CHAPTER 8

863 39 5
                                    

Natuklasan na ni Dough na hindi si Magda si Megan
_____

Kasal

Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga'y kasal na nina Megan sa katauhan ni Magda at ni Dough

Napakaganda ni Magda sa suot niyang  wedding dress. Simple lamang ito ngunit Hapit sa katawan.

Excited na ang lahat, Maliban sa Groom. Sa una palang ay alam niya nang may kakaiba.. Lalo pa sa mga nakaraang araw na nakikita niya ang asawa'y sobra naniya itong pinagtakhan.. Ayaw nitong Makita siya, ni maski titigan siya sa mga mata. Tila ba takot na takot itong mabasa niya ang mga kasinungalingan nito.

ISANG gabi sakanilang tahanan, Ng kaniya itong tinabihan sa kama ay umalis ang babae at mas pinili pang matulog sa Sofa. Ang tinig nito ay kakaiba rin, nung una'y akala niya lang namamaos ito ngunit sadya palang may pagka-husky rin ang tinig nito, Sexy kung tawagin lalo na sa tuwing bagong gising ito hindi gaya ni Megan na may manipis na tinig.

Isa pa ang napansin niya, si Megan ay maraming nunal sa kabuuhan ng katawan nito, maging sa likod at sa hita.. Ngunit ang babaeng nagpakilalang asawa ay walang nunal sa hita ni sa likod, meron itong nunal sa bandang kilay, pisngi at bandang leeg patungong dibdib..

Hindi naman siguro pipwedeng bigla nalang tubuan ng nunal si Megan sa mga parteng iyon sa maiking panahon.

Alam niyang may mali, at ang maling iyon ay ang babaeng pakakasalan niya ngayon. Wala rin naman siyang balak na umatras sapagkat siya lamang ang mapapahiya, isa pa isa siyang abogado kaya isang napakalaking kahihiyan iyon sa pangalan nila.

Hindi niya alam kung ano ang gusto ng babaeng ito kung bakit nito nagagawang magpanggap at magsinungaling ngunit pagbibigyan niya ito, gusto nitong makipaglaro sige—sasabay siya sa agos.

Hanggang sa matapos lamang ang kasal. Kanina pa kating-kati ang kaniyang kamay gusto na niyang bilisan ang oras upang ng sa gayon ay makumpronta na niya ang babaeng ito. He want his wife back, yung tunay niyang asawa at hindi ang babaeng Impostorang papakasalanan niya!

"Ang ganda niya pare!" ani Marcov ng makitang naglalakad na si Magda sa aisle patungo sa gawi niya

Ngumiti lamang siya ng mapakla, habang ang mga mata naman ay hindi iniaalis sa babae. Kumaway-kaway pa ito sa mga anak niya tss. Napairap siya sa ginawa nito.
_____

Pagkatapos ng kasal

Dapat ay honeymoon na nila ngunit— hindi siya tinabihan ni Dough, alam na nitong hindi siya si Megan. Para kay Magda ay okay lamang iyon sapagkat hindi rin naman siya magiging kumportable kapag katabi niya ang lalaki, naiisip niya lang ang kaniyang kapatid. Isa pa, sa tuwing tumatawag ito sakaniya ay palagi nitong ipinapaaala sakaniya na bawal siyang mahulog.. Nung una ay hindi niya iyon maintindihan ngunit ng malaman niya na ang asawa pala ng kakambal ang tinutukoy nito na bawal niyang ka-hulugan ng damdamin ay umiiwas nasiya.

"How much money do you want." Saad ni Dough na nagpapitlag sakaniya, Balak niya na sanang mahiga sa kama ng madinig ang tinig nito, Napabalikwas siya ng bangon at nilingon ito, nakasandig pala ito sa pintuan habang naka-kibit balikat

"H-ha?" Maang niyang tanong

Tinaasan siya nito  ng kilay habang ang mga mata naman nito ay matalim siyang pinakatitigan

"Ilang pera ang kailangan mo para lamang magtigil kana sa pagpapanggap na ginagawa mo and tell me where is my real wife!" Anito na ngayon ay napalakas na ang boses, mabuti nalang at wala ang mga bata ngayon sapagkat nasa mga magulang ito ni Dough.

Hindi siya nakasagot kaya madali siya nitong nilapitan at sinakal saka buong lakas na hinila upang maisandig sa Simentong dingding

"D-Dough!" Daing niya ng makaramdam siya ng sakit sa bandang likod niya, ngunit mas lalo lamang iyong ikinagalit ng lalaki

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon