Chapter 30: Their Plan

137 7 0
                                    

~Jaja's POV~

Nagulat ako sa sinabi niya.

"I-ikaw ... i-ikaw ba 'yon?"

Biglang naging clueless ang mukha niya. "Ha? Anong ako? Ang alin?"

"I-ikaw .. 'yung bata sa pier... I-ikaw si Gino??!"

Biglang naliwanag ang mukha niya. "I-ibig sabihin .. Ikaw si Jaja?"

Niyakap ko siya at muli akong naiyak.

"Buhay ka Gino! Buhay ka nga!"

~Bryle's POV~
(Yiieehh! First time d--,b)

"Buhay ka Gino! Buhay ka nga!"

I slightly grinned.

Mukhang naniwala siya agad.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa'kin.

Pinunasan ko ang luha niya na nagkalat na sa mukha niya.

Pero kahit na ganoon, maganda pa din siya.

"Alam mo sa tingin ko itinadhana talagang magkita tayo."- I said.

"Bakit naman?"

"Hindi mo ba ko natatandaan?

"Ha? Siyempre naaalala kita."

Natatandaan niya ko?

"Malamang, nakilala ko ngang ikaw si Gino eh kaya malamang naaalala kita. Ano be yen? Haha."

-_______-"

Napa-face palm na lang ako.

"Hindi naman kase 'yon ang ibig kong sabihin eh -______-"

"Ah? Eh ano ba?"

"'Yung sa street foods."

"Ha? Anong sa street foods?"

"'Yung isang libo."

Malapit na akong matawa sa napaka-clueless niyang mukha.

"Kanina sabi mo 'yung sa street foods. Tapos ngayon 'yung sa isang---" Napatigil siya. Siguro nagets na niya. "Ahhhh! Ikaw 'yung lalaking kumain ng bente pesos na fishball tapos nagbabayad ng isang libo? Hahahaha!"-humagalpak na siya ng tawa.

Sabi na nga ba eh. Nung time pa lang na 'yon tinawanan na niya ko eh pero siya na nagbayad. Wala naman kasi akong barya -_____-

Pahina na ng pahina ang tawa niya--ay mali-- paghagalpak pala -____-

"Are you done?"- I asked her with my poker face.

She still giggles. "Haha. Sorry haha natatawa kasi talaga ko Haha. Lalo na ngayong naalala ko 'yon Haha!"

"Okay lang. At least napatawa kita."

Honestly speaking, hindi ko naman talaga gustong lokohin si Aena eh. Nagkataon lang na may isang taong kasama kong gumawa nito para makuha ang gusto namin pareho. Ako--si Aena. At siya naman---si Kirby.

Nagkataon naman na alam ko ang past ni Kirby at alam naman ng babaeng 'yon ang past ni Aena. Kaya't ito ang plano namin--which is ang magpanggap ako bilang si Kirby na nakilala ni Aena noon.

"Thank you Gino ah? Tama lang pala na Gino ang tawag ko sa'yo. Haha!"

"Oo nga eh. Oo nga pala, paano ka nakaligtas?"

"Hmm sa totoo lang hindi ko masyadong maalala. Basta ang alam ko, nakuha ako nila Mama Jeng sa dalampasigan."

"Ahh. Taga saan naman sila?"

"Nung nakuha nila ko, sa Cavite sila no'n pero ngayon nasa Baguio na sila. Ikaw? "

"A-ah . Nakasama ako sa mga survivors nun. Nakuha ako ng isa sa mga lifeguards. Akala ko noon 'di na kita makikita, kasi may nakita silang bangkay ng isang batang babae at akala siguro nila ikaw 'yon dahil sa features nito."

Kung bakit ko alam 'yon? Simply because I go with Mommy and Kirby nung pumunta sila sa mga narecover na bangkay ng lumubog na barko.

Speaking of my Mom.

Sa totoo lang hindi naman ako ganoon kasama para talikuran ang sarili kong ina nang walang dahilan.

Bata pa ako no'n at madaling mauto kahit na napaka-matured ko na mag-isip kahit 10 years old pa lang ako.

God knows how I really love my Mom. I really misses her so much.

I want to visit her pero hindi pwede dahil paniguradong itataboy lang ako ni Kirby and maybe pati na rin ni Mommy.

Kasalanan ko naman eh.

"Hui Gino!"

Nagulat naman ako sa pagtawag ni Jaja.

"Kaya mo ba ko dinala dito para makapag-unwind ako o para may kasama ka mag-isip? Haha."

Natawa ako. "Haha. Hindi naman. May bigla lang akong naisip."

"Ano naman naisip mo?"

"Kung paano ko tutuparin 'yung pangako natin sa isa't isa noon sa barko."

Biglang nawala ang ngiti niya at saka napaiwas ng tingin.

Alam ko rin ang tungkol sa pangako nila dahil minsan na 'yon nabanggit ni Kirby kay Mommy noong nagdadalamhati pa siya sa pag-aakala ngang patay na si Jaja.

"A-ahh. Siguro dapat na tayong bumalik sa school p-para ano .. para makahabol pa tayo sa mga klase natin. M-medyo maaga pa naman."

Nauna na siyang tumayo at naglakad. Lumingon siya ulitbat bumalik saka hinawakan ang kamay ko para hilahin papunta sa kotse ko.

Sana ako na lang.

Alam kong umiiwas siya sa promise kuno na 'yon dahil mahal niya si Kirby. Hindi niya alam, natupad na pala niya yung pangako niya sa tunay na Gino na si Kirby.

********
ACCOUNTS:

FB:
⇨ nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon