , started to be best of friends in just a d...