♥ EPILOGUE ♥

349 10 0
                                    

~Jaja's POV~

"AJ, sama tayo sa College Night sa Saturday ah?"-sabi ni Annika.

Medyo fluent na din siya magtagalog.

"Ay nako, ayoko. Wala rin naman akong date d'yan."

"'Yan naman lagi mong dahilan taon-taon eh. Saka malay mo doon ka na magkaroon ng date 'di ba?"-pangungulit ni Janna.

Sila pa din ni Aaron.

Edi sila na may Forever.

Haayyy. Naaalala ko na naman siya.

Mag-ta-tatlong taon na din pala bukas mula nung mawala siya.

Pero kung tatanungin niyo kung ayos na ba ako, ayos na din naman. Pero siyempre masakit pa din para sa akin ang mawalan ng taong minamahal.

"Hoy babae! Nagsesenti ka na naman d'yan!"

"Hindi ah! May kino-compute lang ako."-pagdadahilan ko.

"Tara na nga't magsipasok na tayo."

**************

K I N A B U K A S A N

"Hello Nono. Kamusta ka na?"-pauna kong bati at saka umupo sa tabi niya.

Wala kaming pasok ngayon at andito ako ngayon sa sementeryo para dalawin siya.

"Alam mo hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwalang wala ka na kahit tatlong taon na ang nakalipas. Bakit ka naman nauna?"-pumatak ang isa kong luha. "Bakit mo naman ako iniwan? Saglit pa nga lang tayo nagkakasama iniwan mo na 'ko agad."-pinahid ko ang luha ko at saka ngumiti. "Hehe. Sensya na ah? Paulit-ulit na lang sinasabi ko sa t'wing dumadalaw ako dito. Oo nga pala, alam mo bang naka -uno ako sa lahat ng subject ko last sem? At itutuloy-tuloy ko na 'yon para maging Magna Cum Laude ako next year pag-graduate. Hehe. Pasensya na, mayabang talaga ko eh pero madami namang ipagmamalaki at alam mo 'yan Haha. Haaayyyy. Sana masaya ka na kung nasaan ka man. At pangako, magiging masaya na din ako dahil alam kong iyon ang gusto mo." Tumayo na ako at nagpagpag ng pants ko. "Oh pa'no? Aalis na ako ah? Tandaan mo parati na mahal na mahal kita."

*************
Sabado.
Pumunta ako sa College Night dahil ipinangako kong magiging masaya na ako. Saka hindi rin kasi ako makatakas sa pangungulit ng mga kaibigan ko eh. Kung noong nakaraang dalawang college Night hindi nila ko nakumbinsing sumama, ngayon eh talagang todo bigay sila sa pangungulit.

Masquerade ang theme ng College Night ngayon at tanging ang banda lang ang hindi naka-maskara dahil magrereklamo ang lahat lalo na ako kapag pinatakpan nila ang mukha ng favorite kong local Band na Spongecola. Haha.

Sabay-sabay kami nila Annika at Janna na pumunta sa party dahil sila ang nag-ayos sa akin.

Nasa kalagitnaan na ng party.

"Guys. May isa tayong guest na gustong kantahan ang taong minamahal niya. Nice naman."-sabi ni Yael-ang vocalist ng banda at ang mga babae naman ay kinilig. "Tonight he will sing a song for his one and only Love. Okay. Here he goes."

Namatay ang lahat ng ilaw.

Nagsimula nang mag-strum ng gitara.

Everything Has Changed by Taylor Swift ft. Ed Sheeran

♪ All I knew .. is the morning when I walk is I know somehting now, know something now I didn't before .."

Bumukas ang isang spot light na nakatapat sa isang lalaking naka-American suit at naka-maskara na hawak ang mic habang nakayuko.

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon