Pagpapakain sa mga bata
_______
KASALUKUYAN [ 10 years later ]
****
La Vista Del Mar
Lahat mga kaibigang abogado ni Dough ay Inimbitahan ng matalik niyang kaibigan na si Marcov, kaipanalo na naman uli niya kasi sa isang kaso. Bilang Abogado ay napakalaking tagumpay niyon, Kung tutuusin ay baguhan palang siya sa larangan ng Abugasiya ngunit Maglalabing siyam na kaso na ang napagtatagumpayan niya.
"Grabe pare! Ikaw na talaga! Kung pwede lang kitang bigyan ng Rooky award ay ginawa ko na. The best ka pare!" Ani Marcov sa kaibigan, Nakangiti lamang si Dough sabay iling.
Di naman talaga siya mahilig lumabas upang mag celebrate ngunit nag-talo na naman kasi sila ng Asawa niyang si Megan kung kaya imbes na umuwi at magcelebrate kasama ng asawa ay dito nalang sa Resort ng pinsan niyang si Clinton siya tumungo, Isinama narin ni Marcov ang mga kaibigan nila upang kahit pansamantala ay mabawasan ang kaniyang mga pinag-iisip
Limang taon na silang Kasal ni Megan, sa West at sa Mini Church Wedding nila sa Paris, ngunit Ewan ba niya't hanggang ngayon ay tila ba malayo ang loob nito sakaniya. Alam niya namang Galit na galit ito sakaniya nung una sapagkat nabuntis niya ito sa murang Edad kung kaya napilitan silang magpakasal sa West, It wasn't even planned but what can he do? nabuo na ang nangyari.. May kambal na sila.
Hanggang ngayon ba ay paulit-ulit parin iyong isinisisi sakaniya ng asawa? na kasalanan niya kung bakit hindi nito nagawang tuparin ang ambisyon abroad?
Ibig niyang maglulong sa alak ngunit ayaw din naman niyang magsususuka kung kaya pinipigilan niya parin ang sarili.
_____
SAMANTALA
Sa bayan ng Angeles naman ay may isang makulit na nagbibenta ng Sampaguita sa Tapat ng Simbahan..
Walang iba kundi si Magdalena, Magiliw ito't animo'y palagiang nasa Dancefloor sapagkat kahit pa nakapaa lamang ay wala itong pakialam at di nahihiyang umindayong at sumayaw sa harap ng maraming tao
Araw-araw ginagawa niya iyon tuwing sumasapit ang alas tres ng hapon, sapagkat dumarami na ang mga taong nadadaan roon, mas madaming tao mas maraming benta.
"Rampa!" Sigaw niya pa habang humahagigik at isinasayaw ang Lambada, Kasa-kasama niya saan man siya magpunta ang bestfriend niyang si Eric, ito kasi ang may dala ng Maliit nilang Radyo, Upang magpatugtog ng mga kantang pwede niyang sayawin.
"Yes! Tatlo nalang! lakasan mo pa lalo Eric para mas lalo naman akong ganahan sa pagsasayaw!" Ani Magda na agad namang sinunod ng kaibigan
"Ang galing-galing mo talagang sumayaw Magda, Kelan mo kaya ako sasagutin!" Sambit ni Elias, kababata niya rin. Inismidan niya ito ngunit ng ito ay bumili sakaniya ng Sampaguita ay siya namang ganti niya ng napakatamis na ngiti rito. Waring natunaw ata ang lalaki kung kaya agad itong nag-iwas ng tingin
"Pabili narin ako Lena, Hays! kahit kelan di talaga ako magsasawang bumili nitong mga sampaguita mo, ang babango tapos ang gaganda pa! parang ikaw!" Sambit naman ng isa pa niyang kababata na si Boy.
Parehong may gusto sakaniya ang dalawa ngunit hindi nalamang niya iyon pinagtutuunan ng pansin. Pag pinansin niya pa kasi ay baka lalo lamang isipin ng mga ito na interesado siya ,e sa Hindi.
"Sa wakas naubos ko narin!" Ani Magda na bagsak ang balikat na naupo sa Tabi ni Eric, pareho silang walang suot na tsinelas, ngunit dyahe lamang iyon para sakanila.
"Bilangin na natin?" Ani Eric
"Sige!"
Sinimulan na nga nilang bilangin ang mga barya.
"Ipambibili mo na naman ba ito ng pagkain para sa mga batang pulubi Magda?"
Tumango si Magda ngunit ang atensyon nito'y nakatuon parin sa pagbibilang ng pera
"Nanaman? Magda naman kulang nalang maging Ina ka ng mga batang yun ah! ba't di mo nalang kasi sila hayaan--"
"Dalawang Daan! Yes! akala ko pa naman nashort ako sa pagbibenta yun pala hindi, oy ikaw Eric ha! Alam mo namang masama ang magdamot hindi ba? Mabuti nga tayo at may Bahay ampunan paring tinitirhan samantalang yung mga batang yun eh ni isa wala, Wala rin silang mga magulang. Sino ang mag-aabot sakanila?"
Tinaasan siya ni Eric ng Kilay
"Makapagsalita ka diyan akala mo naman may magulang ka rin, Hoy Magda! pare-pareho lamang tayong walang mga magulang ano, isa pa- ba't di nalang natin ipamili ng pagkain yan, kanina pa ako nagugutom eh." Gusot ang noong sambit ni Eric habang sapo ang kaniyang Tiyan
"Ayun! So tama nga ako sa hinala ko. Tss! Alam mo Eric kung nagugutom ka, magsabi ka. Eto. [Inabutan niya ito ng pera] Bumili ka dun, bibigyan naman kita ah. Di mo na kailangan pang siraan yung mga bata saakin dahil kahit ano paman yang sabihin mo, Itutuloy at itutuloy ko parin ang pagtulong sakanila ano!" aniya't muli ng tumayo.
"Ngunit hanggang Kailan Magda?"
"Hanggang sa makakaya ko, To' naman ang dami pang sinasabi. Hali ka na nga at Bumili na tayo ng pagakain, ikain monalang yan okay?" Nakangiting sambit ng dalaga
Wala nang nagawa si Eric kundi ang sumunod nalamang dito, Sa kabila kasi ng pagiging pasaway ng kaibigan ay di niya maitatangging napakabuti ng puso nito para sa mga katulad nilang wala ring mga magulang at pagala-gala lang sa daan. May punto din ito ng sabihin nitong Maswerte sila sapagkat may matitirhan parin sila sapagkat Hanggang ngayon ay sa bahay ampunan parin sila nakatira, para na kasi silang anak ng Madreng si Jasmin kung kaya kahit pa may mga gustong Umampon sakanila noon ay Hindi ito pumapayag. Napamahal na sila sa Madre kaya pinanatili sila nito sa Bahay Ampunan.
____
"Oh kumain lang kayo ah? Hayaan niyo bukas bibili ako ng Fried chicken pagka nakabenta ako ulit ng marami-rami, mamayang gabi ay dadamihan ko ang pag-gawa ng Sampaguitang de kwintas upang maabot ko yung presyo ng friendchicken. Kain lang ng kain ah?" Ani Magda sa mga bata, sa Gilid ng kalye lamang niya pinakain ang mga bata sapagakat sa tuwing sinusubukan niyang papasukin ito sa loob ng Isang Karinderya ay sinisenyasan na silang lumabas ng mga tao sa loob. Waring diring diri ang mga ito sakanila
Tss. Kung sino pa ang may mga kayang Bumili ng Masasarap na pagkain at may magagarang damit, Sila pa ang Maarte at walang awa sa mahihirap.
"Mabilaukan sana sila." Bulong ni Magda na ang tinutukoy ay ang mga taong kumakain sa loob..
"Salamat ate Magda, ang bait mo talaga." Saad ni Miko
"Oo nga, at ang ganda pa!" Ani Angel
Natatawa nalamang si Magda sa mga pambobola ng mga ito, Pag kasi ganito ang linyahan ng mga bata ay alam niya na kung ano ang hinihingi ng mga ito.
"Softdrinks no?" Aniya
Na agad ding tinanguan ng mga bata, bale Anim ang mga batang lansangang nakakasalamuha niya. Tingin niya sa mga ito ay mga kapatid niya kung kaya napamahal na ito sakaniya ng sobra.
"Sabi ko na nga ba eh, alam ko na yang mga linyahan niyong yan. [Chuckles] Ohsya, Etong pera Eric bumili ka dun ng Isang Litrong Coke tapos magdala ka narin ng isang baso ah?"
Agad naman sinunod ni Eric ang Utos, pagkuway muli nang pinakatitigan ang mga bata na masayang kumakain. Naalala niya na naman ulit ang kaniyang kakambal..
'Kumusta ka na kaya Megan..' saad niya sa isipan.
BINABASA MO ANG
"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]
RomantikBuong lakas na itinulak ni Dough si Magda sa harap ng malaki nilang Frame sa Kasal. Ibig niyang ipamukha kay Magda ang Kasinungalingan nito, Marahas niya itong Iginawi sa harapan ng Litrato, Umaalab ang kaniyang dibdib sa labis-labis na galit para r...