CHAPTER 9

873 35 0
                                    

Huli na, magdedeny pa.
_____

Pagkatapos kumain, tinulungan na ni Magda ang katiwala nila magligpit ng kanilang pinagka-inan, maging sa paglilinis ng Bahay ay nagprisinta din siya.

Bagay na labis nang pinagtatakhan ng katiwala.

"Maa'm Megan bakit ho tila yata nagbago kayo? Yan ba yung epekto ng pagpapakasal ninyo ulit kay sir Dough?" maang na tanong sakaniya ng katiwala habang ito ay nagpupunas ng Mesa at siya naman ay nagsimula nang mag-vacuum

"Ahh—siguro po?" Nasabi niya nalamang

Nasa ganoon silang sitwasyon ng madinig ni  Magda sa salas na may nag-dodoor bell, agad niyang tinakbo ang labasan patungong gate upang silipin kung sino ang panauhin, si Marcov iyon, kaibigan ni Dough. Nakilala niya ito sa kasal. Ito kasi ang bestman.

Agad niya itong pinagbuksan, saka nakangiting binati ito.

"Magandang Umaga Marcov."

"Oh, Megan ikaw pa talaga ang nagbukas para sa'kin, Uhm-si Doughtry ba nandiyan?" anito

Magandang lalaki rin itong si Marcov, gaya ni Dough ay matangkad din, mistiso at masiyahin nga lang. Hindi gaya ni Dough na palagi nalang atang seryoso ang awrahan.

"Nasa loob siya, pasok ka." Saad niya

Tumango lamang ang lalaki pagkuwa'y sinenyasan siya nitong magpatiuna na pabalik sa loob ng Bahay.

_____

Tutok na tutok si Magda sa paglilinis ng buong kabahayan, nagpapalit narin siya ng kurtina ngayon

Samantalang sina Dough at Marcov naman ay nasa Salas, Talking about their job. May bagong kaso na naman kasing ipinasa ang Pulisya para kay Dough, His phone is off magmula pa nung kasal nila ni Magda kaya hindi siya matawagan ng mga ito.

Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang kwentuhan ng madinig ni Marcov na magsalita si Dough.

"I've married an impostor pare." Malamig nitong saad habang ang hintuturo ay nakahilot sa sentido

Napamaang bagang si Marcov ng madinig iyon kaya siya napasulyap ng makailang beses kay Magda na ngayon ay nagwawalis na naman ulit. Umayos na muna siya ng upo bago niya inilapit ang kaniyang mukha kay Dough upang makasigurado kung tama ba ang narinig niya

"What did you just say? Nagpakasal ka sa isang impostora? pare naman prank ba to?"

Umiling si  Dough, Seryoso parin ang mukha nito kaya sigurado na si Marcov na hindi ito nagbibiro. Napasinghap siya ng hangin sa kawalan, Hindi siya makapaniwala. Paano nangyaring—Nag-pitik siya ng kamay ng may maalala..

Nasabi sakaniya noon ni Dough na may kakambal si Megan.. Hindi kaya

"You mean? that woman right there isn't Megan? wow! seryoso ba to pare?"

"It's up to you if you don't wanna believe me." ani Dough bago tumungga ng Liquir

"Okay fine i believe you but— Wow! nakakagulat naman ata yun." Muli siyang napasulyap kay Magda

"If that woman wasn't Megan or Magda your firstlove, then that means.. She's Megan's twin sister? I remember you've once told me before about her Twin Sister right? Posible kayang siya yun? I mean look at her she look so much like Megan, sinong mag-aakala na hindi pala siya si Megan hindi ba?"

Hindi sumagot si Dough bagkus muli lamang siyang sumimsim ng alak sakaniyang baso, ng muling napaisip si Marcov. Tinitigan nito ng mataman si Magda. Ang Megan na nakilala niya ay maarte samantalang ang babaeng narito sa tahanan ni Dough ay wala man lang bahid ng kaartehan sa katawan, she even took off her sandals and walk at the house ng nakayapak, kaya rin nitong kunin ang basurang nagkalat kahit pa gamit ang sarili nitong mga kamay..

"LA IMPOSTORA" [VÁZQUEZ Series #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon