Chapter 41: Sir James

98 8 0
                                    

~KG's POV~

Kagaya ng sinabi ko ay hindi ko nga nakasalubong ang guro.

Pero dahil lapitin siya ng malas at gusto niyang makatikim ng sapak ay nakita ko siya.

Last subject.

"Class, this is Mr. James Serna, your new Filipino teacher. Siya ang papalit kay Mr. Ocampo."

"Hello Class. You can call me Sir James." Ngumiti pa ito na akala mong anghel pero demonyo sa kalooban.

Naghagikgikan naman ang mga kaklase ko na parang kinikilig.

Mahaharot nga naman.

I'm sorry for the word but that's how I describe them.

Nagsimula agad siya magklase.

Natapos ang oras at lumalabas na ang mga classmates ko.

"Bro,'di ka pa uuwe?"-Aaron.

"Sige mauna na kayo, may kailangan lang akong gawin."-sagot ko.

"Sige Bro una na kami. Tara Jeric."

Ako na lang at ang guro na kasalukyang nag-aayos ng mga gamit niya ang andito sa loob ng classroom at mukang pati sa buong building.

"Hey, Mister? Hindi ka pa ba uuwi?"-tanong nito sa akin na napahinto pa sa pag-aayos ng mga gamit niya.

"No. May kailangan pa tayong pag-usapan."-matigas kong sabi.

Tumayo ako sa upuan ko at lumapit sa kanya.

Nagtataka siyang tumingin sa akin. "May katanungan ka ba about sa lesson??"

Gustong-gusto ko na siyang sapakin pero hindi ko magawa dahil kahit paano ay may galang pa din ako sa nakakataas sa akin. Nagkataon lang na emosyonal ako noong naaksidente si Jaja kaya ko nasigawan iyong matandang nakasagasa sa kanya.

"Why are you here?"-matigas kong sabi.

"Huh? I'm here to .. I'm here to be your new teacher? Ano bang klaseng tanong 'yan Mr....."

"Mauricio."

"Ah yeah, Mr. Mauricio. At saka ano bang gusto mong iparating, just say direct to the point."

"Bakit mo ginawa 'yon kay Jaja?"

"Jaja?"-'Di nga niya pala alam ang nickname ni Nini.

"Okay. Bakit mo 'yon ginawa kay Aena Janice Laurente???!"

O________O

Nanlaki ang mga mata niya at saka siya umiwas ng tingin dahil sa tanong ko. "W-wala akong a-alam sa s-sinasabi mo... H-hindi ko kila----"

"Hah! Hindi mo kilala? HINDI MO KILALA? ABA MATINDE!" Napasigaw na ako at batid kong nagulat siya doon. "PAGKATAPOS MO SIYANG SIRAAN NOON? PAGKATAPOS MONG SABIHIN NA SIYA ANG LUMALAPIT AT NAMIMILIT SA'YO NOON? TAPOS NGAYON BABALIK KA DITO? PARA ANO? PARA SAKTAN AT SIRAAN ULIT SIYA? HINDI PA BA KAYO NAKUNTENTO SA GINAWA NIYO SA KANYA??"

"N-NAGKATAON LANG NA ... N-NA D-DITO AKO LUMIPAT NG PAGTUTU----"

"HINDI AKO NANINIWALA! "

Sandaling natahimik.

Bumuntong-hininga siya at binasag ang namayaning katahimikan. "Okay. Totoong andito ako dahil dito talaga ako nailipat at hindi ko alam na andito siya. Nagulat nga ako dahil biglaan na lang akong pinalipat dito eh. At oo aaminin ko. Siniraan ko siya noon. Pero ... pero natakot lang akong mawalan ng trabaho. Natakot akong mawala ang reputas----"

"BAKIT? SA TINGIN MO BA HINDI SIYA NAWALAN NG REPUTASYON SA SCHOOL NA 'YON DAHIL SA SINABI MO AT GINAWA NIYO??!"

Konti na lang talaga ay masasapak ko na siya kaya pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.

"HAH!"-malakas kong buntong-hininga.

"Tell her that I-I'm sorry..."

"Sa kanya mo 'yan sabihin at hindi sa akin! Kung kinakailangan mong lumuhod sa kanya gawin mo wala akong pakialam!"

"Hihingi ako ng tawad sa kanya at pangako hindi na ako manggugulo pa."

"Dapat lang!"

Lumabas na ako.

Dumaan muna ako ng bake shop para bilihan si Nini ng paborito niyang chocolate cake.

Nakarating ako sa kanila.

Agad nawala ang badtrip ko nang siya ang nagbukas ng pinto habang nakangiti.

"Tada! Favorite mo oh!"

"WOW!"

Andito na kami ngayon kusina. Agad siyang kumuha ng isang platito at nilagyan ito ng cake.

"Bakit isa lang'yan? 'Di mo ko papakainin?"- nakanguso kong tanong.

"Syempre papakainin! Share tayo. Susubuan mo ko at susubuan din kita."-nakangiti niyang sabi habang nakatingin pa din sa ini-slice na cake.

"Hahayy Nini. Inlaaabbbb na inlaaaabbb ka talaga sa akin Haha!"

"Kinikilig ka na naman Non----" Isusubo na niya sa akin ang cake sa kutsara nang mapahinto siya at padabog niyang ibinaba ang kutsara. "Ano yan?????!!"

O______o

"Ang alin???"

"Ayang nasa mukha mo? Ba't ka may pasa?"

O____________O

PATAYYYY!

***********
HAHAHAHA! YARI KA KG d--,b
************
VOTE AND COMMENTS GUYS ^_____^

ACCOUNTS:

Facebook:
⇨ www.facebook.com/nica.camatoy

FB GROUP:
⇨ Kookie's Stories

Twitter:
⇨ @CutiliciousNica

THANKYOOOUUUUUUU ↖(^▽^)↗↖(^▽^)↗↖(^▽^)

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon