Chapter 39: Her Past.

112 10 2
                                    

~Jaja's POV~

Habang sinusubuan ako ni Nono ay napapatingin siya sa akin na parang may gusto siyang itanong.

Alam ko na gusto na niyang malaman ang tungkol sa past ko.

Siguro kailangan na rin niyang malaman.

Saka baka sakaling mabawasan din ang bigatna dinadala ko kapag na nailabas ko na 'to kahit sa isang tao lang.

"May gusto kabang sabihin Nono?"

Tumingin siya kila Mommy.

"Ah, hija. Lalabas na muna kami.Mukhang may kailangan kayong pag-usapan."

"S-sige po Mom."

Tumingin na sa akin si Nono.

Tumikhim muna siya bago nagsalita.

"Nini, g-gusto ko lang malaman, bakit ka tumakbo?"

I sighed before I speak. "Because of those people."

"S-silang tatlo."

Tumango ako. "They are all part of my past."

*Flashback*

2nd year highschool.

"Lex, nakita mo ba 'yung transferee sa kabila? Ampogi di'ba? Hihi!"-sabi ko kay Alexandra sabay hagikgik kahit may teacher sa unahan.

"Oo nga eyy, akin siya no, hihihi!"-sagot naman niya nang may maarteng accent na likas na sa kanya dahil laking America.

"Hala! Ako kaya unang nakakita sa kanya!"-protesta ko naman.

"O sige ganito na lang. Share na lang tayo because we're..."

Pinag-cross namin ang dalawa naming kamay paharap sabay sabing.."Best friends Forever!"

"*EHEM!*"

Sabay kaming napatingin sa harapan.

Uh-oh! Andyan pa nga pala ang Sir naming 21 years old pa lang.

"Excuse me? Can't you see na naglelesson pa ako?"-mahinahong sabi ni Sir.

"Mag-sorry ka eyy! Malakas ka naman sa kanya eh crush ka ata hihi!"Bulong sakin ni Lex. Umiiling naman ako. "Dali na!"

Napaharap na ako kay sir. Wala eh! Para makalusot na.

"A-ah.. Sir s-sorry po. Kasalanan ko. D-di na po mauulit. Hehe."-nahihiya kong sabi.

At 'yon nakalusot kami pareho.

Pansin ko nga na kakaiba ang pinapakita sa akin ni Sir.

Lumipas ang ilang linggo na naging close namin 'yung lalaking pinag-uusapan namin nun sa klase.

Si Rence.

Sa katunayan ay gusto niyang manligaw ngunit hindi ako pumayag dahil gusto sya ng bestfriend kong si Lex. Kaya lang makulit siya eh. Kaya ayon lumalapit pa din kaya naman pansin ko din ang panlalamig ng bestfriend ko sakin.

Tapos 'yung teacher naman namin, isang linggo na rin akong napunta sa bahay nila dahil gumagawa kami ng mga art works na iniatas sa amin ng Principal. Ako kasi ang laging ipinanlalaban pagdating sa arts.

Parati nga rin akong inaasar nila Lex pero siyempre wala naman 'yon. Teacher namin siya at mas matanda siya sa'kin. Parang kuya nga lang ang turing ko sa kanya eh dahil namimiss ko na rin ang kuya kong nasa states.

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon