Chapter 20:

129 9 0
                                    

October 27, 2014.

~KG's POV~

Uy, isang tulog na lang First Monthsary na namin..

Eh kung matulog na kaya ko ulit kahit umaga pa lang. Para pagkagising ko 28 na Hahaha.

Okay Corny. Bye. -___-

NA-invite ko na pala si Nini sa date namin bukas.

Excited na nga ko e. Potek nahahawa na 'ko ng kabaklaan kay Aaron. Pwe. Hahaha.

Sana lang magustuhan niya ang ireregalo ko sa kanya. Bibigyan ko kayo ng clue,dalawa 'yung regalo ko sa kanya.

'Yung isa alam niyo na kung ano. Para may kapartner na 'yung binigay ko sa kanya noong nakaraan ~_^

Sabado ngayon. At wala akong magawa.

Hindi naman ako makapunta kila Nini KO kasi umalis sila. May meeting daw.

Haayyyss. Sana kinabukasan na agad.

'Di man maging perfect ang first Anniversary namin okay lang. Basta maging masaya lang si Nini masaya na 'ko.

Wala naman kasi talagang perpekto. Bagay man o tao.

Grabe wala talaga akong magawa. Nabuburyo na 'ko. Nadadaldal ko na tuloy kayo Haha.

*May Message ako My Nono Mwah!*

Napangiti tuloy ako sa message tone ko. Para lang sa number ni Nini ko. Kase pwede naman sa cp ko 'yon eh. 'Yung iba-iba 'yung ringtone ng mga contacts kung gusto mo.

Oo na andaldal ko na. Nagtext nga pala si Nini ko ^___^

From: ♥ My Nini ♥

Kamusta My Nono? For sure bored ka na dyan. Ako din eh :3 Ba't kasi isinama pa ko dito nila Mommy eh. Namimiss tuloy kita :( I love you.
******

Hindi na po ako nabuburyo Hahaha.

To: ♥My Nini ♥

I love you too. Namimis din kita. Buti nga nagtext ka eh. Nawala lahat ng pgkburyo ko Hahaha.
*******

From: ♥ My Nini ♥

Sayang. Sabi ni Mommy 'wag daw ako magtxt kase may ippaliwnag dw sila sakin. Later na lang kita itetext My Nono. I love you :* Kumpletuhin ang kain. 'Wag magpapasakit, may date pa tayo bukas. Mwah!
*********

To: ♥ My Nini ♥

Ganun ba? Sige I love you too. 'wag ka din magpapagutom. Ingat sa pag-uwi My Nini. Papakasalan pa kita ;) Mwah!
**********

Hindi na siya nagreply pagkatapos no'n.

Maya-maya lang ay tumunog na naman ang cellphone ko pero hindi na si Nini ko.

From: 0917*******

Hello My Nono? Eewww. That call sign sucks. It's so baduy you know? Hahaha. Mas maganda pa din ang tawag ko sa'yon Yam- as in YOU-ARE-MINE! HAHAHA.
Matapang na ngayon si AJ ah? Pero hindi pa rin siya uubra sa akin at mapapasakin ka din ULIT! What a coincidence diba? 'Yung ex-bestfriend ko, ay girlfriend na ngayon ng ex-boyfriend ko. Amazing right.
Hintay ka lang Yam. Babalik din tayo sa dati. I still love you and I always do. And I know you still love me too! See you soon sweety ;)
*************

Potekk! Si Alexandra! Ang first girlfriend kong nang-iwan sa akin dahil nagsawa na daw siya sa akin!

Hindi ko alam kung bakit pa siya nagbabalik nga yon!

And the fudge! Kilala niya si Jaja! At ano daw kamo? Ex-bestfriend? At matapang na daw siya ngayon? Bakit? Nagkausap na ba sila ulit?

'Wag lang niyang gagalawin si Jaja, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa kanya!

Pero kung nagka-usap na sila ni Jaja, bakit hindi man lang niya sinabi sa akin?

Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero kung natatakot man siya sana sabihin niya sa akin para maprotektahan ko siya.

*BEEP BEEP*

Napasilip ako sa labas nang may bumusina. Na sa living room lang kasi ako at nakahiga dahil sobrang nabuburyo nga ako edi lalo na kung nasa kwarto lang ako diba?

Lumabas ako ng bahay at nakita sila Jeric at Aaron na naghihintay sa labas.

"Oh? Ba't di maipinta 'yang pagmumukha mo Kirby?"- salubong sa'kin ni Aaron.

"H-ha? W-wala. Masyado lang akong naboboring. Oo. Ganon."

"Ah tamang-tama pala. Tara basketball. Nag-aaya sila Ken eh 3v3 daw. Nakakamiss din maglaro eh."-sabat naman ni Jeric.

"Saka busy ang girls eh. Tara!"-Aaron.

"Sige. Burying-buryo na 'ko eh. 'Di pa makatext si Nini ko :3"

"Pffftt.. Ano 'yan bro? Naging kayo lang ni AJ, natututo ka nang mag-pout?Haha. P*ta. Mukha ba 'yan? Hahaha!"-sabi ni Aaron at sabay silang tumawa ni Jeric.

Pansin ko lang ah, lagi akong pinagtutulungan ng dalawang to lately.

Biniridahan ko nga ng pasok ulit sa loob.

"O-oi san ka pupunta pre? Joke lang uy!"-Aaron sabay hila sa'kin pabalik.

"P*ta, bawal magbihis?"

Bumitaw naman siya. "Sabi ko nga eh. Bilisan mo."
***********

"Hahaha. Potek na 'yan. ANg ganda ng bagsak mo kanina bro ah? Plakdang-plakda eh Hahaha."-pagpuna ni Jeric sa pagkadulas ni Aaron kanina kaya nagtawanan kaming lahat.

"Eh siraulo ka eh! Sabi ko bantayan mo si Mike eh. Ansakit potek." At nagtawanan ulit kami.

Naglalakad na kami pabalik sa mga sasakyan namin. Actually kaming tatlo 'yung kotse ni Jeric ang gamit namin.

Natanggal ang sintas ng sapatos ko kaya inayos ko muna at nauna na silang maglakad.

Nang tumayo na 'ko at may napansin akong isang babaeng nakatago sa likdo ng puno. Nang mapatingin ako sa kanya nagulat ako nang mapagtanto kung sino ang taong iyon.

Ngumisi pa ito.

"A-Alexandra???" O_______O
**********

~nicakookie_~
FOLLOW. VOTE.COMMENT ^____^

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon