Chapter 26: MAGTAGO KA NA!

113 6 0
                                    

~Jaja's POV~

"Nice to see you  again, EYY!"

Nag-unahang muli ang mga luha ko sa pagpatak.

EYY.

Yan ang tawag niya sakin noon dahil imbes na Ayna ang basa niya sa AENA, Eyna ang basa niya rito dahil likas na maarte nga siya.

Pero NOON lang 'yon!

NOONG MAG-BESTFRIEND PA KAMI!

NOONG HINDI NIYA PA AKO TINATRAYDOR!

Hindi ko na napigilan pa ang galit ko na umalpas at nasampal ko siya nang malakas.

Everbody gasped.

Kahit ako ay nagulat dahil sa ginawa ko kaya tumakbo na lang ako palabas.

Ramdam kong sumunod sa akin si Nono nang makalayo lang ako nang kaunti kaya nama'y mas binilisan ko pa.

********

Mabilis kong narating ang garden.

Umakyat ako sa punong manggang nasa pinakadulo at doon ko ibinuhos lahat ng luha ko.

She's the reason why I almost cry to death that time.

I almost killed myself dahil halos hindi na ako kumakain simula nang mangyari iyon.

Hindi ko alam na unti-unti na pala akong nakakatulog.

*******

~KG's POV~

"Hindi ko alam kung anong kasalanan mo sa kanya pero oras na malaman ko kung ano 'yon, MAGTAGO KA NA!"-sabi ko kay Sandra at saka mabilis na tumakbo para sundan si Nini.

Natanaw ko siya sa malayo pero agad din siyang nawala.

Sinundan kung saan ko siya nakita pero napansin kong papunta ang isang daan sa garden habang ang kabila ay papunta sa parking lot.

Una kong tinignan ang garden pero nakailang ikot na ako hindi ko pa din siya makita kaya tumungo ako sa parking lot pero naalala kong sinusundo ko nga pala siya palagi at ayaw na ayw niyang magco-commute.

'Saan naman kaya siya nagpunta?'

Nagtanong na ako sa kahit na sinong makita ko pero puro wala ang isinasagot nila kaya halos makapanakit na ako ng tao.

Inabot ako ng mahigit isang oras ng pagtatanong-tanong.

Nakasalubong ko si Alexandra malapit sa may garden.

Agad ko siyang hinawakan ng mahigpit sa kanyang magkabilang braso kaya't mahahalata mo sa mukha niya na nasasaktan siya.

"A-aray ko Yam! N-nasasaktan ako. A-ARAYYY!"-isinigaw niya nang malakas 'yung Aray sabay tanggal sa mga kamay kong nakahawak sa kanya.

Mabuti na lamang at walang ibang tao dito sa may garden kaya't hind makakagawa ng komosyon ng mga tao.

"Ano bang problema mo Yam? Kung gusto mo kong isama kung saan ka pupunta--"

"MANAHIMIK KA!"-medyo may kalakasang sigaw ko kaya't napatigil siya. "Nasaan si Jaja??!"

"Aba malay ko! *smirk* Hmm. Baka naman nilayasan ka na dahil alam niyang wala siyang laban sa'kin!"

Nakakairita talaga ang babaeng 'to kahit kailan.

"Nasaan siya??!"-pag-uulit ko na hindi pinapansin ang sinabi niya.

"Hindi ko nga alam!"-medyo iritable niyang sagot kaya alam kong nagsasabi suya ng totoo.

Paalis na sana ako nang hawakan niya ako sa kanang braso ko.

Tingnan ko siya.

Nangingilid na ang luha niya. "Hindi totoong hindi mo ko minahal diba?" Hindi ako sumagot at tinignan lang sya. "Sagutin mo please! Alam kong minahal mo ako at mahal mo pa rin ako diba?"

"Oo!"

Nagliwanag ang mukha niya.

"Oo minahal kita...." Huminto ako panandalian. "... pero bilang isang kaibigan lang at isang importanteng tao na pinahalagahan ako noon."

Unti-unti lumulungkot muli ang mukha niya kasabay ng pagpatak ng luha niya.

"Pero hindi na kita mahal kahit na ano pang turing. Kaya naman kitang patawarin sa ginawa mo sa'kin eh. Pero ngayong nalaman kong nasaktan mo si Jaja noon, hindi ko na alam!"

Nilagpasan ko na siya at nagdiretso sa parking lot para umuwi.

***********
~nicakookie_~

My First love is My First Best Friend  [COMPLETED] {EDITING}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon