Chapter 40: Rence

112 8 0
                                    

~KG's POV~

Nakatulog si Nini habang nakayakap sa akin.

Marahil ay dahil sa pagod at pag-iyak na din.

Sobrang dami niya na palang mahirap na pinagdaanan.

Sobrang sakit na ang naramdaman niya at alam kong hanggang ngayon ay ramdam niya pa din ang pasakit na iyon lalo pa't nagbabalik ang mga taong nakaugnay sa past niya.

Napaka-fragile niya na tipong hindi mo kakayanin kung masaktan pa siya muli.

Gusto kong angkinin lahat ng pasakit niya kung maaari lang.

Inihiga ko na siya nang maayos.

Sakto namang pumasok na sila Mommy.

"Nakatulog na pala siya ulit."

"Oo nga po eh." Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Mom, Dad, sorry po kung nasaktan ulit si Jaja. Sorry hindi ko po siya na protektahan."-tmungo ako.

Dad tapped me on my shoulder. "It's not your fault hijo. Alam kong ginagawa mo ang lahat para sa anak ko pero wala tayong laban sa kapalaran. Hindi mo ginusto ang nangyari."

Iniangat ko ang ulo ko.

"Saka alam kong poprotektahan mo pa din siya. Kung hindi mo man siya mailayo sa disgrasya, ilayo mo siya sa sakit na ibibigay sa kanya ng mga taong yon."-pagpapatungkol ni Mommy kina Alexandra.

"Opo. Gagawin ko po lahat 'wag lang siyang masaktan ng mga taong 'yon. Alam kong alam niyo po kung gaano ko kamahal si Jaja, kaya't kahit ano po gagawin ko 'wag lang siyang masaktan."-sinsero kong tugon.

"Maraming salamt hijo."-Dad.

Biglang pumasok ang nurse.

"Excuse po Ma'am, Sir , eto na po yung mga reseta ni Doc Marvin. Pwede na daw po siyang umuwi bukas."

"Ah sige Nurse salamat.

*****************
~KG's POV~

Lunes na ngayon at naghahanda ako sa pagpasok.

Nakalabas na rin ng hospital si Nini noong biyernes kagaya ng sinabi ng doktor.

Pero hindi na muna siya pinapasok ngayon para makapagpahinga ng ayos.

Natapos ako sa pag-aayos.

Sumakay na ako sa kotse ko at umalis papuntang school.

Sa paglalakad ko papuntang classroom, nakasalubong ko ang bagong estudyante na ang sa pagkakatanda ko sa ikinwento ni Jaja, siya si Rence.

Sinamaan ko siya ng tingin at nang magtapat kami ay hinawakan ko siya nang mahigpit sa braso.

Napatingin siya sa akin. Walang ekspresyon ang mukha niya.

"Mag-usap tayo."-seryoso kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mg mata niya.

************

Pumunta kami sa likod ng gym ng school. Walang ibang pumupunta dito. Kami pa lang ng tropa at eto ang hide-out namin.

"What do you need?"

Kinwelyuhan ko siya. Sobrang nanggigigil na ako.

"BAKIT KA NARITO? BAKIT KAYO NARITO NG TEACHER NA 'YON??!!"-sinigawan ko siya pero wala pa ring nagbabago sa ekspresyon ng mukha niya.

He smirked. "Wala kang pakialam."-malamig niyang tugon.

Sinapak ko siya ng isang malakas.

"UMALIS NA KAYO DITO! 'WAG NIYO NANG GULUHIN SI JAJA! TAHIMIK NA ANG BUHAY NIYA NGAYON AT UNTI-UNTI NA SIYANG NAKAKABANGON MULA SA GINAWA NIYO SA KANYA!!"

"WALA AKONG KASALANAN!"-sumigaw na din siya. "AT NANDITO AKO PARA BALIKAN SIYA----"-sinapak ko siya ulit.

"HINDI NAGING KAYO. AT BABALIKAN? " Kinwelyuhan ko siya ulit. "BAKIT? NASAAN KA NUNG KAILANGAN KA NIYA NUNG PANAHONG ITINATAKWIL SIYA NG LAHAT SA SCHOOL NIYO? HA? 'DI BA'T ISA KA SA MGA TAONG NANGHUSGA SA KANYA? HINDI BA'T INIWASAN MO SIYA SA HALIP NA TULUNGAN DAHIL GUSTO MO SIYA?"

Sinapak niya rin ako pero hindi kasing lakas ng sapak ko.

Tss. Mahina..

"OO! OO ISA AKO SA MGA NANGHUSGA SA KANYA? PERO AGAD KONG PINAGSISIHAN 'YON!"-sandali siya g tumigil para huminahon. "At ngayong nakita ko na siya, kununin ko siya sa'yo!"-sabi niya ng mata sa mata sabay alis.

"At hindi ko hahayaang mangyari 'yon!"-nasabi ko na lang sa kawalan dahil umalis na siya.

'Wag ko lang sanang makita ang teacher na 'yon dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya.

************
VOTE AND COMMENTS GUYS ^_____^

ACCOUNTS:

Facebook:
⇨ www.facebook.com/nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

THANKYOOOUUUUUUU ↖(^▽^)↗↖(^▽^)↗↖(^▽^)

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon