Chapter 19: WHO-GOAT?

133 10 0
                                    

~Jaja's POV~

"Eh kasi naman Mommy! Anong reregalo ko kay Nono ko? Wala talaga akong maisipi. WAAAHHHH!"-sabay subsob ng mukha sa unan.

Andito kami ngayon ni Mommy sa kwarto nila dahil wala akong maisip na ireregalo kay Nono my loves (Ansabee? XD) para sa monthsary namin T__T

Kagabi pa ko nai-stress POTEKK >___

"Alam mo baby, lalo kang 'di makakaisip kung puro ka sigaw at kung puro utak gagamitin mo."

'Anu daw?'

"Huh? Eh My (short for Mommy), diba utak naman talaga ginagamit 'pag nag-iisip?"-takang tanong ko.

" Oo, kadalasan. Pero hindi sa lahat ng bagay." Napakunot lang ang noo ko. "Sa pag-iisip ng para sa isang taong mahalaga sa iyo, kailangan mong gamitin ang puso mo. Aanhin mo ang utak kung nasa puso naman ang pagbibigyan mo? Di'ba tama ako?"

'Tama nga si Mommy'

Pero..

"Who-goat lang ampeg Mommy?" Hahaha.

"What's who-goat?"

"Wala ka My. Hindi ka maalam Hahaha. Who-goat. Hugot. Lalim ng pinanghugutan ng sinabi mo. Hayss ang slow mo My. Hahaha."

"Ay sorry naman. Malay ko ba dyan sa who-goat who-goat na yan. Maganda pa din naman ako kahit 'di na ko in Hahaha."

*WHISTLE WHISTLE HABANG NAKATINGIN SA IBANG BAGAY O KAYA SA TAAS HAHAHA*

"Aray naman Mommy." Binatukan ba naman ako. "Grabe ka Mommy. Binabatukan mo na ko ngayon ╯ω╰"-sabay pout.

"Ayy sorry naman baby. Malay mo uso din mambatok."

d-_______-b

Binatukan ko din pero mahina lang. Pambiro lang. "Uso nga sya Mommy ^_____^"

"Ah ganon? Siyam na buwan kitang inalagaan sa aking sinapupunan at labing-anim na taon kitang binuhay."- with matching hand gestures and dramatic tone.

OA ni Mommy noh? Hahaha. Baliw yan eh. Parehas kami HAHA.

"Wo-wey ni Mommy Hahaha. Pero MOmmy thanks sa advice. Kaya love kita eh."-sabay yakap at halik sa pisngi.

"Ughhhh. Uso din ba dramahan baby?"

"Mommy naman eh Hahaha."

~Kirby's POV~

"Haist. Sa dami na ng nagawa ko para kay Nini, hindi ko alam kung ano ireregalo ko sa kanya. Naubusan na 'ko ng idea, tsk!"

"'Yan kasi pare eh. Haha. Masyado kang pa-twit Hahaha."-sabi ni Jeric at saka nakipag-apir kay Aaron.

Andito kami ngayon sa condo ni Aaron. Bonding lang. Pero ang totoo humihingi lang talaga ko sa kanila ng tulong.

Binato ko nga ng  unan sa mukha si Jeric. "Lul. At least 'di ako kasing torpe mo! Sa akin andami mong naipapayo pero ikaw 'di ka man lang makapgtapat kay Annika Hahaha."

Namula pa ang loko.

"Haha. Nice one pre." Si Aaron sabay apir sa akin. "Banat pa kasi eh, 'yan tuloy bumalik sa'yo Hahaha. 'Wag ka nga mag-blilush 'di bagay sa'yo Hahaha!"

"O-oi! Kapal mo! 'Di ako nagba-blush no! Kapal neto!"-sabay tingin sa malaking salamin Hahaha.

"Tumigil nga kayong dalawa. Pag-untugin ko kayo d'yan eh. Tulungan niyo na lang ako mag-isip."-saka ako nagpangalong baba.

Bigla naman akong inakbayan ni Jeric. "Alam mo P're, bilang sinabi mo din naman na marami akong magandang naipapayo sayo ..."

"Lul! Wala kong sinabing maganda mga payo mo!"

"'Yun na nga. Papanindigan ko na tutal ikaw na nagsabi eh. Ang payo ko lang naman, 'wag mo nang hanapn ng sagot kahit kasuluk-sulukan ng utak mo dahil wala kang mahahanap d'yan."

Napakunot naman ako ng noo.

"Eh wala naman kasing utak na paghahanapan Haha---Aray naman!"-Napa-aray tuloy si Aaron. Hinampas ko kasi ng mabigat na unan. Epal eh.

"Ge tuloy mo na. Isang salita pa Aaron ikukulong kita sa banyo!"

"Wala kasi sa utak 'yan P're. Andito..""-sabay turo sa kaliwang dibdib kung nasaan ang puso. (in-explain ko lang baka may slow eh XD JK) " ...Sa puso. Kung mag-iisip ka nang ibibigay sa taong mahal mo, kailangan bukas sa loob mo, sa puso mo. Kasi nasa puso mo ang taong pagbibigyan mo kaya dapat galing din sa puso 'yung ibibigay mo sa kanya."

"Who-goat P're?"-singit na naman ni Aaron.

"P*ta manahimik ka nga. Ambakla mo."

"T*nga mas bakla ka. 'Di ka nga marunong manligaw eh Haha."

Tumingin sa mata ko sa Jeric.

'Alam ko na agad ibig sabihin ng tingin na 'yan. Hahaha. '

"O-Oi! H-hindi ko gusto 'yang mgs tinging ganyan ah--- AHHHHHH. POTEK BUKSAN NIYO NGA 'TO! JOKE LANG NAMAN EH!"

************

~nicakookie_~
VOTES AND COMMENTS GUYS THANKSS ^_____^

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon