Chapter 50: LAST CHAPTER

221 8 2
                                        

~Jaja's POV~

"Wow. Ang gandang drama naman ng napapanood ko ngayon."

Napakalakas kami sa pagkakayakap nang magsalita ang isang babae habang napalakpak pa.

Sabay kaming napatayo ni Nono.

"L-Lex!"

"Oh Hi My EX-BESTFRIEND EYY!"

"Anong ginagawa mo dito Sandra?"-tanong ni Nono.

"Hindi niyo ba napansing kanina pa may sumusunod sa inyo? Sabagay, magaling naman talagang magtago 'yung taong inutusan ko. Hahaha!"-Tumawa pa siyang parang loka-loka at saka biglang sumeryoso. "Anyway, I heard alam niyo na na kayo 'yung mga bata sa barko na puro kakornihan. Alam niyo ang slow niyo pala. Antagal niyo nang magkakilala ngayon niyo lang nalaman? Why so stupid? Huh?"

"Ano bang kailangan mo?"-sigaw ko.

"Woah! Matapang ka na ngang talaga 'di katulad dati na ako pa ang palaging nagtatanggol sa'yo. Wala ka ngang utang na loob eh. Kasi sa kabila nang lahat ng nagawa ko para sa'yo, kinuha mo pa rin lahat ng para sa akin!"

"Wala akong kinukuha sa'yo! At kung si Nono-----"

"Wala akong pakialam sa kanya! Hindi ko naman talaga gusto 'yan eh! Gusto ko lang siyang kunin sa'yo dahil ayaw kitang maging masaya! Kaso mukhang hindi gumana ang plano ko eh! Napaka-b*bo kasi ng kakambal mo Kirby eh. Napaka-duwag kaya madaling sumuko kaya nabulilyaso. Tsk. Pero ayos lang, papatayin ko na lang siya bilang parusa."

"Hindi ko hahayaan gawin mo 'yon!! Ako lang naman may kasalanan sa'yo kung 'yan ang pagkakaalam mo! Kaya 'wag mo na silang idamay! "-sigaw ko.

"Well .. Ikaw naman talaga ang uunahin ko bago siya kaya 'wag kang excited."-saka niya inilabas ang isang revolver sa bag niya.

O______________O

Pareho kaming nagulat Nono.

"S-Sandra hindi magandang biro 'yan!"-Nono.

Itunutok niya ang baril sa akin. "Well, hindi ako nagbibiro!"

Niyakap ako ni Nono.

"L-Lex, h-hindi naman natin kailangang umabot sa ganito!"

"Wala ka nang magagawa dahil umabot na tayo sa ganito!"

"Princess!"-sigaw ni kuya na kadarating lang kasama si Bryle. Hindi niya pa kita si Lex mula sa direksyon niya dahil sa harang na pader.

Sinesenyasan ko siyang 'wag lumapit pero tuloy pa din siya sa paglakad hanggang sa batid kong kita na niya si Lex dahil halatang nagulat siya.

Nagkatinginan sila ni Lex habang nakatutok pa din sa amin ang baril.

"Andy? / Riri?"-sabay nilang sabi.

Magkakilala sila? Siya ba 'yung kinekwento ni Lex dati na naging kaibigan niya sa states?

"A-Anong nangyayari Andy? B-Bakit nakatutok 'yang baril sa kapatid ko?"

"R-Riri, 'wag kang lalapit! D'yan ka lang!"

"Alexandra itigil mo na 'yan!"-sabi naman ni Bryle habang unti-unting lumalapit kay Lex.

"Isa ka pa Bryle! 'Wag kang lalapit! Uunahin ko muna si Eyy bago kita patayin."

Biglang tumakbo si Bryle at nakipag-agawan ng baril kay Lex.

Niyakap lang ako ng mahigpit ni Nono.

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon