Chapter 11: His Brother.

229 13 1
                                    

-Aena's POV-

"Gino na lang."-tugon niya sabay lahad ng kamay.

Inabot ko naman iyon." Aena ^__^".

"Nice meeting you. Taga star section ka hindi ba?"- magalang nyang tanong.

"Ah oo. Saka 'wag ka nang masyadong pormal. Ayaw mo ngang pino-po kita tapos ang pormal mo naman makipag-usap sa'kin?"

"Hehehe. O-okay. Sorry. Nga pala 'san ka pupunta ngayon?"

"'Di ko din alam. 'Di ko makita friends ko eh. Busy ata kasi di ko din macontact."

"Ahh. Gusto mo sama ka na lang sa'kin sa canteen? Wala rin kasi akong kasama kumain eh. Don't worry , treat ko ^_^."

"A-ahh. Hindi na. Samahan na lang kita. Busog rin naman ako eh."

"Okay lang ba?"

"Oo naman. Friends na rin naman tayo, right?"

"Huh? S-sinong may sabi sa'yo?"

"Hala sya? Sorry. K-kala ko kasi----"

"'De. Biro lang hehehe."

"Loko. Hahaha."

At nagtungo na kami sa canteen.

Nagkwentuhan lang kami.

Kilala ko naman si Gino dahil sa pagiging Student Council president niya pero hindi ko siya kilala personally.

Pero kahit na ganoon, parang madali kaming naging close sa isa't isa gawa ng pagkekwentuhan namin.

Marami akong bagay na nalaman mula sa kanya at ganoon din siya sa akin. At nakakatuwa siyang kasama.

Andami niyang kwentong nakakatawang nangyari sa kanya.

Akala ko isa lang siyang seryosong tao base sa mga naririnig ko kaya ngayon labis akong nagulat nang siya mismo ang nag-approach na makipag-kaibigan sa akin na ikinagulat din ng mga kapwa ko estudyante dahil ngayon lang nila ito nakitang ganito.

"Huy!"

Nawala ako sa pag-iisip nang muli syang magsalita.

"'Di ka naman ata nakikinig eh :3"

"Nakikinig naman ako. May iniisip lang."-pagdadahilan ko.

"Ah. Pwede ko bang malaman kung ano 'yon?"-may pag-iingat niyang tanong.

"Nagtataka lang kasi ako sa'yo."

"Huh? Ba't ka naman nagtataka sa'kin?"- medyo naguguluhan niyang tanong.

"Ah kasi .. Balita ko .. Suplado ka daw at masyadong seryoso sa buhay,.. pero ngayon, ikaw pa ang nag-approach sa akin para makipagkaibigan eh. Hmm. Naka-drugs ka lang ba ngayon?"

Natahimik siya sandali sabay, "Hahahaha."-malakas niyang tawa kaya napakubot-noo ako.

"Ba't natawa ka?"

"Hahaha. Kase hahaha, hindi ako nagda-drugs no! Hahaha. Sadyang matagal na talaga kitang gustong maging kaibigan---"saka siya napatakip ng bibig.

Natahimik ako sandali bago muling nagtanong.

"I-ibig mong sabihin .. M-matagal mo na kong .. g-gustong m-maging kaibigan?"

Nag-blush siya?

Umiwas muna siya ng tingin at saka nagsalita."A-ah eh ... Oo eh. Hehehe. Pero masaya nako kasi kaibigan na kita ^_^"

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon