Chapter 27: Garden.

103 8 0
                                    

~Jaja's POV~

Nagising ako dahil sa isang sigaw na narinig ko mula sa bukana ng garden na to.

Bumangon ako at bumaba na mula sa punong pinagtulugan ko.

Habang papalapit ako sa isa sa dalawang labasan ng garden, unti-unti kong naririnig ang mga nag-uusap.

Nakakita ako ng bulto ng dalawang tao.

O_________O

Nagulat ako nang malaman kung sino ang mga iyon.

Sina Nono at Lex!

Nagtago ako sa isa sa mga puno na malapit para rinig ko pa din.

Nakita kong paalis na sana si Nono nang hawakan siya ni Lex sa braso.

Nangingilid na ang luha ni Lex nang magsalita siya."Hindi totoong hindi mo ko minahal diba?" Hindi sumagot si Nono at tinignan lang sya. "Sagutin mo please! Alam kong minahal mo ako at mahal mo pa rin ako diba?"

Hindi ko alam kung bakit ginusto ko pa din pakinggan ang isasagot ni Nono kahit na alam ko naman kung anong isasagot nya.

Pero nagulat ako nang marinig ang isinagot niya.

"OO!"

Para akong nanigas sa aking kinatatayuan at narinig ko pa ang sunod niyang sinabi matapos ang sandaliang paghinto na siyang lalong nagpadurog sa puso ko.

"Oo minahal kita .. at"

Alam ko na kung anong sunod niyang sasabihin kaya tumakbo na ko palabas sa kabilang labasan ng garden nang hindi nila napapansin.

Tumakbo ako papuntang classroom kahit na alam kong late na ako.

Kung bumalik man si KG dito sa room, magpapatay malisya na lang ako hanggang sa siya na ang kusang magsabi.

Even though It hurts, I will accept it.

Alam kong masyado pang maaga para sabihin 'to pero mahal na mahal ko na siya na parang matagal ko na siyang nakilala at minamahal.

Pagdating ko sa room ay napagalitan pa ako ng lecturer.

Hanggang mag-uwian ay hindi ko nakita si Nono dahil hindi na siya pumasok pa.

Nagtanong ako sa isa sa mga claasmates ko. "Jessel, ahm, nakita mo ba si KG?"

"Ah sorry AJ hindi eh .." kinalabit niya 'yung isa niyang kaibigan. "Chu Ann, nakita mo ba si Kirby?"

Bigla na lang sumingit si Analyn, "Si Kirby ba kamo? Hinahanap ka niya kanina nung tumakbo ka paalis ng canteen dahil dun sa babaeng maarte eh. Tapos after an hour nakita ko ulit siya sa may garden kausap 'yung babaeng maarte."- natawa naman ako ng konti sa tawag niya kay Lex.

Pero nalungkot muli nang maalala ko 'yung pinag-usapan nila sa garden.

"Eh after nun?"-tanong ko.

"Ahm . Nag-uusap sila nun eh tapos umalis si Kirby pero sinundan sya ni maarte papunta silang parking lot."

"A-ah, o-okay. Sige salamat."-iyon na lang ang naisagot ko.

So ibig sabihin magkasama sila?

Nagkabalikan na ba sila agad?

Napakat*nga ko naman at nagtanong pa ko kung nasaan si KG, edi malamang talagang magkasama sila pagkatapos ng confession ni Nono sa kanya.

Nono.

May karapatan pa ba 'ko?

Sana man lang sinabi nya sakin na mahal pa niya si Lex, hindi 'yung ganito!

Bago pa tuluyang tumulo ang mga luha ko ay tumakbo na agad ako papuntang parking lot at buti andyan 'yung driver namin at malamang pati kotse, alangan namang 'yung driver lang edi pareho lang din kaming nagcommute? Tss.

Bwiset! Nakukuha ko pang magbiro habang umiiyak?
*****-

Pagkauwi ay dumiretso lang ako sa kwarto at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako.

******
ACCOUNTS:

FB:
⇨ nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

~nicakookie_

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon